Hello guys, pasensya na kung hindi pa ako nakakapag-update dito sa story ko na ito. Tinatapos ko lang kasi yung isa kong story but don't worry Epilogue na ang sinusulat ko. Maybe bukas matapos ko na siya at makapag-update na ako rito this week. I'm really sorry, medyo nadrain lang talaga ang utak ko sa pagsusulat dahil sa loob ng dalawang taon wala akong ginawa kundi ang magsulat lang nang magsulat. Sa loob ng dalawang taon na yun hindi ako naging hiatus kahit isang buwan lang o isang linggo to rest dahil gusto ko makapagbigay ng kasiyahan sa mga readers ko at hindi sila maghintay ng matagal for my next story kaya siguro these past few months halos 2k words na lang ang naisusulat ko. Sisimulan ko kaagad ang story ko na ito kapag natapos ko na yung isa kong story. Bukas tapos ko na yung isa kong story dahil tatapusin ko na talaga siya at makakapag-update ko na ako rito. Pasensya na talaga.
Blangko ang mukha ni Monique na nagbabasa ng mga comments sa social media kung saan may dating fans ng love team nilang dalawa ni Eric ang nag-edit na naman ng pictures nilang dalawa. Napapailing na lang siya pero dapat na rin siyang matuwa dahil kahit papaano ay bumabalik na ang mga dati niyang fans.[Sana magkaroon ng comeback sa love team nila, kahit sa drama na lang.] anas ng isang fans nila dati. May mga hindi sang-ayon, may mga nagagalit na fans ng love team nina Layla at Eric.[Gusto niyo ng comeback nila sa drama? Hello girl, high ka ba? The girl cheated on him kaya walang comeback!] komento naman ng iba. Naglaro na lang si Scarlett sa cell phone niya kesa naman paglaanan pa niya ng oras ang mga bashers niya. Ang mahalaga ay unti-unti ng bumabalik ang iba niyang mga fans.Maaari ngang makalimutan ng iba ang tungkol sa naging issue niya noong nakaraang taon pero may mga taong hindi yun kalilimutan. Ang hindi niya maintindihan bakit napakabig deal sa kanila ng issue na halos hil
Makalipas ang isang araw, natanggap na ni Scarlett ang message ni Layla sa kaniya at sa isang hotel sila mag-uusap-usap. Nakatitig lang siya sa cell phone niya dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Layla.“Ma’am nakahanda na po ang pagkain niyo,” wika ng isang katulong kay Scarlett.“Kayo na lang po ang kumain dahil may pupuntahan pa ako.” sagot niya saka siya tumayo at nagtungo na ng banyo para makaligo.Makalipas naman ng halos isang oras ay nakagayak na siya. Kinuha niya na ang susi ng kotseng ipinapagamit ni Zion sa kaniya. Tinungo niya na ang hotel na sinabi ni Layla. Napapaisip na lang siya kung ano ba ang ginagawa niya. Pagkakatiwalaan niya ba talaga si Layla?Samantala naman, nauna si Layla kay Scarlett sa hotel room. Nandun na rin si Mr. Gu, isang Chinese investor.“Sigurado ka bang makakarating siya rito?” tanong ni Mr. Gu kay Layla dahil kanina pa sila naghihintay kay Scarlett.“Darating siya Mr. Gu, don’t worry. Alam ko naman na gustong gusto mo ng ma
Bumaba si Zion ng sasakyan niya at nilapitan niya si Scarlett na hirap na hirap nang tumayo.“What are you doing here?” malamig na tanong ni Zion. Iniangat naman ni Scarlett ang ulo niya at kahit na hindi niya masyadong maaninag ng malinaw ang mukha ni Zion, alam niya na kung sino ang nasa harapan niya.‘Anong ginagawa rito ni Zion? Hindi ba at bukas pa dapat ang uwi niya? Damn it!’ naiinis na saad ni Scarlett sa sarili niya. Talaga bang nakita pa siya ni Zion at sa ganitong sitwasyon pa? Ano na lang ang iisipin ni Zion sa kaniya?“I am asking you Scarlett, what are you doing in this place in that kind of situation? Are you seeing someone here? Are you drunk?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi niya gustong maabutan sa ganitong sitwasyon si Scarlett at sa ganitong lugar pa. She’s an artist for damn sake! Paano na lang kung may nakakita sa kaniya rito?“Zion, take me home please.” Nakikiusap na saad ni Scarlett at pinilit na tumayo pero napahawak din siya kay Zion. Napapakunot ng noo si
