Isang linggo na kaming magkakasama sa iisang bahay ng suplado at mainitin ang ulo na nilalang na 'yon.
Hindi man lang nagbago ang trato niya sa'kin. Minsan hindi na siya nagluluto ng pagkain, kaya tinapay nalang ang kinakain ko, hindi kasi ako marunong mag luto. ‘Di ba? Ano 'to? Sumpa? Nakakainis siya pero wala akong magawa. Mas mabuti pa na nandoon ako sa bahay, tahimik pa ang buhay ko. May katulong na puwedi akong lutuan anytime. Mababait pa sila hindi kagaya ng kasama ko sa bahay napakabwesit. Nai-stress ako myghad!Lunes ng umaga at ang nakakainis ay hindi niya ako hinintay. Napakasama talaga ng ugali. Sino ang magtatagal sa gano'ng ugali aber? Dahan-dahan ng nawawala ang pagkakagusto ko sa kaniya. Nakakaturn off siya.Nagpapapadyak-padyak ako ng walang taxi na dumadaan. Male-late na ako sa school.Nandito ako nakatayo sa labas ng Lopez Condominium. Kung sana may driver ako, hindi ako maghihintay ng matagal dito.Nabigla ako ng may pumaradang Mercedes Benz na kulay pula sa harapan ko. Sino kaya to? Pinapainggit niya ba ako? Akala niya siguro hindi ko afford ang ganiyang kotse. Dahan-dahan bumaba ang bintana ng kotse niya kaya napaiwas ako ng tingin."Miss, need a ride?" tanong ni kuya. Bakit pamilyar ang boses niya?"CHE! 'Wag ako! Iba nalang dalhin mo sa motel!" buong lakas kong sigaw. Narinig ko ang pagtawa niya kaya mas lalo akong nainis.Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse niya kaya napatingin ako."Yohan?" gulat na gulat kong tanong. Kaya pamilyar ang boses niya. Tumawa siya habang tumitingin sa'kin. "Napaka hard to get mo ah? Mabuti 'yan, Pen. Pero motel talaga?" tanong niya pa habang hindi maalis ang tawa.Umirap ako, "Syempre modus 'yon eh." Pagdadahilan ko. May mga gano'n kasi minsan. 'Yong tipong ang ganda-ganda ng sasakyan tapos ang bait-bait tsaka nila kukunin ang loob mo saka dadalhin sa motel at iiwan agad. Nabasa ko lang sa diyaryo."Sakay na, Pen. Male-late na tayo pareho." Matamis siyang ngumiti saka pumasok sa driver's seat. Sumunod ako at pumasok sa passenger seat. Dalawa lang naman ang upuan eh. Ito talaga 'yong kotse na panghatak chicks."Sayo 'to? Ang ganda." May pagka-mangha kong sabi sa kaniya habang nilibot ang tingin ko. Parang pakpak ang pinto pag nabubuksan. Gusto ko din ng ganito kaso hindi ako marunong mag-drive."Nasa'n na ang isa mong sasakyan?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt."Nasa bahay," bahagya siyang tumawa at tumingin sa'kin. Nagsimula ng umandar ang kotse paalis. "Bagong bili kasi 'to kaya ginamit ko na agad, teka nga! Do'n ka nakatira sa condong 'yun?" tanong niya."Oo." Tumawa ako dahil sa reaksiyon niya. "Nakakagulat ba?" tanong ko pabalik."Bakit? Malaki naman ang bahay n'yo ah? Mabuti nalang nadaanan kita, wala ka bang driver ngayon?" sunod sunod niyang tanong habang nagda-drive, nakakunot pa ang noo niya kaya tumawa ako ng patago."Kailangan ko na daw mag bukod, malaki na kasi ako at malapit na akong magka-boyfriend." Paliwanag ko sa kaniya. Malapit na mag-boyfriend? Naririnig ko ba sarili ko? Parang tangekks!At tsaka hindi niya pweding malaman ang tungkol sa'min ng supladong nilalang na 'yon, baka pagalitan niya ako."Okay, siya nga pala may tugtog kami sa susunod na araw, ikaw na ba ang number one fan ko?" magiliw niyang sabi. Tumingin siya at