POV: MarieNaghahanda siya ng pananghalian dahil uuwi daw si Bernard doon dahil may naiwan siyang gamit sa hotel.Bago pa siya maghain, isang tawag ang natanggap niya."Yes my love?""Marie.. nawawala si Ericka, may dumukot sa kanya. Hahanapin muna namin.""Ha? oh sige.. balitaan mo na lang ako.. ingat kayo.."Bigla siyang nag alala.. paanong may dumukot sa boss nya? ang lakas ng loob.Asawa siya ng isa sa pinakamakapangyarihan sa bansang ito, and yet may tao pang nagtangka sa buhay niya? Grabe...Nawalan na siya ng gana kumain. Umakyat na lang siya sa kwarto para mahiga. Ilang buwan na rin siya dito sa bahay na ito.Nakita niya ang post ng kapatid niya, malapit ng matapos ang bahay. Sa wakas, sa kanyang pagtitipid, ito na ang bunga. Gagraduate na ang kapatid niya, na maayos ang kanilang bahay.Pag scroll niya, isang article ang umagaw ng kanyang pansin. Ang daming likes at comments.Article:Malapit ng ikasal ang long time partner na sina Bernard Guevarra at Eleanor Montemayor. Matag
POV: BernardNag aalala siya kay Marie. Dapat sumasagot man lang ito kahit madaling araw na. Tapos ngayon, kahit reply, wala..Masama pa naman ang boses ng babae kanina, kaya naghinala siyang may sakit ito.Pagkagaling niya sa hospital kung saan dinala si Ericka, dumiretso na siya sa bahay na tinutuluyan nito.Kilala na siya ng guard, saka malapit sa main gate ang bahay na yun. Patay ang mga ilaw. Sinubukan niyang ailipin at mag doorbell oero wala pa ring taong bumababa.Marahil tulog na siya. Hihintayin ko na lang siyang magising.Napatingin siya sa kubo sa gilid ng bahay. Dito siya magpapalipas ng umaga para makaidlip na rin. Alam niyang maaga ang body clock ni Marie.May pinto naman ang kubo. Sanay siya dito dahil iniimbita sila ni Ericka kapag nagbibirthday ito.Maayos naman dito dahil may kalaparan ang upuan. Sumandal na lamang siya sa isang poste para tanaw niya ang pinto ng bahay.Bandang alas singko, narandaman niyang may lumabas, kaya tiningnan niya ito. Si Marie.."Kumusta k
POV: MarieNagising siya na medyo magaan na ang pakiramdam. Alas onse na pala. Mag isa lang siya sa kwarto. Nagtooth brush muna siya at nag bun ng buhok. Paglabas niya, nakita niya sa kusina si Bernard na busy sa paghahanda ng pagkain. Napansin naman siya agad nito."Mahal ko" nilapitan siya nito saka inalalayan "bakit ka bumaba? okay ka na ba?""Okay na ako.. anong ginagawa mo?" naupo siya sa sofa."Pinainit ko ang mga pagkain saka nag order ako ng samgyup pork. Masarap yan." niyakap siya nito at hinalikan."Bakit pala ang aga mo?""Nag aalala kasi ako sayo eh.. buti andito ako, may sakit ka pala. Bakit hindi ka nagsabi agad?""Simpleng lagnat lang naman to.""Uhhm Marie....""Ano yun?""Yung tungkol sa write ups?"Bahagya siyang natigilan. Nag isip muna siya."Anong tungkol dun?""Alam ko kasing nabasa mo na yun..""Tapos?""Hindi ka ba galit?""May dapat ba akong ikagalit?""Meron.. kasi..""Totoo ba?""Siyempre hindi..""Yan lang naman ang gusto kong marinig mula sayo. Sayo lang a
POV: EleanorMaganda ang gising niya ng araw na iyon. Binuksan niya ang bintana at humigop ng sariwang hangin."Maam?" katok ng katuling sa pinto."Pasok" may dala itong tray ng pagkain."pakipatong na lang dito"Inilagay nito sa lamesa na malapit sa bintana ang tray."Aalis na po ako" paalam nito."Salamat" kinuha niya ang mac book saka naupo.Siguro hiwalay na kayo o nag aaway kayo ngayon. Iyak siguro ng iyak ang babaeng yun.. hahaha buti nga sayo. Humanap ka na lang kasi ng iba kung gusto mo pang mabuhay ng matagal..Sabi niya sa sarili. Hinanap niya ang article para malaman kung nakailang share and like na ito. Unang search.. unknown. Pangalawang search, no found."Ha? aning nangyayari?" kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Wena "Asan na ang article?"-kagabi pa namin nirerevive pati ang page namin nawawala.. may nang hack. hindi madetect ng mga I.T."Bwesit!" ibinato niya sa kama ang cellphone "anong nangyari? masyado ko atang inunder estimate ang babaeng yun."Panay ang gala