Habang nasa taping sila ay matatalim ang tingin ni Layla kay Scarlett. Hindi na lang pinansin ni Scarlett dahil baka magkagulo pa silang dalawa ni Layla habang nasa taping sila. Kailangan niyang lumayo sa ano mang uri ng scandal dahil ayaw niyang maulit na naman ang nangyari sa nakaraan niya.Nang matapos ang maghapon na yun ay umuwi na si Scarlett. Pagod na pagod siyang umuwi pero tila ba nagising ang diwa niya ng makita niyang nasa sofa si Zion. Magkakrus ang mga binti at mga kamay niya sa dibdib niya. Salubong din ang mga kilay niya na para bang hindi naging maganda ang maghapon niya.“Kanina ka pa ba?” tanong ni Scarlett, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan lalo na sa galit na mukha ni Zion ngayon. Natatakot siyang may masabi siya o may magawa siya na hindi magugustuhan ni Zion at sa kaniya ibuhos ang galit niya.“Alam mo ng hindi mapagkakatiwalaan si Layla pero bakit sumama ka pa rin sa kaniya? Are you really that stupid, Scarlett?” unang wika ni Zion sa kaniya. Ito ba an
Nagkita na lang si Scarlett at Jared sa harap ng hotel kung saan gaganapin ang party nila ngayong gabi. Hindi kasabay ni Scarlett si Zion dahil may gagawin pa raw ito kaya nauna na si Scarlett. Mahuhuli naman talaga si Zion dahil siya ang President ng kompanya.“You’re so beautiful tonight, Scarlett.” Pagpupuri ni Jared kay Scarlett.“Thank you,” nakangiting saad ni Scarlett. Iniangkla niya na ang kamay niya sa braso ni Jared at sabay silang naglakad sa red carpet. Sunod-sunod na sumilaw sa kanilang mga mata ang pagflash ng mga camera.Matamis na nakangiti si Scarlett sa camera kasama si Jared. Sa unang drama nilang dalawa, nagkakaroon na rin sila ng mga fans sa love team nila. Kapag tuluyan ng napatunayan ni Scarlett na hindi siya cheater and a bully tuluyan ng maibabalik ang mga fans niya. Kahit na hindi na bumalik ang fans niya, ang gusto niya lang malinis niya ang pangalan niya at mamuhay ng tahimik.“Hi Scarlett, we miss you.” Nakipagbeso si Scarlett sa babaeng minsan niya ring n
Bakit nga ba kakaawaan ni Zion si Layla kung siya ang dahilan kung bakit pasuray-suray na naglakad si Scarlett palabas ng hotel?“I did it for Scarlett not for you, Miss.” Diretsong wika ni Zion para hindi na umasa pa si Layla na may ginawa siya para lang kay Layla. Para namang sinaksak ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib ni Layla sa sinabi ni Zion.Si Scarlett ba talaga ang dahilan kung bakit niya yun ginawa? Pero walang namang nangyari kay Scarlett dahil nakauwi pa siya ng maayos.“Pero wala namang nangyari kay Scarlett. Hindi siya nagalaw ni Mr. Gu dahil nakatakas siya.” Mahinang wika ni Layla. Hinilot pa ni Zion ang noo niya, kilala na ni Zion ang mga katulad na babae ni Layla. Hindi ba at may boyfriend na siya? Boyfriend na inagaw pa niya sa kaibigan niya tapos ngayon lumalapit kay Zion.“I didn’t know what happened to you but I hope you’re okay now that you already got justice for what that old man did to you. Take care next time. Excuse me,” tumalikod na si Zion dahil hindi
Napaupo na lang si Scarlett sa madalim na lugar na iyun. Naiwan pa niya ang bag niya sa loob ng sasakyan ni Zion sa sobrang inis niya. Nandun ang cell phone niya kaya wala siyang ibang makita sa daan.Inis namang napahampas sa manubela si Zion. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang makipagdate sa mga artista o kung sino mang mga sikat na babae dahil sa maliit na pasensya niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan niyang pumasok sa buhay niya si Scarlett.Kilala niya ito sa pagiging magaling niya sa industriyang pinili niya pero wala siyang pakialam dun. Ayaw na ayaw niyang nalilink ang pangalan niya sa mga sikat na babae pero hinayaan niyang pumasok si Scarlett sa buhay niya at pinakasalan pa ito.“Damn it!” inis na kinabig ni Zion pabalik ang manubela niya lalo na at madilim pa ang lugar na pinagbabaan niya kay Scarlett. Kahit na galit na galit na siya ay hindi pa rin niya matiis si Scarlett. Is he in love with that woman? Fuck!Nang makabalik siya kay Scarlett ay mabi