Share

Chapter 68

"ALTHAIA, you want the throne, right? It's all yours now."

Napahinto si Althaia sa pagpapaputok ng kaniyang riple sa mga sundalo nang maulinigan ang mahinang boses ni Calista. Tinablan siya nang matinding kaba nang mapuna ang panghihina sa boses nito.

Kaagad siyang luminga-linga upang hanapin si Calista sa gitna ng mga naglalabanan ngunit nang eksaktong natagpuan na ito ng mga mata niya ay umalingawngaw naman ang malakas na sigaw ng isa sa mga katribo nila.

"Patay na ang Reyna!"

Kaagad na namuo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatanaw sa nakahandusay na ngayong si Calista. "No, Calista!" Akmang tatakbo na siya palapit dito subalit humarang sa kaniyang harapan ang ilan sa mga katribo nila at pinigilan siya. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya binitiwan ng mga ito.

"Kailangan na nating umalis!" wika ng isa sa may hawak sa kaniya.

"Hindi! Calista!" Umiiyak niyang pilit na iniaabot ang kaniyang kamay sa direksyon ni Calista.

Walang kaemo-emosyong lumingon sa kaniya si Clyde na nakatay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status