Share

Chapter 2: Here comes the stalker... again & the repentance

Mabilis na lumipas ang araw, na finalize na rin ang program and activities, 1 day to go ay Science Fair na nila. Hindi na halos naisip ni Lia ang tungkol sa nakakagulat na balita para sa kanya. Pinagtuunan muna niya ng pansin ang aktibidad na gaganapin sa kanilang paaralan. Araw ng kanilang Science Fair. Abalang-abala ang lahat, mapa-guro o estudyante man. May inimbitahan rin silang VIP na taga-DOST.

Mayroong iba’t-ibang booths that showcases student’s creativeness. Ang iba ay nagbebenta ng mga gamit like lamps, baskets, table and vases out of recycled materials. Mayroon ding live program showing the ability & intelligence of each grade level doing different experiments. Day 1 pa lang ng event at marami pang kaabang-abang na programs sa mga susunod na araw like cheerdance competition,quiz bee, search for the next Eistein, at ang pinaka-aabangang fireworks display at star gazing na gaganapin sa huling araw ng event. Matagumpay ang unang araw ng fair, 2 more days to go ay matatapos na rin ito at mapagtutuunan na niya ng pansin ang kanyang problema.

Gabi na nakauwi si Lia sa kanyang tinutuluyang town house dahil nagkaroon pa sila ng meeting na inabot ng 2 hours. Nasa tapat pa lang siya ng kabilang bahay ay napansin na niyang bukas ang kanyang mail box.

Napansin din niyang nakaawang ang kanyang gate. Bigla nanaman siyang kinabahan. Gusto niyang tumawag sa police hotline ngunit nakapagpigil nanaman siya. Mayroon namang rumurondang guards araw-araw dahil exclusive ang lugar kung saan siya nakatira. Nagtataka lamang siya na hindi manlang nila napansin iyon. Natatakot siyang tumuloy sa kanyang bahay ngunit naisip niyang maging matapang. Huminga siya ng malalim at nilakasan ang kanyang loob.

Nang nasa tapat ng kanyang gate ay bumaba siya sa kanyang sasakyan. Nagmasid muna siya sa kanyang paligid bago sinilip ang kanyang mailbox at dahan-dahan niya itong binuksan pa. Kabadong-kabado na siya at nanginginig din ang kanyang mga kamay.

Inside, she found a small box with letter in it saying, “For you Mi Amore”

Lovingly, Bonnie C.

Biglang nanginig ang buo niyang katawan, ito nanaman ang kanyang stalker nagpaparamdan. Nanginginig at takot na binuksan niya ang laman ng box, there she found an anklet made of pearls with letter B, a heart shape and letter A. Muntikan na niyang nabitawan ito, kinusot niya ang papel dahil sa galit. Itinapon niya sa basurahan ang nakuhang box. Frustrated and Exhausted. Ayan ang nararamdaman ni Lia ngayon. Gusto niyang umiyak dahil sa takot. Umaatake nanaman ang kanyang anxiety. Hindi siya dapat maging ganoon, kailangan pa siya sa kanilang paaralan bukas.

Hindi na siya nakakain dahil sa nangyari, nababalisa na rin siya. Naisip niyang i-check ang hidden cctv na ipinakabit niya sa may doorway. Nakahiga na siya sa kanyang kama, sumasakit na ang ulo niya ngunit mas pinili pa rin niyang ireview ang cctv footage. Pagka-click sa footage, bigla nanaman siyang nanginig. May tumutulo ng luha sa kanyang mga mata. Napatakip siya ng kanyang bibig, kitang-kita sa footage na mayroong naka-all black na lalaki sa tapat ng kanyang pintuan, wala itong suot na cap, mahaba ang buhok nito. Matagal itong nakaharap sa kanyang pintuan.

“Ano kaya ang pakay nito?” bulong na sabi niya sa kanyang sarili.

Halos 2 minutes na nakatayo lang ang lalaki sa harap ng kanyang pintuan, oo lalaki ito base na rin sa hubog ng kanyang katawan, matangkad rin ito. Bigla itong humarap at tumingin sa cam. Nagulat si Lia, titig na titig ito sa pinakabit niyang cctv. Sobra na siyang nanginginig, nakasuot ng face mask ang lalaki, hindi niya makilala kung sino ito, tinatandaan niya kung nakita na ba niya ito, ngunit hindi niya maalala. Agad din namang umalis ang lalaki.

