Share

Chapter 5

Jasmine

Kinabukasan

Nakayuko lang akong naglalakad ngayon papuntang classroom ko. Halata ko ang nag bubulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko. 

"Diba siya yung nasa video na humalik kay Ma'am Athena. Grabi girl ang lakas ng loob niya noh? Imagine si Ma'am Athena pa talaga ang hinalikan nya. Para lang siyang nag hukay ng sarili niyang libingan sa ginawa niya."dinig kong sabi ng nadaanan kong mukhang bruha sa katabi nya. Duh nagbubulungan pa dinig ko naman. 

Isa lang yan sa mga marami pang mga sinasabi nila sa akin about doon nga sa nangyari kahapon. 

Ngayon lang nagsink in sa akin na Professor pala ang n*******n ko kahapon at di lang yon. Balita ko pa na isa daw itong terror. Sana naman di mag cross pa ang aming landas. Dahil lagot talaga ako dito.

Pero ang pinaka hindi dapat mangyari ay ang maging Professor ko ito. Dahil malamang sa malamang na gaganti ito sa akin. 

Base palang sa mga pinag sasabi nito kahapon. Halata mo ang todong galit nito. Ramdam ko pa nga hanggang ngayon ang sakit sa aking pisngi. Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata na paga pa rin ito. 

Tahimik na lang na naupo ako dito sa may bandang dulo. Kailangan ko muna pansamantala na umiwas ng tingin sa mga katulad nilang mga mapanghusga sa kapwa. 

Pansamantala lang naman ito habang hindi pa humuhupa ang chismis. Pasasaan ba at mawawala din iyon. Tiis na lang muna ako. Total naman ay kasalanan ko din naman kung bakit nangyayari ito. Kung hindi ba naman tanga ay magkakamali pa ng hinalikan. 

Hindi na rin ako naka tanggap pa ng text galing kay Raymond. Mukhang iniiwasan na rin yata ako non. Halata naman kasi eh, mula kahapon pa ay di na nagparamdam yon. Ni hindi niya nga ako kinumusta kung okay lang ba ako. 

Sabagay wala na rin naman akong aasahan pa sa kanya. Siguro nga mas maganda na kalimutan ko na lang siya. Kahit naman ipilit ko pa ito ay di rin naman pwede na maging kami. 

Hindi na rin ako pumupunta pa sa Canteen pag break time. Madalas ay sa may garden na lang ako kumakain o kaya sa labas ng school. 

Sa library naman ako tumatambay pag wala na masyadong ginagawa. Lahat ng pwedeng pag iwas ay ginagawa ko na. 

Mahirap kaya na ikaw ang maging tampulan ng chismis. Isa pa natatakot din ako na baka magkita kami ni Ma'am Athena pag nag pagala gala pa ako dito sa campus. 

Papunta na ako ngayon sa parking lot ng school at balak ko ng umuwi. Pero dadaan muna ako sa isa naming Mall at may konting problema daw doon sabi ni dad at ako na lang daw ang bahalang mag ayos doon. 

Sanay naman na ako na paminsan minsan ay ako ang inutusan ni dad namamahala sa aming mga Mall lalo na pag bakasyon o kaya ay walang pasok. Favor din naman sa akin iyon para kahit papaano ay natuto na ako ng paunti unti. Para hindi na rin ako mabibigla pa kung ako na ang tuluyang hahawak ng lahat ng business namin. 

Malapit na ako sa kotse ko ng biglang lumapit sa akin si Raymond. 

"Jasmine pwede ba tayong mag usap?" Sabi niya sa akin sa mababang tuno. 

"Ano pa ba ang pag uusapan natin Raymond? Diba at lumayo ka na sa akin at iniiwasan mo na rin ako. Eh bakit ngayon ay lalapit lapit ka pa sa akin? Medyo galit na sabi ko dito. 

Naiinis pa rin kasi ako sa kanya hanggang ngayon. 

"May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. Kung pwede lang sana na makapag usap tayo."

"Sige, magkita nalang tayo sa JC Mall at doon ako pupunta ngayon." Sabi ko na lang sa kanya. Ok na rin siguro ito na makapag usap kami. Para matapos na rin kung anuman ang dapat tapusin. 

"Sige wait na lang kita doon. Text ko na lang sa iyo kung saan banda." Sagot naman nito sa akin. 

Tumango na lang ako at tuluyan ng sumakay sa aking kotse. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw na hindi ko nakikita at nakakausap si Raymond ay parang wala lang naman sa akin. 

Siguro nga ay crush ko lang sya at parang brother figure lang ang tingin ko dito. Oo nasaktan ako dahil nga sa iniwasan niya ako after ng nangyaring iyon. Syempre naging kaibigan ko na siya eh. 

Mas madalas ko pa ngang maalala yung magandang mukha ni Ma'am Athena. Lalo na yung napaka lambot na labi nito na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay aking natikman. 

Idagdag mo pa ang blue eyes niya na napakasarap pagmasdan na parang laging nakikiusap kung makatingin. 

Kahit na ba minsan ko lang itong natitigan ay iba pa rin talaga ang effect niya sa akin. 

Mahirap man aminin pero parang na love at first sight yata ako sa kanya. Kaya nga doon ko lang napagtanto na wala akong feelings kay Raymond. 

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang nangyari. Dahil kung hindi ako nagkamali ng hinalikan malamang na pagkakaalam ko ay inlove pa rin ako kay Raymond. 

Pero sa totoo lang ay mahirap man paniwalaan, humihiling din sana ako na sana masulyapan ko lang ulit ang maganda nitong mukha. 

Tinatalo nga lang ako ng takot ko sa maaring mangyari pag nag kita ulit kami. Bakit naman kasi may lahi pa ni satanas ang nagustuhan ko. Kamalas ko naman talaga at sa professor pa talaga ha. 

Napangiti na lang ng biglang sumagi sa isip ko ang maganda nitong mukha na parang nang aakit pa kung makatingin. 

Huwag lang talaga akong mabigyan ng pagkakataon ay talaga naman baka mabuntis ko ito agad. 

Agad akong nag park sa aking parking space sa Mall namin ng makarating ako dito. Sumaludo naman bigla sa akin si Manong guard ng makilala ako nito. 

"Magandang hapon po Miss Jasmine. Tutuloy na po ba kayo sa office nyo o mag iikot pa muna kayo sa Mall? Ang tanong sa akin ng pakialamerong guard na ito. 

"Mag iikot na muna ako kuya," ang nasabi ko na lang dito. Sagutin ko na lang ng maayos at baka masabihan pa ako na bastos. 

"Samahan ko na po kayo Ma'am," bigla ko siyang tinaasan ng kilay sa sinabi nito sa akin. Pinaka ayaw ko kasi ay yung may bumubuntot sa akin habang ako ay nag iikot.

Kahit nga yung naka talaga dito na Personal Assistant ko'y di ko nakasama pag ako nag iikot, siya pa kaya. 

"Ako na lang kuya, huwag ka ng mag abala pa." Sabi ko na lang sa kanya at tumalikod na ako para mag ikot muna. 

Nakita ko naman na nag text na si Raymond kaya tumuloy na ako sa sinabi nitong pag hinihintay niya sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status