Share

Chapter 43

Nakatitig lang ako sa kaniya buong call. Siya itong daldal nang daldal tungkol sa experience niya sa Baguio. Ang dami niyang baon. Pinili ko na lang makinig tapos titigan ang gwapo niyang mukha. Base sa background niya, mukhang nasa loob pa siya ng isang kwarto tapos malapit sa bintana. May naririnig kasi akong ingay sa tabi niya. Bigla naman akong kinilig kasi mas pinili niyang makausap ako kaysa makihabilo sa labas.

Tango lang ako nang tango sa kaniya. Tapos minsan sabay kaming tatawa. Tapos lalo akong ma-i-inlove. Lumiliwanag kasi ang mukha niya kapag masaya siya.

Naantala lang ang pag-uusap namin nang makita kong may pumasok. Matangkad ito. Medyo mataba at may edad na. Halos nababalot na rin ng puting buhok ang ulo niya at ang tindig niya ay halata mong isang mayaman o baka nga may-ari ng isang kumpanya.

Tumitig ako sa mukha niya.

Nanlaki ang mata ko at umayos ng tindig.

Mukhang tatay ni Cadence!

"Happy new year, son. Can we talk?"

brownladyyy

;((((

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status