POV: MarieNag aayos siya ng desk niya ng lumapit sa kanya si Orlan. Wala talaga itong ginawa sa buhay kundi pestehin siya. Ayaw niya na sana itong pansinin pero wala ata itong balak umalis sa harapan niya.Dinedma niya ito noong una, pero bastos talaga ang bunganga nito."Mukhang may jowa ka na ah" sabi nito sa kanya "naoover ka ba sa s*x at namamayat ka?"Hindi niya ito pinansin pero sunod ito ng sunod sa kanya."Alam mo bang ikakasal na si sir Bernard? tingnan mo" ipinakita sa kanya ang screen shot ng article na nabasa niya "kaya wag ka ng magdidikit dun. Mahiya ka naman sa jowa nun.""Ano namang ginawa kong masama sayo ngayon at inaabala mo na naman ako?" pinameywangan niya ito."Wag mo nga akong maganyan ganyan Marie!" sagot nito "akala mo kung sino ka na porke malakas ka kay mam ah.""Pag inggit, pikit! hindi kasi umubra don ang pagiging sipsip mo eh.""Wala si Dulce ngayon kaya walang magtatanggol sayo.""Kaya ko ang sarili ko Orlan. Gusto mong subukan?""Wag kang magtapang tap
Naglalakad na siya pauwi dala dala ang regalo ni Bernard.Ano kayang gimik ng lalaking ito at may paganito pang nalalaman? Sa bagay.. ngayon lang siya nagregalo sakin sa loob ng ilang buwan. Pagpasok niya sa gate, natanaw na niya ang sasakyan ng lalaki.Nauna pa siya sakin? bakit hindi ko siya napansin na lumabas ng office? Akala ko kausap pa siya ni sir..Napansin niya na nakatalikod ang lalaki, nakaharap sa may kubo. Parang may pinapanood ito doon. Paglingon nito sa kanya, ngumiti ang lalaki."Andito ka na pala." sinalubong siya nito."Bakit nauna ka pa sakin? akala ko nasa office ka pa?""Busy ka nung umalis ako. Hindi na kita inabala kasi may ipinapatapos pa sayo si Monte. Alam kong malilate ka ng uwi eh."Nag aagaw na kasi ang dilim at liwanag."Tara sa loob, magluluto ako." kinuha niya ang susi sa bag."Wag ka ng magluto. May dala akong pagkain" pumasok ito sa kubo at kinuha ang isang paper bag, saka isang bouquet of roses "for you""Salamat" ngumiti siya "para saan ito?""Gust
POV: EleanorTuwang tuwa siya nung makita ang documents. Inilagay niya ito sa kanyang vault.Kailangan, makipaglapit ako kay Marie, saka kunwari okay na sakin na hindi na kami ni Bernard. Tama.. kailangan gamitan sila ng reverse psychology.Sa negosyo nga madaling gawin to eh.. Kailangan ko lang naman ay plano. Yun lang.. Alam kong mahal nya pa rin ako.Tinawagan niya ang inutusang detective para malaman ang routine ni Bernard.-Everyday nasa office, pero may time na napunta sa San Miguel Building. At tuwing sabado, sa ibang bahay natutulog.. "At sinong may ari ng bahay?"-Bawal pumasok saka bawal daw sabihin sabi ng mga gwardiya."Saan bang subdivision?"-Exclusive subdivision pag tawid ng San Miguel building.Napaisip siya.. sinong kakilala nito ang taga roon eh base sa nalaman niya, si Marie ay mahirap lamang na tao. Hindi nito afford manirahan doon. Baka hindi si Marie ang girlfriend ni Bernard at pinapaikot lang ako ng lalaking yun. Baka wala siyang girlfriend.. Baka may sarili
POV: MarieNagpapakulay siya ng buhok, itim. Mas bagay daw ito sa kanya sabi ni Bernard. ipinatrim niya rin ang buhok, lalo siyang nagmukhang bata. Deserve niya ang parlor ngayon. Siya lang kasi ang nagkulay ng buhok niya. May usapan sila ni Bernard na dadalhin ulit siya nito sa pinanoodan nila ng meteor shower.Gustong gusto niyang makabalik doon kasi memorable ang lugar na yun para sa kanya. Dito siya nagkaroon ng first kiss. First touch, kilig moment. Nag iisip siya kung sino ang kahawig niya. Pagharap niya sa salamin parang ibang tao na siya. Nagmukha siyang koreana."Ang ganda nyo madam" puri ng babaeng nag ayos sa kanya."Salamat" sagot niya dito.Pagkatapos magbayad, pumunta siya sa malapit na boutique at bumili ng shorts at damit.Nagring ang phone niya, si Marlon..-ang ganda mo ate"Sus bola.. kumusta na?"-uuwi ka ba sa graduation ko?"Oo naman.. isasama na kasi kita dito after para makapagreview ka."-Talaga ate?"Oo naman."-matagal ko ng gustong makarating ng Maynila."