Share

Kabanata 04 - Kidnapper

“Miko, kailan ka ba talaga magpapakasal?” Paulit-ulit na tanong ng ina ni Mikolaj sa kan’ya.

Ito ang laging pambungad ni Claire sa kan’yang anak tuwing umuuwi ito kasama ang kan’yang apo na si Madison sa kanila. Kaya minsan lang na umuuwi si Mikolaj sa bahay dahil napapagod din itong pakinggan siyang parating sinasabihan na magpakasal na.

“Ma, ilang beses ko bang sabihin na wala pa sa plano ko ang magpakasal. At saka, may anak na ako tapos naghahanap ka pa na mag-asawa ako,” sagot ni Mikolaj sa ina. Hindi na umaasa si Mikolaj na makakapag-asawa pa siya. Sa katunayan ay mas mabuti na rin siguro iyon para mas maging pokus ang atensyon niya sa pagpapalaki kay Madison.

“Kaya nga eh, seven years old na si Madison. Sooner or later, maghahanap ‘yan ng kalinga ng isang ama. Madison need a father figure, kahit sabihin mo pa na kaya mong palakihin si Adi na mag-isa, gugustuhin mo bang lumaki ang apo ko  na walang ama?” tanong ni Claire sa malakas na boses at huminto sa pag-aayos ng mga pinggan sa lalagyan.

Dahil dito ay napatingin ang ama, kapatid at anak ni Mikolaj sa kanilang direksyon.

Napatigil sila Marlon at Nixon sa panonood ng basketball game sa telebisyon pati na rin si Madison sa pagkukulay ng kan’yang coloring book at nabaling ang atensyon nilang tatlo sa mag-ina. Nasa kusina sila Mikolaj at Claire dahil katatapos lang nilang kumain ng hapunan at tinutulungan ni Mikolaj ang ina niya na magligpit ng pinagkainan.

“Ma, naman. Ito na naman ba pag-uusapan natin? Birthday na birthday ko tapos se-sermonan mo ako. Alam mo namang ang hirap ko rin makahanap ng mapapangasawa," pagdadahilan ni Mikolaj.

Totoo naman, hindi dahil mataas ang standard niya sa lalaki kundi dahil nag-aalala siya na baka hindi nito matanggap ang anak niyang si Madison. May nagugustuhan din naman siya ngunit hindi niya alam kung tunay nga bang may nararamdaman ito sa kan'ya o wala.

"Iyon nga, Mikolaj. 27 years old ka na tapos hindi ka pa rin nagse-settle down. Wala ka ngang jowa kahit pa noon na wala pa si Madison sa buhay mo. Tapatin mo nga ako, tomboy ka ba?" hindi mapigilan na tanong ni Claire kay Mikolaj sabay bigay ng matalim na tingin sa anak.

Nanlaki ang mga mata ni Miko at napatawa. "Ma, ang lawak ng imahinasyon mo. Kasalanan bang maging single? Kasalanan ko bang ayaw ko sa mga lalaki na ganda lang ang habol sa akin. Alam mo naman iyon 'di ba?" tanong rin ni Miko sa ina.

Hindi sa pagmamayabang, talaga namang maganda si Miko. Maputi at makinis ang balat, natural at mapupula at hugis puso na labi ang mayroon siya, at saka mahaba rin at makapal ang kan'yang mga pilikmata. Balingkinitan ang katawan at maliit ang mukha, marami ang nagsasabi na mukha siyang manika kaya hindi na nagkakapagtaka na sikat siya sa kan'yang pinapasukan noon. Hanggang ngayon ay maraming umaaligid sa kan'ya ngunit nang makilala nila si Miko ng lubos ay agad rin ang mga itong nagba-back out.

Dahil sa kabila ng kan'yang kagandahan, ibang-iba ang ugali nito kaysa sa labas nitong pang-anyo.

Miko was a bit of a rebel, brave, strong-willed, and bold. A big contrast to her appearance na maamo at isang tingin mo palang ay kailangan mong protektahan. Parang anghel 'pag nakatikom ang bibig pero parang naghahamon ng away kung maka-asta 'pag nagsimula nang magsalita.

Some of her suitors were turned off by this side of hers, those boys tend to love something that will submit to them and someone like Mikolaj who's a fighter and very outspoken, hindi nila iyon gusto.

Even mga kamag-anak nila noon, they told Claire na masiyadong magaspang si Miko kumilos na hindi naman bagay sa isang babae at mayaman na katulad nila ang umasta ng ganoon. It was from when they were rich bago pa man na-bankcrupt ang business ng mga magulang ni Mikolaj.