nagpa-cute sa'kin. Ang kulit niya habang nagda-drive."Talaga? Para saan daw?" gulat kong tanong."Hindi ko din alam eh. Ang sinabi lang tutugtog kami." Tumango-tango ako habang nag iisip."Sige! Gagawa ako ng tarpaulin. Sasabihin ko nalang sa mga member ko na magba-back- out na ako, ang pangit naman kasi ng ugali ng idol namin." Rant ko habang nakasimangot. Nag-cross arms pa ako at tumingin sa labas."Mabait naman si Darrel ah?" natatawa niyang sabi habang palingon-lingon sa'kin at sa daan."Hindi kaya! Palagi nalang siyang galit." Napa iling nalang siya sa sinabi ko."Pero sa'yo lang siya galit, Pen." Anya at napangisi pa."Wala naman akong ginawang masama sakanya ah?" napalabi ako habang sinasabi 'yon. Napaka OA niya lang siguro.Magkasama kaming pumasok ni Yohan kaya napapatingin sa'min ang mga studyante at nagbubulungan. Tiyak chismis nanaman iteeyy. Sinabi ko kay Yohan ang mga nakikita ko kaya tawang tawa siya. "Alam mo ba? Okay nadin 'yun nuh! Minsan lang ako magka chismis." Sabi niya habang natatawa. Pagpasok namin ng room ay malisyoso naman na napatingin ang mga kaklase namin."Yohan, bakit magkasama kayo lagi ni Peny? Kayo na ba? Ayiiiiieeee..." Sabi ng isa naming kaklase habang kinakantyawan kaming dalawa. Nagkatinginan lang kami ni Yohan at ngumiti."Secret. Malalaman niyo 'yan sa susunod." Kumindat siya agad sa kaklase namin kaya siniko ko siya sa tagiliran. Bahagya siyang napangiwi habang tumitingin sa'kin.Bigla nalang tumayo at nag dabog si Darrel palabas. Natumba pa ang upuan niya ng tumayo siya. Kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas."Kitammss galit na naman yata siya." Sabi ko kay Yohan. "Baka may emergency lang siya, hayaan mo na." Ngumisi siya at umupo na kami sa upuan namin.Magkasama kaming dalawa ni Yohan hanggang lunch. Hindi ko alam pero masaya ako na nandiyan siya. Mas naging malapit kami sa isa't-isa.Uwian na kaya magkasama kaming dalawa ni Yohan papuntang car park. Nakita ko si Darrel sa sasakyan niya na madilim na nakatitig sa amin."Yohan, hindi ako makakasabay sayo pauwi ah? May dadaanan pa kasi ako." Paagdadahilan ko habang nakayuko."Sige, Pen. Mag-ingat ka." Kumindat siya at nagpalaam sa'kin. Tiningnan ko siya hanggang sa maka-alis ang sasakyan niya. Mabilis niya itong pinaharurot. Naku, hindi man lang nag-iingat. Dumeretso agad ako sa sasakyan ni Darrel. Pumasok ako na hindi siya kinakausap o kumibo man lang.Hindi padin siya umaalis sa hood ng kotse niya. Pinabayaan ko na lang. Bahala siya sa buhay niya. Makalipas ng halos limang minuto pero hindi padin siya umaalis. "Darrel, ano ba? Tutunganga kalang diyan? Mag gagabi na oh?!" singhal ko. Hindi padin siya kumikibo. Lumabas ako at hinarap ko siya habang tiningnan ng masama. "Hindi kapa din ba aalis?!" walang sagot galing sa kaniya."Sige mag ta-taxi nalang ako." Kinuha ko sa loob ang bag ko at amba na sanang aalis ng bigla siyang magsalita."Get in." Malamig niyang sabi. Pumasok na ako ng tahimik at sumunod nadin siya. "Nag-iinarte pa. Akala mo naman bagay sakanya." Bulong ko."Naririnig ko ang sinabi mo, Peny." Napakagat-labi ako.Nang makarating kami ni Darrel ng Condo ay nauna na naman siyang naglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakayuko. Hanggang sa makarating sa unit ay hindi padin kami nag kikibuan.Nalimutan ko hindi pala talaga kami nag uusap. Hayyss. Bahala siya sa buhay niya.Pagkapasok na pagkasok namin ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Naisipan kong kausapin siya kaya pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto."Hindi pa yata siya lumalabas," bulong ko.Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya para tawagin siya."Darrel." Tawag ko."Pwedi ba tayong mag usap?" tanong ko mula sa labas ng pinto. Kumatok padin ako. "Darre--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto."What do you want?" malamig niyang tanong habang nakakunot noo."Pwedi ba tayong mag usap?kahit saglit lang?" napayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko naman gusto
Pagdating namin sa pinakamalaking mall dito sa Manila ay pumasok agad ako sa Expression. Bumili ako ng dalawang yellow at isang black na cartolina. Isang glue at gunting, pero pagtingin ko sa nakabuntot sa likod na si Darrel ay nakasimangot lamang ito."Ba't naka simangot kana naman?" malakas kong tanong."Hindi na kita fan? kay Yohan kana? Dapat sinusuportahan mu'ko!" sabi niya sabay irap kasabay ng pagkunot ng noo niyang mapuputi at lalong paniningkit ng mga mata niyang singkit.Bahagya ako tumawa. Ang cute niya tingnan."Ang suplado at lagi ka nalang galit. Na-realize ko na hindi na kita gustong supportahan." Sagot ko sa kaniya.Nagbayad muna ako sa counter at tsaka lumabas. Naka sunod lang siya sa'kin pero ng may makita kaming paparating na estudyante ng Thorn University ay nagtago ito sa isang boutique at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya."’Di ba ikaw ‘yung girlfriend
"May favoritism ka nuh? No'ng hinila ka ni Darrel tinapon mo agad ang pangalan ko, parang tinapon mo na din ako, ang sakit naman no'n." Sabi niya. Umarte pa siya na parang nasasaktan. Humawak siya sa puso niya at dumaing ng sakit."Nabigla lang talaga ako sa kaniya, hindi ko kaya iniexpect 'yun," sagot ko. Nagpa ikot-ikot ako sa kilig habang ngumingiti."Dream come true 'yun." Pagtingin ko sa kanya ay sa kawalan lang siya naka tingin kaya nagtaka ako."Uyy nakikinig ka ba?" I asked him."Ha?Ano yung sinabi mo?" tanong niya pabalik habang natataranta."Hindi ka naman nakikinig eh, 'wag na nga lang." Nauna na akong naglakad papuntang parking lot kaysa sa kaniya. Hihintayin ko si Darrel."Hintayin mu'ko, Pen." Sigaw niya habang humabol sa'kin, nang maabotan ay inakbayan niya ako."Sorry na, may inisip lang ako." Pagdadahilan niya. Ginulo ang buh
Nakatayo kaming dalawa ni Darrel sa harap ng pinto na magkalayo habang hinihintay ang pagdating ng mga parents namin. Nami-miss ko na sina Mom at Dad kaya excited akong makita sila."Tsk!" napatingin ako ng masama kay Darrel habang umiiwas siya ng tingin."Edi wow." Sabi ko.Nakarinig kami ng doorbell hudyat na nandito na sila. Dali-dali akong nagpunta ng pinto para buksan ito pero hindi lang ako ang nakahawak kundi pati nadin kamay niya. Gulat na gulat akong napatingin sakanya habang nakatulala siya sa'kin. Nasa ilalim ang kamay ko at nasa ibabaw ang kamay niya. Parang tumigil ng ilang segundo ang oras at nagpatuloy ng makarinig ulit kami ng doorbell kaya sabay kaming dalawa bumitaw at nag iwas tingin. Nakakainis namumula ako. Ang init ng pisngi ko. Ang gwapo niya kasi, ang aga-aga.Narinig kong nagbukas ang pinto habang nakatalikod ako. Binuksan siguro ni Darrel."Bakit antagal niyong
