Nagulat pa siya nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng isang di-kalakihang clinic. “W-What are we going to do here?” nababahalang tanong niya sa kaibigan. “Relax. The owner is a friend of mine. You’re safe here,” anito bago nakangiting binalingan ang apat na taon ng si Harvey na nakaupo sa backseat. “Will just go with Mommy inside, okay? She has stomached and she needs some medicine. After that will go to your favorite ice cream shop,” malambing na kausap nito sa anak niya. Nakangiting sunod-sunod na tumango si Harvey. “Okay, Nong...” Iyon ang nakasanayang itawag kay Bailey ni Harvey, kaya bahagya siyang sinimangutan ng kaibigan. She taught that to Harvey, and Bailey never likes calling him like that noong malaman nito kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Lalaking-lalaki raw kasi ang dating. “Let’s go?” At nagpatiuna ng bumaba si Bailey. Ito na ang umalalay kay Harvey pagbaba hanggang sa makapasok sila sa loob ng clinic. Sinalubong sila roon ng isang doktora n
Pagak siyang natawa na ikinakunot ng noo nito. “What are you saying?” aniyang hindi pa rin mapaniwalaan ang narinig. Ano bang aasahan niya sa isang taong halos kasuklaman siya hanggang buto? He hated her since that night. Ni hindi nito nagawang kausapin o pakinggan man lang siya noon kahit na isang beses. So, ano pa bang dapat niyang asahan dito? But now, he's saying those words na para bang walang nangyari? Na para bang hindi siya nasaktan? Ano bang tingin nito sa kaniya? Manhid? “I already said what I’ve just said. Hindi ko na kailangan pang ulitin iyon.” And regret was shown in his eyes. Napailing siya kasabay nang malakas na pagtawa. Iyong tipong para siyang nasisiraan ng bait. At makaraan ang ilang saglit ay tumigil siya at galit itong tinitigan sa mga mata. Her ocean-blue eyes were like blazing in flame. “Do you know how much it hurts when you left me just like that? Do you know how much it hurts when the man who promised to love me for better or for worst walk awa
“What is this, Dad?” tanong niya sa ama na pigil na pigil ang pag-alsa ng galit sa dibdib. Sa tuwi ba namang naroon sina Yeisha, his father will come unannounce? At talagang isinama pa nito roon si Jacinta; na nakalimutan na niyang tawagan after he ditched her out. Nakapangako nga pala siya rito na babawi siya. “Hi, Hanz!” nakangiting bati ng babae sa kaniya nang makalapit, at walang ano-anong hinalikan siya sa pisngi. Nakasuot ito nang napakaikling shorts at spaghetti strap na damit. Sinabi siguro rito ng kaniyang ama na may beach sila kaya ganoon ang ayos nito. “Hi,” alanganing ganting bati niya rito. Nilingon niya ang mag-ina na nasa di-kalayuan. At kitang-kita niya kung paano sila titigan ni Yeisha. Namimintana sa mga mata nito ang panibugho, lalo na ng ipulupot ni Jacinta ang braso nito sa kaniya. “Where is Sideng? Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” tanong ng kaniyang ama na ang tinutukoy ay ang mayordoma sa villa. “She’s at the villa. May inaasikaso,” aniyang hindi hin
California “Is this where you live?” tanong ni Hanz na kay Harvey nakatingin. Nakangiting sunod-sunod itong tumango, pagkuwa’y hinila siya sa kamay. “Come inside, Tito Hanz. Mommy and I decorated the whole area and I think you’ll gonna love it,” may pagmamalaki sa tinig na turan nito. Nagpahila naman siya rito. Nauna na sa kanila si Yeisha sa loob ng apartment ng mga ito bitbit ang ilang gamit. “Tada!” ani Harvey nang makapasok sila. Iginala niya ang mga mata sa paligid habang ibinababa ang maleta ng mag-ina. The house was very cozy in its rainbow color. May maliliit na stickers ng kung ano-anong hayop at sasakyan na nakadikit sa dingding; na nasisiguro niyang si Harvey ang may gawa, katabi ng hilera ng mga picture frames nito at ni Yeisha. Ang floor to ceiling na pintuan papunta sa maliit na balcony sa labas ay nakukurtinahan ng puti na may print ng iba't ibang cartoon characters. May maliit na cabinet sa isang tabi na puno ng kung ano-anong laruan. May pantatluhang sofa,