Itinigil na niya ang panonood, hindi na niya kaya. Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan. Kumuha siya ng maiinom sa kanyang mini ref sa loob ng kanyang kwarto. Pinakalma muna niya ang kanyang sarili. Naisip naman niyang tawagan ang kanyang pamilya, ngunit nagpigil nanaman siya. Tinawagan na lamang niya si Sienna.

“H-hello Sie-sienna?” Mangiyak-ngiyak at nauutal na sambit niya.

“Anong nangyari Ma’am Lia? Bakit ganyan ang boses mo?” Kinakabahang tanong ng kaibigan sa mataas na tono.

“Nagba-nagbalik siya, huhuhh Sienna, natatakot ako.” Nagsusumamong imporma niya.

“Calm down Ma’am, tawag na tayo ng pulis. Nakakatakot na ang ginagawa sayo ng stalker mo.” Galit na sabi ng kaibigan.

“I can handle this, I just need someone to talk to, I’ll be fine,” ang tanging naisagot niya. Ayaw niya kasing mayroong nag-aalala sa kanya.

“Hmm, beep me up Ma’am kung may problema, I’ll be there as soon as I can. Just call me po,” may bahid ng concern sa pananalita niya.

“Okay Sienna, thank you for your time, and please if ever that I might not come to school tomorrow, please rely to them the message I will send in your email. I hope they will understand my situation.” Utos na lang niya.

“Sure Ma’am, ako na po ang bahala, mag-iingat ka po palagi. I will pray for your safety too,” wika ni Sienna sa kaibigan.

Hapong-hapo ang pakiramdam ni Lia, may halong takot at galit din. Naisip niyang huwag munang pumasok bukas dahil hindi lang siya makakapag-concentrate. Napakasaya pa naman na event ang mayroon sa kanilang paaralan. Hindi niya kayang magkunwari ng nararamdaman. Ipapahinga muna niya ang kanyang isip at damdamin. Bago matulog ay nag-message siya sa kanyang mga magulang sa messenger, kinamusta niya ang mga ito.

Nagdasal muna siya sa Maykapal na sana ay matapos na ang problemang kinahaharap niya at patuloy pa rin siyang bigyan ng lakas at proteksyon. Naging maayos naman kahit papano ang tulog ni Lia. Pagka-gising, naisip niyang icheck ang kanyang email. Marami siyang new messages doon na galing sa school, kay Atty. Miguel Fruego at MG Ferrer. Ngunit binalewala muna niya ito, gusto muna niyang kumain.

Dahil sa sobrang stress, naghanda si Lia ng pagkaing pang-tatlong tao ang katumbas. May fried rice, tapsilog, ceasar salad, garlic bread at fresh orange juice for her breakfast. Nag-stress eating nanaman siya. It is her own way to easily overcome her stress even for a bit. Pagkatapos kumain ay naisip niyang mamasyal muna, balak niyang magpunta ng Intramuros na isang lugar kung saan doon siya nakapag-iisip ng maayos.

Pero bago iyon, kinuha niya ang kanyang laptop at chineck muli ang kanyang email. Una niyang in-open ang mga email galing sa kanyang mga co-teachers na pawang messages of concern. Pinayuhan din siya ng kanilang Principal na mag-leave muna dahil alam nila ang pagod niya sa dami ba naman ng kanyang ginagawa ngunit hindi nila alam ang tunay na dahilan ng kanyang stress. Napapaisip tuloy siya kung igra-grab niya ang leave credits na sinasabi ng kanilang Principal. Kailangan naman niya talaga iyon.

Sunod niyang binuksan ang message na galing kay Atty. Fruego. Nagulantang siya sa mensahe nito. Wala na ang kanyang Aunt Amalia. The email was sent 3 days ago. Mangiyak-ngiyak na binuksan niya ang email.