After they lose everything mas lumala ang panghuhusga ng kanilang kamag-anak at ipinagtabuyan na sila.

Wala namang paki-alam si Claire noon, after all Miko's behavior was not that aggressive and troublesome. Marunong itong lumugar at may paninindigan din. Pinalaki nila ang anak nila na maging matapang at marunong lumaban para pagdating ng panahon hindi ito agad sumuko o umatras sa ano mang problema.

Kahit si Marlon ay supportive rin sa lahat ng gagawin ni Mikolaj basta't alam nito kung ano ang tama at mali.

"Claire, stop that. Pabayaan mo na ang anak natin. Alam mo naman ang sitwasyon ni Miko, 'di ba? Let her decide her own life, alam ng anak mo ang gagawin niya. Just let her be, don't rush her," biglang singit ni Marlon at tumingin sa anak.

Napangiti si Mikolaj sa ama. Her father would always be her supporter and ally. Kaya mahal na mahal niya ang ama. Sa katunayan ay mas paborito niya ang ama kaysa sa kan'yang ina pero hindi niya pwede sabihin 'yon kasi baka mabugbog siya ng sariling ina 'pag nalaman nito. Pero siyempre, pareho niyang mahal ang mga magulang niya.

Sinita ni Claire si Mikolaj. "Alam ko 'yang tingin ag ngiti na 'yan, Miko. Kaya nasasanay 'tong anak mo Marlon kasi kinukunsente mo eh. Hindi niyo alam nararamdaman ko," padabog na sabi ni Claire.

Inakbayan ni Miko ang ina. "Ma, h'wag kang mag-alala. Darating din tayo d'yan, okay? Sadyang wala pa talaga akong nakakakilalang lalaki na karapat-dapat maging kabiyak ko," sabi niya.

 

Napabugtong hininga si Claire at sumuko. "Ewan ko sa'yong bata ka."

Pagkatapos ng usapang iyon ay agad ring umuwi si Mikolaj at si Madison sa kanilang apartment. Humiwalay sila sa mga magulang ni Miko dahil malayo ito sa paaralan ni Madison at sa pinagtratrabahuan ni Miko. Para iwas na rin sa dagdag gastos ay maka-save sa oras ay naisipan ni Miko na bumukod sa mga ito.

"Mom, will you get married to Tito Liam?" biglang tanong ni Madison nang makauwi na sila sa apartment.

Napahinto si Miko at napatingin sa anak. "Of course hindi, anak. Paano mo naman iyon natanong?"

"Siyempre I heard you and lola talking about Marriage. I like Tito Liam but not as a daddy. Friends lang naman kayo 'di ba, Mom?" tanong ulit ni Madison sa mom niya.

Lumambot ang puso ni Mikolaj habang tumitingin kay Madison. Naaaliw siya dahil naka-cross pa ang mga braso nito sa dibdib at seryosong tumingin sa kan'ya. Napatawa siya at napa-upo sa sofa.

Mikolaj teased her daughter. "Hindi natin alam. Baka kami nga ang magkatuluyan. Ayaw mo ba ng daddy?" tanong niya sa anak.

Napasimangot si Madison sa ina. Her chubby cheek bulged as she pouted cutely. “Mommy, I only like him as a Tito but not as a daddy.” Napataas ito ng kamay at malakas na inanunsyo, “Ako nalang manghahanap ng daddy, mommy. Don’t worry, I’ll find you the best and handsome daddy ever! ‘Yung mayaman tas macho!”

Tuluyan ng tumawa si Mikolaj at nag-thumbs up. Her eyes twinkled as she watched her daughter run off somewhere.

Day off ni Mikolaj kinabukasan. Ngunit imbes na gumala sila ng anak ay nasa apartment lang sila kasi nagsimula na siyang mag-trabaho sa project niya sa D.C. 

“Oh, tapos? Bakit hindi ka nalang kasi magpakasal. Hindi ba may something sa inyo ni Liam? Why don’t you try asking him?” suhestiyon ni Rhubarb kay Mikolaj habang nakahiga sa kama nito at nagce-cellphone.

Mikolaj rolled her eyes and put her stylus pen down in the table. “Walang something sa amin ni Liam, okay. He’s my childhood friend that’s all, at saka kung mayroon man ewan ko nalang.

Wala namang ginagawa ‘yung tao na nakapagbigay sa akin ng motibo na may something talaga.” Diing tanggi niya sa kaibigan.

“Hoy, anong wala?” Malakas na hiyaw ni Rhubard kay Mikolaj at napabalikwas ng bangon. 

