Share

Chapter 25.1

Dahan-dahan niyang pinasadahan ng daliri ang nagulong buhok. Kumikirot ang anit niya at namamaga ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Sheena kanina. Quits lang yata sila. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang namumulang marka ng palad niya sa pisngi nito.

"You!" ani Sheena. "You can't get away with this!" Inis itong tumili. "May exam pa ako sa Physics!"

"Ms. Marquez, hush a little okay? Tatawagan ko pa ang magulang mo."

Sabay silang napatingin ni Sheena sa Guidance Counselor. 

"You shouldn't call my parents!" hysteria ni Sheena.

"They shouldn't be here, Mrs. Policarpio. You shouldn't call them," pigil ang hiningang sambit niya.

Kung papupuntahin sa UDM ang mga magulang ni Sheena, malamang ay tatawagan din nito ang mga magulang niya. Hindi niya gustong magpunta sa UDM ang Mama at Papa niya dahil siguradong hihilain siya ng mga ito pauwi sa Mansiyon. Hindi pa niya nakakausap ang mga 'to matapos malaman ang sikretong pagbabasa niya ng erotica.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status