NAGSIMULA ang Masquerade Party. Glamoroso ang unang salitang masasabi sa ganda ng pagkakaayos ng lugar gayundin ang mga taong naroon. Nagniningningan ang mga kasuotan. Suot ang isang sexy blue dress ay lumakad si Katarina papasok sa loob ng napakalaking hall. Iniabot niya sa isang attendant ang kaniyang invitation. At tinignan iyon ng lalaki.“Good Evening Miss Mayfair! Come in and enjoy the night,” masayang bati ng attendant.Sa kaniyang pagpasok ay nakakuha agad siya ng atensyon dahil pinagtinginan siya ng mga tao. Ngunit wala siyang ibang pakay kundi ang kaniyang ama. Naghintay siya sa isang gilid para makapagmasid. Dumarami ang mga tao at nagsisimula na ang party. May mga performers na sumasayaw at ang alak ay umiikot na para sa mga guest. Ngunit ni isa ay hindi niya tinikman. Napaatras siya ng may biglang humawak sa kaniyang baywang at hinigit iyon na para bang siya lang ang tao ‘ron. Ayaw niya ng gulo at baka gumawa pa ito ng komosyon.Nagpaubaya siya sa lalaki at dinala siya ni
NAGISING si Sebastian sa isang kuwarto. Napaigik siya sa sakit na nagmumula sa kaniyang tagiliran. Pinilit niyang bumangon may malalambot na kamay ang pumigil sa kaniya.“Hindi ka pa maaaring gumalaw, Sev.” Pigil ng boses.“Ka-Katarina?” naiusal niya ang pangalang iyon kahit na ang nasa harap niya ay si Cecilia.“I’m sorry I’m not Katarina, I’m your wife, Sev. That woman tries to kill you!” mahinahon ngunit may diin sa mga sinabi ni Cecilia.Natahimik si Sebastian at inalala ang tagpong iyon. Hindi niya lubos akalaing gagawin iyon sa kaniya ni Katarina. Isang mahinang at nakakaawang babae ang kilala niyang Katarina. Ngunit ang nasa party ay isang bago at mas nakakaakit na pigura ni Katarina para kay Sebastian. Tinignan niya ng masama ang babae at kinalas ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya.“You and your dumb brother will pay for it,” he lay down and turned his back on Cecilia.Wala ng nagawa pa si Cecilia kundi ang maupo at maghintay na gumaling ang sugat ni Sebastian. Labis
“The world is cruel, especially to someone weak like you!” hindi niya maiwasang maalala ang mga salitang sinabi ni Sebastian sa kaniya noon. ‘Tama naman siya,’ bulong niya. Napangiti siya ng napakapait dahil wala na siyang maaari pang gawin dahil bukal sa loob ng magkapatid ang pagsama kay Primo. At ngayon ay wala naring dahilan para magtagal sa poder ni Mikayel. Maiipit lamang siya sa dalawang naguupugang bato. Buo na ang loob niya na umalis at magpunta sa malayong probinsya.Nakita niya si Greta na may mga sugat sa kamay gayundin ang galos sa mga braso nito. Patuloy ang pagdurugo ng mga sugat. Dali-dali niyang ineksamin ang mga sugat ni Greta.“A-Anong nangyari?” nagaalala niyang tanong.“I’m okay. Galos lang ito.” Nakita niyang namutla ito at may hiwa sa braso. Muli niyang naalala si Sebastian sa TVC ‘non. Inagaw niya kay Greta ang box na may lamang first aid kit. Binigyan niya ng tela ang babae at pinakagat niya ito. Halos mapasigaw sa sakit si Greta dahilan para lalo itong manghi
SA ISANG madilim na sulok ng dating kuwarto ni Katarina ay naroon si Sebastian. Sinimsim niya ang huling salin ng alak sa kaniyang baso. Inilipat niya ang tingin sa bakanteng kama ni Katarina. Simula ng umalis ito ay hindi na niya ipinagalaw ang kuwarto nito kung kanino mang katulong kahit na nais pa ni Cecilia na umukupa dito. Palagi siyang umaalis at ilang araw babalik matapos ang kaniyang pagche-check sa mga hawak niyang lugar. Hindi na siya muli pang naglakas ng loob na hanapin ito.“Nandito ka lang pala?” sabi ni Cecilia habang papasok sa loob ng kuwarto.Hindi siya tinapunan ng tingin ni Sebastian kaya niyakap niya ito mula sa likod. Bahagya niyang kinagat at sinipsip ito. Nagiwan ito ng pulang marka at napangiti siya sa kaniyang ginawa. Gumapang ang kaniyang mga kamay sa dibdib ni Sebastian ngunit hinuli ito ng lalaki.“W-What do you want?” malamig nitong sabi.“I miss you. Ilang araw kang nawala at ang sabi ni Dad ay may naikuwentro daw kayo. I was just worried about you.” Sa
NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb
Bumagsak ang malakas na ulan kumidlat ng matatalim at patuloy ang pagdagundong ng kulog. Naroon si Katarina nanatiling nakatayo sa gilid habang ang lalaking naka-suot ng black suit ay papalapit sa kanya. Tanging ang liwanag ng pagtama ng kidlat ang nagsisilbing tanglaw sa pagitan nilang dalawa. Umatras man siya ay wala na siyang magagawa. Hindi na niya matatakasan ang lalaking lango sa alak. Naramdaman niya ang lamig ng pader lalo pa ngayon sobrang nipis lang ng suot niyang pangtulog. Ilang gabi na siyang nanatili sa lugar na ito. At ni isang beses ay ayaw siya nitong kausapin ngunit ngayong gabi ay kaiba dahil ito na ang lumapit na sa kanya.'Bakit ka pa kasi natuksong lumabas ng kwarto na iyon, ngayon paano ka makakatakas sa lalaking ito' nanginginig niyang paninita sa sarili."An-anong ga-gagawin mo Mr. Del Castillo?""Ano paba sa tingin mo?""Dinala ko sa yo ang mga pinabibigay niya para sa proteksyon ko""Wala na itong pakialam sa mga dala-dala mo. Ito ay sa pagitan nating dalawa
Nakahanay na nakaupo ang mga bagong babaeng recruit ni Madam Lee sa backstage. Maingay ang loob ng TVC or kilala sa tawag na The Virgins Club, isang Elite Club na tanging mga mayayaman lang ang afford makapasok. Kasalukuyan kasing gumigiling ang stripper na si Faira. Talagang napupuno ang nasabing club.Napukaw ang kanilang atensyon ng dumating ang matabang babae na halos lumuwa ang bumper nito sa harap at abot ang paypay sa kanyang abaniko. May manipis na kilay na animo ay iginuhit lamang sa magkabila. Bahagyang natawa si Katarina ng ito ay magsalita dahil kakaiba ang tono nito. Sa paghagikgik niya ay nakuha tuloy nito ang atensyon nito. Kaya ito ay tumapat sa kanya."Tumayo ka!" utos niya kay Katarina. At si ay pinatalikod, pinatagilid at pati pagtuwad ay pinagawa. Matangkad si Katarina na may matambok na p'wet at malaking dibdib. Morena at may alon-along buhok na kulay brown. Para itong modelo sa tindig at may makinis na balat."Anong pangalan mo?" masungit niyang sabi at pinagpatu
Nanghihina akong lumabas ng Club dala-dala ang chekeng kapalit ng aking puri. Muli ko itong pinakatitigan at hindi naman nagkakamali sa nababasang pigura duon. Bahagya akong napangiti dahil ito lang ang kaya kong maitulong sa aking mga kapatid na kasalukuyang nag-aaral. Hindi ko makakayang makita ang mga itong gumapang sa hirap. Napansin kong pati ang panahon ay hindi masaya sa aking kinitang pera. Anumang oras ay babagsak ang ulan at nais na kong mawithdraw ang pera para sila ay maihanap na ng maayos na tirahan. Iniwan lamang ko lang sila sa kalapit na kakilala dahil wala naman kaming matutuluyan ng gabing iyon.Nagmadali kong hinabay ang lugar na iyon dahil labis narin ang aking pag-aalala sa mga ito.'Ganun naman talaga siguro ang mga panganay na anak. Kadalasan sila ang naoobligang tumapos ng responsibilidad na na dapat mga magulang ang gumagawa'muli siyang napangiti at inayos ang kanyang damit bago humarap sa mga kapatid.Pagpasok niya sa bahay ng kaibigan ay halos mawala siya sa