“Does he sleep now?” tanong ni Hanz sa kaniya paglabas niya ng silid ng anak. Tumango siya at nagtungo sa lamesa. Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Pagkuwa'y uminom. Mataman lang namang nakatingin sa kaniya si Hanz na hanggang ngayon ay naroon pa rin at hindi umaalis. She didn’t know why, but she felt a little bit nervous around him. “I already informed Christian that we’re here. Bukas ay makikipagkita ako sa kaniya to check some documents at para malaman ko na rin ang lagay ng kaso. We could file a case against Dereck for domestic violence. Hindi na lang iyon grounds para sa divorce ninyo. At mas lalaki ang tyansa na ikaw ang panigan ng korte para sa custody ni Harvey,” mahabang paliwanag nito. Tumango siyang muli habang nakatingin sa kawalan. Sumandig sa dingding si Hanz at humalukipkip. “What are you thinking?” Napatingin siya rito. Muntikan pa siyang maubo nang makita kung paano siya titigan ng lalaki. He was looking at her with so much tenderness in
“Sshhh... I’m here. I’m already here. Nothing's gonna happen with you as long as I’m here,” masuyong sambit ni Hanz habang pinapahiran ang kaniyang mga luha. “S**t!” malakas na mura nito nang makita ang nagsisimula ng mamagang pisngi niya. Muli ay galit nitong hinarap si Dereck. “D**n you! You’ll going to pay for this! I'll make sure you’ll never lay even the tip of your finger to Yeisha and Harvey,” nanggagalaiting turan nito. Dereck sarcastically laughed. “And how will you do that? I am Harvey’s father and nothing’s gonna ever changed that fact,” patuya nitong tugon. “Yeah, I know… But do you think Harvey will let you go near him or his mother if he knew what you did?” Mabilis na tumayo si Dereck. At sa naniningkit na mga mata ay lumapit sa kanila na nakaaro ang isang kamay. “Daddy...” anang namamaos na boses ni Harvey. Kinukusot pa nito ang mga mata na mukhang nagising sa kumosyong nilikha nila. Nabitin sa ere ang kamao ni Dereck. At parang iisang taong napatingin si
Pagkatapos mag-asikaso sa presinto, bumalik si Hanz sa bahay nina Yeisha. Mabuti na lang at naisipan niyang bumalik sa mga ito kanina. Kung nagkataon baka kung ano nang nangyari sa mag-ina. At hindi niya mapapatawad ang sarili kung nangyari iyon. He closed the front door before leaving and going to the precinct. Maayos namang sumama sa mga pulis si Dereck kanina kaya walang masyadong naging problema. At sisiguruhin niyang hindi na nito malalapitan pa sina Yeisha. Sandali siyang nanatili sa labas niyon at ilang beses na huminga nang malalim, bago nakuhang kumatok. Wala siyang naririnig na kahit anong kaluskos mula sa loob, kaya naiisip niyang baka tulog na ang mga ito. Hatinggabi na rin naman at alam niyang dahil sa pangyayari kanina ay napagod nang husto ang pag-iisip ng dalawa. Both of them were mentally tortured and he knew na hindi talaga iyon maiiwasan. Tumalikod na siya at tinungo nang muli ang elevator. Subalit eksaktong pagbukas niyon ay sumilip ang ulo ni Yeisha sa p
“A theme park!? Really!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Harvey nang makababa ito ng sasakyan. Halatang-halata sa mukha nito ang nadaramang excitement sa mga sandaling iyon. “Yes! And welcome to one of my most favorite place on earth!” hayag niya at sinulyapan si Yeisha na nasa tabi nito. Mataman itong nakatitig sa kaniya na tila ba may ibang tumatakbo sa isip nito. And he knew why. Palihim siyang napangiti nang muling tingnan si Harvey. “Have you been here before?” he asked. Umiling ito. “Not so. Just in small parks with kiddy rides. Mommy said it’s too dangerous to ride those.” Itinuro nito ang nakapakahabang roller coaster na natatanaw. Biglang natawa si Yeisha na ikinalingon nila ni Harvey rito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanila habang patuloy sa pagtawa. Kaya't hindi na maipinta ang pagmumukha niya. Nakikini-kinita kasi niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae. At iyon ay ang unang beses na sumakay sila sa roller coaster na itinuro ni Harvey. Th