Share

Chapter 23

“So tell us, saan ba kayo nag-honeymoon?” pag-uusisa ni Letizia habang kumakain sila. Naglalaro ang mga ngiti sa labi nito ng balingan s’ya.

Agad naman siyang pinagmulhan ng mukha sa nahihinuhang tumatakbo sa isip nito.

“We went to Isla Catalina,” mabilis na sagot ni Timothy bago s’ya pasimpleng sinulyapan.

“Really? Doon kayo nagpunta?” nangingislap ang mga matang wika ng babae. “You know what? I really loved that place. Kasi kung hindi mo naitatanong, I am a pro swimmer. I love travelling around and make new adventures, and Isla Catalina is my perfect getaway place. Sayang nga lang, baka matagalan pa bago ko muling mabisita iyon,” may panghihinayang na kwento nito.

“We could do that kapag nakapanganak ka na,” masuyong sabi naman ni Antonio rito. Pinisil pa nito ang palad ng asawa na nasa ibabaw ng lamesa.

Kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mga mata ni Letizia sa sinabing iyon ng asawa nito. Wala sa loob na napatingin s’ya kay Timothy na tutok na tutok ang atensyon sa kinakain nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status