Share

Chapter 3

Jasmine

Second day of school na. 

Habang nag lalakad ako dito sa oval ng campus ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihan na nag kwekwentuhan. Takaw pansin kasi ang mga ito. Ang iingay, akala mo naman pag ma mayari nila ang school na ito. 

Pansin ko lang parang mas chismoso pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Halata nyo rin ba? 

Dumiretso na ako sa classroom namin alam ko na kasi kahapon pa kung saan ito banda. Mahirap na baka ma late pa ako kung ngayon pa lang ako maghahanap. 

Nakayuko lang akong naglalakad ng di sinasadya na may mabangga ako. 

"Aray!!" Ang nasasaktan kong sabi at tuluyan na sanang matutumba kung hindi lang ako naagapan ng nakabunguan ko na hawakan ako sa baywang. 

"Ok ka lang Miss?" ang dinig kong tanong niya sa akin. 

Agad nagmulat ang aking mata at napatingin dito. Sinalubong naman ng mapupungay nitong mga mata ang aking tingin. 

Bigla na lang namula ang aking mukha ng matitigan ko ito. 

My god ang gwapo niya. Mukhang crush ko na yata siya. Nababaklang nasabi ko sa aking sarili. Hindi naman siguro masama magkagusto ako sa lalaki diba? 

"Ah eh ok lang ako" nakangiti kong sabi dito sabay flip ng aking buhok. Bakit ba? Sa gusto kong magpa pansin. 

"Sorry nga pala at nabangga kita. Hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko eh." Nahihiya namang sabi nito sa akin.

"It's ok. Hindi rin naman ako nakatingin." sagot ko sa kanya. Sabay ngiti ulit ng matamis pa sa asukal. 

"Sige mauna na kami Miss at baka pareho pa tayong mahuli sa mga classes natin" pagpapaalam nito sa akin. 

Sayang hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya. Hindi bali mukhang pareho lang naman kami ng course nito. Baka ahead lang siguro siya ng ilang taon. 

Nang tumunog na ang bell ay kaagad na akong nagmadali papunta sa classroom. 

Nasa second subject na ako ngayon. Tahimik lang akong nakaupo sa may gitna sa tabi ng bintana habang nakikinig ng kanta ng black pink. 

Hindi pa kasi dumarating si Sir Macario ang  Professor namin. Late na siya ng 15 minutes. Yung ibang classmates ko nga ay lumabas na. Mga nasa kalahati na lang siguro kami natira dito sa room. 

Nang almost half hour na at wala pa si Sir ay lumabas na rin ako. Balak ko pumunta sa canteen para mag meryenda. Kaunti lang kasi kinain ko na breakfast dahil nagmamadali nga ako kanina. Late na kasi ako nagising. 

Nandito na ako sa canteen at bumili lang ako ng egg sandwich at bottled water. Hindi kasi ako mahilig sa mga softdrinks eh. 

Nakaupo na ako sa isang bakanteng table dito sa canteen at tahimik lang na kumakain. Hindi kasi talaga ako friendly na tao. May trust issue kasi ako. Kaya hirap na ako magtiwala ngayon. 

Grabi napakaingay talaga sa canteen. Dami nag chi chismisan ng bigla na lang tumahimik na para bang may dumaang anghel. 

Agad akong napalingon sa paligid upang tingnan kung ano na ang nangyayari. 

Napansin ko na lang na may mga grupo ng babaeng Professor ang pumasok. 

Una mong napapansin sa kanila ay ang kanilang mga physical appearance. Ang gaganda nila, para silang mga diyosa sa Olympus na bumaba dito sa lupa. Take note ha ang tatangkad pa nila. Mga mala model pa ang katawan. 

Bali ang bilang ko sa kanila ay nasa lima lahat. Seryoso lang ang mga mukha na parang walang balak ngumiti. May mga problema ba ito sa buhay at hindi manlang makangiti?

Hindi ko naman makita masyado yung mukha ng isa. Nakatungo kasi. Mukhang may hinahanap sa kanyang bag. 

Kaagad na silang naupo sa isang table. Mukhang yun yata ang pwesto nila at wala manlang nagtangka kanina na gumamit sa table na iyon. 

Pansin ko rin na parang ilag ang mga students sa kanila. Wala na kasing nag tangka na umupo malapit sa table ng mga ito at wala na ring nag ingay pa. 

May tumayong dalawa sa grupo nila at dumiretso sa may counter. Siguro ay mag oorder na ito ng foods nila. 

Tahimik pa rin at parang wala ng gusto pang magsalita dito sa loob ng canteen. Mukhang takot makagawa ng ingay ang estudyante. 

Kaagad ko ng tinapos ang kinakain ko at tumayo na. Balak ko kasi na tumambay muna sa library. Mukha kasing hindi iyon masyadong tinatambayan ng mga estudyante dito. 

Magbabasa na lang ako ng mga topics na ibinigay ng mga Prof namin para makapag advance reading na rin. Lalo na doon sa mga teacher namin na mga terror daw. Mahirap ng mapahiya pag nagpa easy easy lang ako. 

Habang busy ako sa pagbabasa ay naramdaman ko na may umupo sa tapat ko na upuan. Di ko na lang pinansin kung sino yon. Baka naki share lang ito siguro. 

Tinuloy ko na ang pagbabasa ng libro ng biglang may nagsalita. 

"Sobrang seryoso natin ah" dinig kong sabi nito na siyang inaangat ng aking tingin. 

Hindi ko maiwasang magulat ng namukhaan kung sino ang ng istorbo. Si crush pala na ngayon ay nakangiti na sa akin ng malawak.

" Ikaw pala yan kuya" ang nahihiya kong sabi dito. 

"Seryoso natin ah", second day pa lang ng klase. Dapat nag iikot ka muna dito sa campus para maging familiar ka sa mga building dito." Nakangiting sabi nito sa akin.

" Wala pa po kasi akong time kuya eh, tsaka nag basa basa lang ako saglit dito para may kaunting knowledge na ako sa mga topics na pinag aaralan."

"Mahirap na po kasi mapahiya pag nagtanong ang Prof tapos walang maisagot." Dagdag ko pang sabi dito

"Oh sya ganun ba? Tsaka huwag mo na akong tinatawag na kuya, Raymond nalang. Di rin naman nagkakalayo ang edad natin eh."

"Second year pa lang naman ako kaya one year lang ang lamang ko sa iyo. Tama ba?" Tanong naman nito

"Sabagay tama ka naman, Jasmine nga pala first year sa course na Business Administration." Sabay abot ko ang kamay sa kanya na agad naman nitong tinanggap.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa tumunog na ang bell para sa next subject. 

Agad na akong nagpaalam dito at dumiretso na ako sa aking room ng nakangiti. Nagkita ulit kami ni crush ang medyo kinikilig kong sabi sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status