Nakahilata ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Parang ang saya ko yata ngayon. Sobrang na-miss ko lang talaga siguro ang presence ni Mom at Dad at medyo naging maingay ang condo.Napalingon ako kay Mom. Pumasok pala siya ng kwarto, "Peny anak! Hindi pa ba kayo magkatabi matulog ni Darrel?"Hindi ko mapigilang manlaki ang mga matang tumingin sa kaniya, "Wala naman pong nagsabi na kailangan naming magkatabi." Sagot ko.Naku 'pag sinabi nila kay Darrel 'to tiyak magwawala 'yon. Napakagat-labi ako habang iniisip ang maaring reaksiyon niya.Biglang sumilip si Tita sa kwarto ko kaya napatingin kaming dalawa ni Mom. "What are you talking about, ladies?" malambing na tanong niya. Mukang bagong ligo siya."Hindi magkatabi matulog ang mga anak natin, Jessel." Sumbong ni Mom kaya napanguso ako habang umiiwas ng tingin."Hindi kayo magkatabi? I told him last time, ikakasal na din naman kayo." N
Magkakasama kaming lahat kumain. Sina Tito at Tita, Mommy and Daddy at kaming dalawa ni Darrel. Uuwi na yata sila mamaya. Namimiss ko na talagang umuwi sa'min."Mom, Dad, uuwi na po ba kayo mamaya?" tanong ko. Napanguso akong tumingin sa kanila. Marahan kong hiniwa ang porkchop na ulam."Yes, anak. Marami pa kaming aasikasuhin ng Daddy mo." Sabi ni Mom tinapik ni Dad ang likod kaya napatingin ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti kaya nanlumo ako habang kumakain."Puwedi po bang mag extend kayo kahit one night lang? Dad, please." Malambing kong pakiusap habang nagpapacute."Sorry, Peny. But we really need to do this besides nandito naman si Darrel. Why don't you go shopping or stroll outside? ‘Di ba Darrel?" baling ni dad sa kaniya, “Please make my Peny happy." Napatingin si Darrel sa'kin at tumango sa kaniya."Yes po, tito. Ako na po ang bahala sa kaniya.""Mudos
Nagpatuloy ang mga araw na lagi nalang kaming nagbabangayan. Ang trato niya? Gano'n padin, laging galit. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang problema niya. Pero minsan mabait naman, MINSAN lang. Napaka-moody no'n kaya nga lagi ko siyang binibiro eh ang dali niya ma pikon. "Good morning, hubby." Ngumiti ako ng kay lapad-lapad sa tapat mismo sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga."Hubby mo mukha mo!" tinulak niya ang ulo ko gamit ang isa niyang daliri at tumalikod. Napangisi naman ako habang sumusunod ang tingin sa kaniya. Ito 'yung mga ginagawa ko para magalit siya."Bakit magiging asawa naman talaga kita ah?" maang-mangan kong sabi habang sumusunod sa kaniya."Ayaw ko sa'yo." Plain
Pasukan na. Matapos ang isang linggong bakasyon, ganun padin masungit padin ang hubby ko. Tingnan nga natin kong mahulog siya. Ang tigas ng laman niya eh, hindi nga kinikilig maliban lang sa ngiti niya no'ng nakaraang araw. Madami akong pakulo na gagawin sa kanya. Insert evil laugh. Charring. Nasa kotse ako ngayon ng hubby ko. Syempre nag da-drive siya. Papunta na kaming school ng magkasama. "Magkasama ba tayong kakain ng lunch mamaya, hubby?" tin-try ko talagang magtanong habang nagpapa-cute. Ang hirap pala magpanggap kasi nga maganda ako."Hindi!" may diin niyang sabi habang pinaiikot ang steering wheel. Sana marunong din akong mag-drive."Bakit? ‘Di ba dapat magkasama tayong kakain?" nagtataka k