“Alam mo, kulang ka sa feels eh. Ako nga ramdam ko ‘yung nginig ng damdamin ni Liam sa’yo. Paano ba naman, minsan hatid sundo ka sa trabaho tapos ‘pag naglalasing ka nandiyan siya palagi para kunin ka. Pinapasyal niya kayo ni Madison tapos minsan din binibigyan ka ng pagkain at bulaklak. Ano ‘yon? Kaibigan lang?”

Napatigil si Mikolaj at napa-isip. Oo nga, kahit anong gawin niyang pagde-deny ay para ngang may pagtingin ito sa kan’ya. Ngunit wala rin naman itong sinasabi, but kung dumating man ‘yung panahon na aamin nga itong may feelings nga ito sa kan’ya, hindi rin siya sure kung matatanggap niya since she also put her daughter's thoughts into consideration about this.

Kung hindi gusto ni Madison then it will really take a lot of time. Kasi kung tatanungin si Mikolaj, she would accept Liam's feelings if ever. She had known him for years, she trusted him enough and he was her childhood friend.

Napahilot si Mikolaj sa kan’yang sintido at inalis nalang ito sa kan’yang isipan. Bakit ba niya pro-problemahin, hindi naman ito nangyayari.

“H’wag na nga nating pag-usapan ‘yan ang dami ko pang gagawin. By the way, bakit ka nandito babae?” mataray na sabi ni Mikolaj at iniwasan nang dagdagan ang iisipin sa pagitan nila ni Liam.

“Binibisita lang kita, kapit bahay naman tayo. At saka hinatid ko rin 'yung birthday gift ko sa'yo, ano ba! By the way, may chika ako,” sagot ni Rhubarb sabay lapit sa kan’ya.

“Barb, ayokong malaman 'yan. Baka ano namang drama ‘yan madamay pa ako. Ayokong makichismis, okay? Sakto na ‘yong si Teresa nakapag-asawa ng sundalo tapos may apat na palang anak sa labas.” Pagtanggi ni Mikolaj kay Rhubard at binalik ang atensyon sa ginagawa.

“Hindi promise, maganda ‘to okay? Naalala mo si Jona, ‘yung katrabaho natin noon na nag-resign dahil mag-aasawa na daw siya ng mayaman? Ay nako, it turns out matanda na pala ‘yung mayaman tapos may asawa na! Jusko, naging kabit ang ferson, ayon kinaladkad siya hanggang sa kabilang barangay ng asawa.” Excited na pagbabalita ni Rhubarb kay Mikolaj.

"Oh my gosh, Barb! I don't want to know that okay? Akala ko ba walang sabit 'yung mayaman. Hindi ba 'yon ang sabi ni Jona dati sa atin?" na-cu-curious niyang tanong.

Bago pa man makasagot si Rhubard ay may narinig silang sigaw sa labas.

"Ate Miko! Ate Miko! Si Adi po kinikidnap!" sigaw ni Joshua, 'yung kalaro at classmate ni Madison na kasing edad rin niya.

"Ano?" Malakas na hiyaw ni Mikolaj at agad na tumalima.

Dahil malapit lang ang pampublikong park sa kanila pinapayagan lang ni Mikolaj si Madison na maglaro siya kasama ang mga batang kapitbahay basta may curfew at maraming kasama. Since may nagbabantay rin doon sa park kaya kampante lang si Mikolaj na payagan si Madison na maglaro roon kasama ang mga kaibigan.

The same as today, pinayagan niya ito ngunit hindi niya inasahan na ganito ang mangyayari.

When Mikolaj got there, nakita na lang niya ang lalaki na karga-karga ang kan'yang anak. Nandilim ang kan'yang mga mata at agad na kinuha ang kan'yang tsinelas na suot at ibinato iyon sa lalaki.

"Bitawan mo anak ko, Kidnapper! Kidnapper!" sigaw niya at patuloy pa rin sa paglapit. Nang malapit na siya sa lalaki ay hinubad niya ang isang tsinelas niyang suot at ginamit iyon para ipagpapalo sa lalaki.

"Wait—Miko." sabi ng lalaki ngunit parang walang narinig si Mikolaj at patuloy parin sa pagpapalo.

"I said, let go of my daughter! Kidnapper ka!" sigaw ni Mikolaj.

For some reason hindi nagpumiglas ang lalaki at hinayaan lang siya nitong paghahampasin ito ng tsinelas. Napahinto lamang si Mikolaj nang bigla nang tumili si Madison para pigilan siya.

"Mommy, you are hurting Uncle Asher oh. He's good po, why are you hitting him? Binilhan niya nga po ako ng ice cream look," sabi ni Madison sabay pakita ng ice cream na kan'yang hawak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status