StephanieMaya lang ay tumayo na naman ito habang hawak niya ang kanyang phone na palapit sa akin pero bigla kong tinaas ang aking kamay at sinamaan ko ito ng tingin. Baka kung ano na naman na kabalbalan ang gawin nito eh. Pero natatawa na lang ito sa naging reaction ko sa kanya. "Stephanie baby mag se selfie lang naman tayo eh. Sinabi ko kasi sa mga friends ko na nandito ka ngayon sa condo ko pero ayaw nilang maniwala sa akin. Masyado na daw akong delusional na npaka impossible naman daw napapayag kang pumunta dito. Kaya mag selfie tayo hmm. Okay lang naman sayo diba." Pag papa cute nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa kanya. Selfie lang naman eh. Tsaka wala naman masama kung mag picture kami nito na dalawa eh. Kaya pumayag na ako. Malaki tuloy ang ngiti nito na lumapit sa akin at mabilis na hinalikan ako nito sa aking pisngi. Sabay pindot nito sa kanyang camera. Hindi ko na tuloy napag handaan ang kanyang ginawa kaya hinayaan ko na lang ito. Kiss lang naman s
StephanieMatapos nitong ma edit ang post niya ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi ko na rin inabala pa ang aking sarili na tignan ang mga nag ta tag at mention sa akin. Bahala sila dyan. Hindi ko na kasalanan kung nag ka gusto sa akin ang babae na ito. Baka masyado lang sa akin na nagandahan ito. Hehehe.Matapos namin kumain at halos naubos namin ang isang bucket ng chicken at anim na perasong burger at may fries pang kasama ay nag aya na ito na pumunta na daw kami sa may sala at manood ng tv. Malapit na daw kasi yung pinapanood nito eh. Kaya tumango naman na ako dito pero pina una ko na siya doon at mag lilinis muna ako dito sa may kitchen. Alangan naman na iwanan nalang namin ito dito. Malinis pa naman ako sa paligid ko at ayaw ko ng makalat. Mukhang ganun din naman ito kasi ang linis ng condo niya sa totoo lang.Tumango naman ito at hindi na nakipag talo pa sa akin. Mukhang atat na nga itong pumunta sa may sala para manood eh. Nahiya lang siguro siya kanina sa akin. Nang m
StephanieHindi ko na pinatulan pa ang mga pinag sasabi sa akin ni Jade bahala ka sa buhay mo dyan. Hinayaan ko na rin lang siya na ubusin niya ang amoy ko. Bahala din ito kung anong amoy ko na e. Wala din naman akong pamalit siguro maaga na lang ako uuwe bukas para maka daan pa ako sa bahay at maka ligo bago pumasok. Tama ganun na nga lang ang gagawin ko. Mukhang wala naman balak pahiramin ako ng isang ito eh. Baka ang gusto niya ay mag hubad na lang ako sa kanyang harapan. Yun siguro ang Plano nito. Iniisip siguro niya na kung sakali na hindi niya ako pahiramin ng mga maisusuot ko ngayon ay baka mapilitan ako na mag hubad na lang. Ayaw ko sana na mag isip ng ganun eh. Pero di ko lang maiwasan. Knowing Jade. Gagawin talaga niya ang mga bagay na yan para lang ma manyak ako. Manyakis ang gaga. Sakto na natapos ang pinapanood niya or nanood pa ba ang isang ito. Napansin ko kasi na nasa akin naman ang attention niya eh. Sa pag ubos ng amoy ko. "Stephanie baby, tara na matulog. Hali
StephanieAng akala ko ay sa guestroom niya dito sa condo ako matutulog ang hindi ko alam ay dito pala sa kanyang kwarto balak akong patulugin. Potek baka hindi na ako virgin nito kinabukasanah. Lalo pa nga at ganyan kaharot ang babae na ito. Wala akong tiwala na hindi ako nito papapakin pag naka higa na kami sa kami. Naman kasi eh. "Akala ko sa guestroom ako matutulog?" naguguluhan na tanong ko dito. Bigla naman na tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko sa kanya. "Bakit naman kita doon papatulugin? Ang luwang ng kwarto at kama tapos doon ka matutulog? tsaka stock room ko na siya kaya wala kang matutulugan doon." mabilis naman na sagot nito sa akin. Napakamot ako ng batok ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. potek mukhang wala na akong ibang option ah kung hindi ang makatabi ito sa kama. Hayst mali talaga ako ng desisyon na sumama ako sa condo niya. Sana pala sa condo ko na lang kami pumunta para may matutulugan ako halimbawa man. Napilitan na akong pumayag na dito na nga matu
