Napabuntong hininga na lang siya. Nahiga na siya sa kama niya at nakadapa siya, pakiramdam niya araw-araw mas nagiging traumatic ang buhay niya. Wala ng magandang nangyayari sa kaniya, problema ba siya na tinubuan lang ng katawan? Ang hirap hirap lampasan ng lahat ng mga nararanasan niya, ang hirap takasan ng mga problema niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya dahil para bang hinihintay na lang siya ng buhay niya na sumuko. Pagod na pagod na siyang lumaban pero sa tuwing iniisip niyang hindi habang panahon ay nasa kanila ang tagumpay. Napahikbi na lang si Scarlett dahil ramdam niya na ang pagod ng katawan niya, emotionally and physically. “I’m tired,” umiiyak niyang saad. Tahimik lang siya dahil hindi naman pwedeng magtagal siya sa pag-iyak niya lalo na at katabi niyang natutulog sa kama si Zion. Ipinikit na ni Scarlett ang mga mata niya, hindi niya naman naramdaman ang pagpasok ni Zion. Nang makita ni Zion na nakadapa si Scarlett ay tinabihan niya ito at hinalikan sa likod niya.
Nagising si Scarlett sa alarm ng cell phone niya. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi niya magising si Zion. Alam niyang pagod din ito. Tumingin si Scarlett sa labas at nagseset up na rin ng mga camera ang mga staff. Inaantok pa si Scarlett pero kailangan niya ng bumangon. Ang akala ng lahat ay madali lang ang buhay ng mga artista, hindi nila alam ay napupuyat at napapagod din sila makapagbigay lang sila ng kasiyahan sa mga viewers nila. Tiningnan ni Scarlett si Zion at mahimbing pa itong natutulog. Hinila niya ang kumot para ikumot ng maayos kay Zion. Napangiti na lang si Scarlett, hinaplos niya ang buhok ni Zion pero ng marealize niya kung anong ginagawa niya ay mabilis niyang inalis ang kamay niya sa buhok ni Zion. Napapatikhim na lang siya sa ginagawa niya. Akmang lalabas na sana siya ng van nang muntik pa siyang mapasigaw dahil hinila siya ni Zion pabalik sa mga bisig niya. “Ano ba, I need to get out now.” Mahina niyang wika dahil baka may makarinig sa kanila lalo na a
“Let’s talk outside,” anas ni Zion saka nauna nang lumabas. Wala namang nagawa ang kaniyang ama kundi ang sumunod sa kaniyang anak. Nagpunta ng pool si Zion para dun sila mag-usap. Pumupunta ang kaniyang ama rito ng wala man lang pasabi. Si Zion ang nagmamay-ari ng bahay at walang share dito ang mga magulang niya. “Did you really forget about Kaylee now, Zion? She’s in coma while you’re here, enjoying your life with your fake wife.” May diing saad ng kaniyang ama. Napahilot si Zion sa sintido niya habang nakapamaywang ang isa niyang kamay. “You always visited Kaylee in US but when that woman came into your life, you forget about her already. I don’t care with the woman you flirt because I know that you’re still a man and you have needs in woman but I didn’t expect this to happen. Wala akong pakialam kung makipaglampungan or have sex with a lot of girls that you just met pero hindi ko inaasahan na mananatili ka sa babaeng yan and you married her. Is she know that you’re already m
Naging maayos naman ang acting ni Scarlett kahit na nanunuod si Zion. Nakahoodie siya kaya hindi siya nakikita ng ibang mga artista. Ilang scene na lang at kasunod na ang kissing scene nila ni Jared. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ni Scarlett. “Are you okay?” tanong ni Jared nang muli niyang marinig na bumuntong hininga si Scarlett.“Yeah, I’m fine,” tila napilitan pa niyang sagot. Break time nila kaya nakakapag-usap silang dalawa. “We have a kissing scene here, are you okay with that?” natawa naman si Scarlett sa tanong ni Jared. “Matagal na rin ako sa industriyang ito kaya bakit mo pa tinatanong kung okay lang sa’kin? Bakit pa ako nag-artista kung mag-iinarte lang din naman pala ako sa kissing scene?” “I know, pero kasi diba si Eric pa lang ang nakakahalikan mo sa acting? May naging mga leading man ka na at may kissing scene kayo pero sa angle lang ng camera.” Nakataas ang isang kilay ni Scarlett kay Jared na natatawa. “Am I still a girlfriend of
