Share

Chapter 4

Jasmine

Naging magkaibigan na kami ni Raymond. Nito kasing mga nagdaang buwan ay halos palagi kaming nagkikita at nagkakasama . Halata ko nga rin dito na parang may gusto pa yata ito sa akin. 

Hindi naman sa pagyayabang ha pero may face value naman ako no. Dami kaya nag kakagusto sa akin kaya huwag kayong ano dyan. 

Ako naman syempre kina tuwa ko naman iyon. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog ang loob dito? Gwapo, mabait at isa pa sobra kasing maalalahanin nito. Palagi din akong kinukumusta at kung minsan pa nga ay natawag pag di ako agad nakapag reply sa kanyang mga text.

Kaya tuloy feeling ko talaga ay nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ba nitong tanggapin ang pagkatao ko kapag nalaman niya na isa akong intersex. 

Sa isiping iyon ay parang may kumirot sa aking dibdib. In fairness ha medyo masakit din siya. 

Dapat gumawa na ako ng paraan at masigurado ko sa sarili ko kung gusto ko ba talaga si Raymond o baka kuya lang itong nararamdaman ko para sa kanya. Baka kasi na pagkakamali ko lang. 

Baka kasi hinahanap ko lang sa kanya ang isang pagiging kuya na di ko pa nararanasan. Only child nga lang kasi ako ng parents ko diba? Kaya dapat maka siguro ako. 

Kaya nakabuo ako ng isang decision upang malaman ko talaga na may gusto ako sa kanya. 

Bukas siguraduhin ko na, na malalaman ko ang kasagutan sa aking katanungan. 

Maaga akong pumasok ngayon sa school. Nandito na ako ngayon sa hallway at hinihintay na dumating si Raymond. Nag text kasi ako sa kanya na magkita kami dito banda sa may hallway.  

Tahimik lang akong nakikinig ng music habang nag aabang sa pagdating ni Raymond. Nang makita ko na ito ay naka ngiti, kaya naglakad na ako palapit sa kanya. 

Nang makalapit ako dito ay agad ko na siyang hinila sa kamay at pikit ang mga matang inabot ko ang labi nito. 

Nang maramdaman ko na ang napaka lambot nitong labi ay nakaramdam na lang ako na parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan hanggang sa himaymay ng aking daliri. 

Ramdam ko rin ang parang mga paru parong nagliliparan sa aking tiyan na siyang ikinataas ng balahibo ko. Naamoy ko pa ang napaka bango nitong pabango na humalo sa kanyang natural scents. 

Dahan dahan na minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang napakagandang asul na mata na masamang nakatitig ngayon sa akin. 

Biglang nanlamig ang aking pakiramdam at di malaman ang gagawin ko. Bakit biglang naging isang magandang babae si Raymond? Dati ba siyang Prinsesa na naparusahan dahil masama ang ugali kaya naging isang lalaki? At ang tanging makakapag pabalik sa anyo nito ay isang tunay na halik?

Agad naman itong lumayo sa akin at bigla ko na lang naramdaman na lumapat sa akin ang lumilipad nitong palad sa aking magkabilang pisngi. Sabay tulak nito sa akin ng malakas na di ko napaghandaan kaya ako ay natumba.

"Aray ko," ang hindi ko mapigilan na aking naisatinig. Ang Lakas naman nito. Dati ba siyang kargador? Hindi bagay sa itsura nitong hindi makabasag pinggan. Nakayuko lang ako ngayon dito at di na nagtangka pang salubungin ang napakasama nitong tingin sa akin. Ramdam na ramdam ko dito ang galit niya.  

Sabagay sino ba naman ang hindi magagalit kung may bigla na lang humablot sa iyo at bigyan ka ng halik ng di mo naman kilala at babae pa. 

Dinig na dinig ko dito ang patuloy nitong pag tatalak sa akin. Kaya heto pagyuko na lang ng ulo ang aking ginawa. 

Nang hindi pa rin ito tumitigil sa pag tatalak ay napilitan na akong tumayo at hinarap siya. 

"So-sorry ta-talaga Miss, di ko sinasadya. Di naman kasi talaga ikaw ang hahalikan ko eh. Di ko nga alam kung bakit yung kamay mo ang aking nahila." Ang pag re reason out ko dito. 

Mas lalo namang dumilim ang itsura nito at para na siyang kakain ng tao. Huminga na lang ito ng malalim ng ilang beses para pakalmahin siguro ang kanyang sarili. 

Nang medyo kumalma na ito ay binalingan ulit ako ng tingin. Naka poker face na ito ngayon sabay sabi sa akin. 

"Huwag na lang sana mag tagpo ulit ang landas natin dahil sisiguraduhin ko sa iyo na pag sisisihan mo na ako pa ang ginanyan mo." Malamig na sabi nito sabay alis nito at nag tuloy na ng lakad. 

Napayuko na lang ako at dumiretso na sa aking room na malapit lang dito. Grabe sobrang nakakahiya talaga ang nangyari. 

Ano pang mukha ang ihaharap ko nito kay Raymond. Alam kong nakita nito ang nangyari kanina. 

Kahit anong isip ang gawin ko kung paanong ang kamay ng babaeng iyon ang aking nahawakan. Eh di ko naman iyon nakita kanina nung sinalubong ko si Raymond. Kaya pala parang biglang lumambot yung kamay nya. Yun pala ay doon na sa babaeng yon ang aking hinawakan. 

My god, ang bobo ko talaga. Alam ko na maraming kumuha ng video kanina, malamang nito ay kalat na iyon dito sa buong campus. Mukha pa naman na sikat yung babaeng iyon. Kasi mukhang parang maraming takot dito kanina ng tingnan nya ng masama iyong mga nanonood sa amin. 

Ano ba itong gulong napasok ko. Masaya naman akong pumasok kanina ah. Tapos balak ko lang naman e sure kung talaga bang may gusto ako kay Raymond, pero ganito na ang nangyari. 

Ang gusto ko lang naman ay maging tahimik ang college life ko. Na mukhang magiging malabo pa ata. Sana naman di na ito makarating pa kila Mom. Kasi talagang mapapagalitan ako ng mga iyon. Never pa naman kinunsinti nila pag alam nilang mali ay lagot ka talaga. 

Masakit pa rin hanggang ngayon ang aking magkabilang mukha. Feeling ko nga ay namamaga na siya. 

Grabe naman kasi maka sampal. Ang bigat ng mga kamay. Parang nag co construction worker ata ito sa kanyang fast life eh o baka sideline nito ang pag co construction?

Tumayo na lang ako sa aking upuan at nag pasyang mag cutting class na lang.  Magpapa check up muna ako. At ipapahinga ko muna itong mukha ko. Baka kasi mapansin nila Mommy na namamaga siya ay matanong pa ako kung ano ang nangyari. 

Sa condo ko muna ako pansamantalang tatambay at mamayang uwian na lang sa hapon ako uuwi ng bahay. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status