Share

Ms. Camela Martin
Ms. Camela Martin
Author: imnotpsychopath

Prologue

"Ano na naman yung kanina ha!!!? Di ba sinabi ko na sa iyo na ayaw kong nag lalapit ka kung kani kanino dyan ha!!! Ang tigas talaga ng ulo mong bwisit ka.!!! Nerd ka na nga e bat ba ang dami pa ring lumalapit sa iyong mga malalandi. At ikaw naman ay gustong gusto mo pa talaga na nilalandi ka. Eh kung pag kakalbuhin ko kaya yung mga malalanding iyon ha? Ano sa tingin mong bwisit ka!!?" Nang gagalaiti nitong sigaw sa akin. 

Di ko siya maintindihan, kanina pa siya ganyan. Kausap ko lang naman iyong SSC president kanina ay bigla na lang nagalit at hinila ako dito sa kanyang office. 

Kahit anong isipin ko kasi ay wala talaga akong maalalang nagawa ko na pwede niyang ikagalit. 

Tapos kanina pa ang sabi nya ng malandi doon sa president namin. Paano naman magiging malandi iyon ay never pa rin ata nagka jowa yun. Puro aral din kasi iyon na katulad ko. 

Kaya nga magkasundo kami noon eh at palaging nag hihiraman ng mga books na mga hindi pa namin nabasa. 

Tapos itong dragonang  ito ganun na lang kung pag bintangan niya iyong si Ms. Pres. Di naman ata makatarungan yun diba.

Tapos gusto nya pa na layuan ko iyon. Hello friend ko na kaya siya bago ko pa nakilala itong si Ma'am dragona. 

"Oh ano di ka na nakaimik dyan no. Siguro totoo talaga ang mga sinabi ko!!!" Putak pa rin nito sa akin.

Kailan ba siya titigil kaka dakdak nya? Kanina pa ako naririndi sa mga paulit ulit lang na sinasabi nito. Isa pa talaga at makakatikim na ito sa akin.

"Bwisit ka talagang Fort--" di ko na pinatuloy ang sinasabi nito at bigla ko nalang siyang hinila sa akin at hinalikan ng mapusok ang kanyang mapupulang labi. 

Matapos ang mainit init naming halikan ay binitawan ko na ito. "Ma'am Camela, huwag ka ng mag selos doon at friend ko lang naman iyon eh. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba." Sabi ko dito. 

Bago sinakop ulit ang matamis at malambot nitong labi. My god ang sarap nya talagang halikan nakaka adik. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Trisha Cañete
Kaya nga eh hahahaha
goodnovel comment avatar
Ayen Piras
Puro naman to nakalocked eh.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status