Hindi na nakapalag si Zion nang halikan siya ni Scarlett. Naupo na rin si Scarlett sa ibabaw ng mga binti ni Zion nang hindi humihiwalay sa paghahalikan nila. Nung una ay hindi sumasagot si Zion sa halik ni Scarlett pero di kalaunan ay hinalikan niya na rin pabalik si Scarlett. Bibigyan lang siya ni Scarlett ng sakit sa puson kapag hindi niya pinatulan si Scarlett. Dahan-dahan nang humiga sa kama si Zion dahil si Scarlett ang nasa ibabaw niya. Nagpatuloy ang halikan nilang dalawa hanggang sa mawalan na naman ng saplot si Scarlett. Si Zion ang lalaking nakakuha ng pagkababae niya kaya okay lang sa kaniya kahit na ibigay niya nang paulit-ulit ito kay Zion. Malalalim na ang halik ni Zion kay Scarlett at matigas na matigas na rin ang pagkalalaki niya. Ang bilis niyang tigasan sa tuwing si Scarlett ang nakikita niya kahit na walang ginagawa si Scarlett sa kaniya. Ang alitan nilang dalawa kanina ay napalitan ng mga ungol. Nasasabunutan na ni Scarlett si Zion nang tuluyang mapasok ni Zio
Hello guys, pasensya na kung hindi pa ako nakakapag-update dito sa story ko na ito. Tinatapos ko lang kasi yung isa kong story but don't worry Epilogue na ang sinusulat ko. Maybe bukas matapos ko na siya at makapag-update na ako rito this week. I'm really sorry, medyo nadrain lang talaga ang utak ko sa pagsusulat dahil sa loob ng dalawang taon wala akong ginawa kundi ang magsulat lang nang magsulat. Sa loob ng dalawang taon na yun hindi ako naging hiatus kahit isang buwan lang o isang linggo to rest dahil gusto ko makapagbigay ng kasiyahan sa mga readers ko at hindi sila maghintay ng matagal for my next story kaya siguro these past few months halos 2k words na lang ang naisusulat ko. Sisimulan ko kaagad ang story ko na ito kapag natapos ko na yung isa kong story. Bukas tapos ko na yung isa kong story dahil tatapusin ko na talaga siya at makakapag-update ko na ako rito. Pasensya na talaga.
Blangko ang mukha ni Monique na nagbabasa ng mga comments sa social media kung saan may dating fans ng love team nilang dalawa ni Eric ang nag-edit na naman ng pictures nilang dalawa. Napapailing na lang siya pero dapat na rin siyang matuwa dahil kahit papaano ay bumabalik na ang mga dati niyang fans.[Sana magkaroon ng comeback sa love team nila, kahit sa drama na lang.] anas ng isang fans nila dati. May mga hindi sang-ayon, may mga nagagalit na fans ng love team nina Layla at Eric.[Gusto niyo ng comeback nila sa drama? Hello girl, high ka ba? The girl cheated on him kaya walang comeback!] komento naman ng iba. Naglaro na lang si Scarlett sa cell phone niya kesa naman paglaanan pa niya ng oras ang mga bashers niya. Ang mahalaga ay unti-unti ng bumabalik ang iba niyang mga fans.Maaari ngang makalimutan ng iba ang tungkol sa naging issue niya noong nakaraang taon pero may mga taong hindi yun kalilimutan. Ang hindi niya maintindihan bakit napakabig deal sa kanila ng issue na halos hil
Makalipas ang isang araw, natanggap na ni Scarlett ang message ni Layla sa kaniya at sa isang hotel sila mag-uusap-usap. Nakatitig lang siya sa cell phone niya dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Layla.“Ma’am nakahanda na po ang pagkain niyo,” wika ng isang katulong kay Scarlett.“Kayo na lang po ang kumain dahil may pupuntahan pa ako.” sagot niya saka siya tumayo at nagtungo na ng banyo para makaligo.Makalipas naman ng halos isang oras ay nakagayak na siya. Kinuha niya na ang susi ng kotseng ipinapagamit ni Zion sa kaniya. Tinungo niya na ang hotel na sinabi ni Layla. Napapaisip na lang siya kung ano ba ang ginagawa niya. Pagkakatiwalaan niya ba talaga si Layla?Samantala naman, nauna si Layla kay Scarlett sa hotel room. Nandun na rin si Mr. Gu, isang Chinese investor.“Sigurado ka bang makakarating siya rito?” tanong ni Mr. Gu kay Layla dahil kanina pa sila naghihintay kay Scarlett.“Darating siya Mr. Gu, don’t worry. Alam ko naman na gustong gusto mo ng ma