Share

Chapter 32

Jane

Nang tuluyan na itong umalis sa harap ko para mag bihis ay di ko mapigilan na igala ang aking paningin . Malinis talaga siya. Paano naman kasi ay wala man lang akong makitang mga nakakalat na gamit nito. Nakaayos lahat napaka aliwalas tuloy ng condo nito at hindi ito tulad ng nakikita ko na condo sa iba na sobrang magarbo. Simple lang ito pero nag huhumiyaw naman ang karangyaan.

Medyo matagal din ako naghihintay dito sa sala bago ito lumabas mula sa kanyang kwarto. Di ko maiwasang igala ang aking paningin sa kanyang kabuuan ngayon.

Ang fresh kasi nitong tignan lalo na at halatang bagong paligo lang ito. Medyo may tumutulo pa kasing mga pailan ilang tubig na galing sa buhok nito pababa sa kanyang dibdib banda.

Di ko naman maiwasang mapalunok bigla dahil doon lalo na ng bumaba pa ang aking paningin papunta sa may baba nito na medyo may konting bukol dahil na rin sa suot nitong pajama na nag huhulma sa hinaharap nito.

Nang mahalata ata nito na medyo napatagal ang tingin ko doon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status