To Ms. Amalia Yngrid G.Torres,

I am awfully sorry to inform you that your Aunt Amalia Guinto had already passed away. My deep condolences to your family on this sorrowful loss. She died quietly on her hospital bed and was cremated according to her request. As the executor of her estate, I would like to inform you that your Aunt Amalia made you her heir. You inherited her villa in Cebu, City. A share on a stock market, money on a bank worth 20 million, a Starex van and a Mitsubishi Montero Sports Car.

To be able to acquire all of her possessions, you need to go here in Cebu, City because there are documents that you need to sign and return to me. There is also a personal letter from your Aunt that she requested to give to you upon her death. I hope that this time you will contact me regarding this important matter. You may contact me with this number (09175234126) once you are here in Cebu, City. Thank you & God bless.

Sincerely,

Atty. Miguel Fruego, CPA

Lia was crying about the news. She was remorseful and careless with her problem. She could have seen her Aunt alive if she immediately went to see her, but it’s too late now. She fixed herself and contacted her Aunt’s Attorney.

“Hello Mr. Fruego, this is Amalia Yngrid G. Torres.” Pakilala niya sa kabilang linya na may pagpipigil sa kanyang emosyon.

“Oh, Good day Ms. Torres, mabuti naman at nabasa mo na ang email ko sayo. I know you are a very busy person ayon na rin sa iyong Tiya,” sagot naman ng abogado sa kalmadong paraan.

“I’m sorry Attorney kung ngayon ko lang nabasa ang email mo, makakaasa kang pupunta ako diyan sa Cebu, City within this week.” Paniniguro naman niya.

“Aasahan kita dito Ms. Torres, marami tayong dapat pag-usapan,” saad ng kausap.

“Makakaasa ka Attorney, maraming salamat,” sambit niya bago ibaba ang telepono.

Nagmamadaling nag-ayos si Lia, hindi na niya naabalang buksan ang email message na galing sa nagngangalang MG Ferrer. Nais niyang umalis, lumanghap ng sariwang hangin at mag-isip muna. Bago pumunta ng Intramuros ay dumaan muna siya sa The Manila Cathedral para mag-alay ng dasal para sa kanyang Tiya, para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Magpapark na sana siya sa may lilim ng puno ngunit may sasakyang mabilis na umagaw ng kanyang gustong pwesto. Nagulat siya dahil muntik na niyang masagi ito. Napilitan tuloy siyang mag-park sa hindi malilim na bahagi na katabi lang ng gusto niyang pwesto.

“Tsk ano ba yan porke’t maganda iyang sasakyan mo ay aagaw kana ng pwesto!” Inis na sabi ni Lia na animo’y kausap ang may-ari ng sasakyan.

Magkatabi lang ang sasakyan nila ng umagaw ng kanyang gustong pwesto. Sinabayan niyang bumaba ang driver ng sasakyan na sakay ng bagong-bagong Toyota Land Cruiser. Pagkalabas ni Lia ay agad niyang hinarap ang driver ngunit napatunganga siya dahil para siyang nakakita ng isang god, nilalang na animo’y perfect sa lahat. Kahit na ito’y naka-suot ng shades ay kita ang ganda ng mukha nito at ang hubog ng katawan with full of muscles. Bumagay pa ang suot nitong simpleng polo shirt at maong pants, pero kapag siya ang nagsuot ay nagmumukang elegante na para bang modelo dahil sa tangkad din nito.

Napakurap-kurap siya, bakit parang patungo ang direksyon ng lalaki sa kanya? Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, pangamba at excitement ang kanyang nararamdaman. Huminto ang lalaki sa harap niya. Tinanggal nito ang kanyang shades at isinuksok sa suot nitong polo shirt. Ngayon, nasilayan na ni Lia ang buong mukha nito, he’s a drop dead gorgeous man, she wanted to scream, parang ngayon lang siya nakakita ng gwapong nilalang.

She controlled herself, hindi dapat siya umakto ng ganoon. Isa siyang kagalang-galang na guro for Christ’s sake. Ngunit nailang si Lia dahil sa mga tingin nito na hindi niya mawari kung nandidiri ba dahil tinitignan siya pataas pababa na nakakunot ang noo. Nahiya tuloy siya, napayuko at iniiwas ang tingin sa lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status