StephanieNakahiga na ako at naka talikod dito ng maramdaman ko na pag lapit nito sa akin at ang pag yakap niya. Hindi na lang ako nag react at nag kunwari na tulog na. Sino ba ang niluluko ko na tulog na kaagad ako eh. Kakahiga ko lang naman. Pero ayaw ko na pansinin pa ito at baka kung ano na naman ang kanyang gawin kasi eh. Alam nyo naman na napaka laking tukso ang isang Jade na ngayon nga ay parang tuko na naka yakap sa likod ko. Maya lang ay nag salita na ito. Mukhang nainis yata kasi wala man lang ako reaction sa kanyang ginawa. Madali din kasing uminit ang ulo ng isang ito eh. Ako lang talaga ang Hindi niya masungitan ng malala. Subukan lang naman talaga niya eh. Hinding hindi na siya makakaisa pa ng halik sa akin kapag sinungitan niya ako gaya ng ginagawa niya sa ibang mga estudyante sa campus. "Stephanie baby. Harap ka naman sa akin oh. Hug mo din ako please." Paki usap nito sa akin. Sabi na nga eh. May binabalak na naman ito. Pero Hindi pa rin ako kumibo at pinanindigan
StephaniePagkakita ko kung anong oras na ay bumalik ako sa kwarto ni Jade at kinuha ang bag ko at uuwe na ako. Late na ako ng sobra nito kay Ms. Jane. A absent na lang siguro ako sa kanya. Kasi hindi na talaga ako aabot pa kahit anong gawin ko pang pag mamadali. Nang makuha ko na ang aking gamit ay lumabas na rin ako at sinundan ito sa kanyang kitchen. isinuot ko na rin yung sapatos ko. Hihiramin ko na lang muna itong suot ko na damit niya at ibabalik ko na lang sa kanya kapag na labhan ko na. Alangan naman kasi an isuot ko ulit yung suot ko kahapon. Sana pala dryer ko na lang yun at yun na rin lang ang isinuot ko ngayon sa school na lang ako mag papalit total may mga extra na gamit naman ako doon. Pag pasok ko sa kitchen ay nakita ko ito na busy na sa pag luluto. Napangiti naman ako ng lihim dahil doon. Hindi ko alam na marunong pala mag luto ang isang ito. Akala ko kasi ay puro kaharutan lang ang alam niyang gawin. Kahit na gusto ko pa sana panoorin ang ginagawa nito ay kailanga
StephanieMatapos kong makapag ayos dito sa kusina niya ay pumasok na ako sa kanyang kwarto sakto naman na katatapos lang nitong maligo. Naka tapis lang ito at malagkit na naman na naka tingin sa akin. Agad ko naman na iniwas ang tingin ko dito. Hayst ito na naman po kami sa kaharutan niya. My goodness wala ba talaga siyang balak na tigilan ako sa kaka ganyan niya?Dinig na dinig ko naman ang tawa nito sa ginawa ko. Maya lang ay nag salita na siya. "Maligo kana at baka ma late pa tayo. E ready ko na lang ang bihisan mo." utos naman nito sa akin. Kaya naman pumasok na ako sa shower room at naligo na nga ng tuluyan. Mabilis lang naman ako natapos dahil hindi naman ako kasing arte ng iba dyan na halos lunurin na ang sarili sa paliligo. Ano lang ba ang ligo ng may isip diba. Hahaha...Matapos kong maligo ay naka towel na lumabas na ako sa shower room at nakita ko na may damit na nga na nasa may kama. Wala na rin naman dito sa kwarto si Jade. kaya naman kinuha ko ito at pumasok ulit sa s
StephaniePanay naman ang tinginan ng mga estudyante na madaanan namin. Habang itong isang tuko na ito ay ang laki ng ngiti pa nito. Hindi ba siya nahihiya na pinag uusapan kami ng ganyan. Na nakikita nila kung gaano siya ka dikit sa akin. Na ako ang kasama niya? Sa isip isip ko. Ang nakikita ko kasi ngayon ay isang Jade na parang proud na proud pa na ako ay kasama niya. At parang sinasabi sa lahat na off limits na ako kasi pag aari na niya ako. Duh walang pwedeng mag may ari sa akin kung hindi ako lang. Naranasan ko ng ipag damot ako at angkinin ng iba na puro pag ku kunwari at pag pa panggap lang pala ang lahat for the shake of Lamborghini. Heck hindi na ako mag papauto ngayon. Kahit na si Jade pa yan. Gusto ko na maka siguro muna kung tunay ba ang nararamdaman nito sa akin. at kahit tunay pa yun ay hindi ko pwede na basta na lang ipagkatiwala ang puso ko dito. Gusto ko muna maka move on para hindi unfair din sa part niya. Ang gusto ko ay buo ako pag nag mahal akong muli. Tama