Share

Chapter 30

Ikatlong araw.

Ikatlong araw na nila sa paghahanap kay Nadia ngunit kahit anino man lang ng dalaga hindi nila ito nakita.

Sinubukan niya ring tawagan ang numero ni Nadia na galing kay Nenita pero mukhang hindi na ginagamit ni Nadia iyon.

Gusto na niyang sumuko. Isang lugar nalang ang hindi pa nila napuntahan. At kapag wala pa roon si Nadia, hindi niya alam kung saan muli hahanapin ang babae.

"Hindi kaya nalaman ni Nadia na hinahanap mo siya- aray! Nakadalawa ka na sa akin, " naghahamon na usal niya kay Ervin nang batukan ito ng lalaki.

Pinanlakihan siya ng mata ni Ervin at ininguso si Enrico na nakayuko ang ulo at nakasandal sa sasakyan. Malalim ang iniisip. Malungkot, nasasaktan ang nakabalot na awra sa kanyang mukha.

Iyon rin ang iniisip ni Enrico. Na baka natunugan ni Nadia na hinahanap siya nito. Kasi kahit ang number niya hindi ma contact na iyon naman ang ginagamit niya noong nagkausap sila ni Nenita.

Nagbitiw siya ng salita kay Nadia. Pinagbantaan pa. Kaya siguro lumayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ai salamat dumating ka sa tamang oras enrico napapahamak na sana c nadia
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status