Share

Chapter 5

"Sige lang magsalita ka at huwag mong isipin na narito ako." dagdag pa ni Stanley.

Nahihiya man si Serenity pero mayroong bahagi sa dibdib niya ang nakaramdam ng tuwa dahil sa kauna unahang pagkakataon may isang taong handang makinig sa kanyang hinanaing. Muli siyang tumingala sa langit at hinayaan ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

"Nahihirapan na kasi ako, pero ayokong ipakita kay mama at sa mga kapatid ko. Ayaw kong makita nila na mahina ako dahil alam kong sa akin lamang sila umaasa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa edad kong ito ay kailangan kong pagdaanan ang hirap ng buhay. Bakit yung ibang kasing edad ko ay malayang nakapag lalaro at nakapag aaral ng walang hirap samantalang ako eto nalilito kung bakit ganito ang sitwasyon ng buhay namin." patuloy siyang nagsalita habang si Stanley ay nakikinig lamang sa tabihan niya. "Alam mo bang ilang beses ko ng hiniling na sana mamatay nalang ako, nang saganuong paraan ay hindi ko na maranasan ang hirap na pinag dadaanan namin. Nasasaktan akong makita si mama na umiiyak araw araw, at lalong nasasaktan ako sa tuwing makikita ko ang mga kapatid ko na umiiyak dahil walang mailaman sa tiyan. Kelan pa kami makakaahon sa edad kong ito wala naman tatanggap sa akin  kahit maghanap ako ng maghanap ng trabaho." muli niyang pinahid ang mga luha niya.

"Huwag kang mag alala mula ngayon, pangako ko saiyo tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Maghahanap na ako ng trabaho para kahit papaano ay maabutan kita ng pangbaon mo." bukal sa pusong sabi ni Stanley sa kanya.

"Huwag mong angkinin ang responsibilidad na hindi sayo at lalong huwag kang mangako dahil ayokon g umasa baka gaya ng papa ko ay mapako lamang lahat ng pangako mo." natatawang pabulong nasabi ni Serenity.

"Hindi ako katulad ng papa mo, tumutupad ako sa pangako at sisimulan ko ngayon. Diyan ka lamang ha may kukunin ako." at nagmamadali itong pumsok sa bahay nila paglabas nito ay may malaking plastik bag na dala at dalawang tasa. "Inumin mo yan para mainitan ang sikmura mo gatas yan para makabawi ka ng lakas." sabay abot ng tasa ng tinimplang gatas. 

"Salamat kuya ha kasi kahit na lagi kitang inaaway at sinisigawan ay lagi mo parin akong tinutulungan. Tama nga si ate Annah isip bata ka pero mabait ka naman." natatawang hinigop nito ang mainit na gatas.

"Itong mga ito pinamili ko kanina diyan sa grocery store sa labasan kasi nabanggit ni mama na may sakit ka kaya pala hindi kita nakikita. Kainin ninyo ng mga kapatid mo may mga noodles yan at biscuit may gatas at kape rin bukas ay ibibili kita ng bigas pang saing at pang ulam." sabi nito habang iniaabot ang plastic bag na punong puno sa dalagita.

"Ang dami naman nito wala naman akong ibabayad sayo eh." 

"Hindi ako naniningil ipangako mo lang na mag aaral ka at mabubuhay bilang isang normal na bata."

"Baka stock ito ni tita Gina at kinulimbat mo ha." tumatawang nilakihan pa ni Serenity ng mata si Stanley habang sinasabi iyon.

"Ho! mahiya ka naman pinagbibintangan mo agad ako. Ipon kmo ang pinamili ko niyan may allowance kaming magkakapatid every two weeks ibinibigay ni mama ang pera namin. Saka sabi ko naman sayo dib maghahanap ako ng trabaho para makatulong sayo."

"Pero bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

"Anong bakit? Ayaw mo bang tulungan kita, malay mo ako yung pinadalang angel ni God para sayo." nakangusong sagot niya rito.

"Muling nangilid ang luha ni Serenity. Salamat ha kuya, hindi dahil sa binigyan mo ko nito. Salamat kasi ngayon lang may nakinig sa mga sama ng loob ko at sana hindi mo ko i-chismis bukas." umiiyak ngunit nakatawang wika pa nito.

Natawa rin si Stanley sa winika ng dalagita. "Pwede ba huwag mo na akong tataray ha at para sa kaalaman mo hindi ako si Marites para ipagkalat ang secret mo. At isa pa huwag mo kong tawaging kuya hindi namn tayo magkaano ano eh." 

"Eh anong itatawag ko sayo? Nakakahiya namang  tawagin ka sa pangalan napaka walang galang ko naman pag ganoon." kunwaring nag iisip pa ito.

"Mula ngayon mag bestfriend na tayo ha, kahit anong itawag mo sa akin huwag lamang kuya nakaka asiwang marinig mula sa mataray na bata at mortal kong kaaway bigla akong igagalang at tatawaging kuya."

"Bestftriend talaga eh ang tanda mo na bata pa ako eh." angal nito.

"Aba't bakit pwede namang maging mag kaibigan ang bata at matanda ah."

"Sige na nga dahil bestfriend na kita ang itatawag ko saiyo ay 'ENEMY' hahaha." at tumawa ito sa unang pagkakataon ay nakita ni Stanley ang tuwa sa mga mata nito.

At wala na siyang pakialam kahit anong itawag nito sa kanya dahil ang mahalaga sa kanya sa ngayon ay nakapag pasaya siya. Masyado pang bata ang isipan at puso ni Serenity kaya naaawa siya dahil pinagdaraanan nito ang mga pangyayari sa buhay nito na nagiging dahilan upang panghinaan ito ng loob.

Dumaan ang mga araw at tinupad niya ang mga pangako rito, hindi siya pinayagan ng ina at ama niya upang magtrabaho dahil minorde eded parin naman siya kaya napilitan siyang bumalik sa pag aaral. Ngunit hindi na siya bumalik sa Maynila, ang pagiging gastador rin niya ay naiwasan niya dahil inaalala niya lagi ang pangangailangan ni Sirenity. Pag may pagkakataon at inihhatid niya ito sa school bago siya papasok sa inibersidad kung saan siya nag aaral sa ngayon. 

Naaalala pa ni Stanley ng sumapit ang ikalabindalawang taong kaarawanan nito katulong ang mama niya at kapatid na si Savannah ay sinorpresa nila ito ng kaunting handa. Umiyak ito ng umiyak habang nakayakap sa kanya.  Malaki rin ang naging improvement niya sa pag aaral dahil naging pursigido siya.

"Malaking tulong saiyo ang dalagita sa kabila ano?" biglang usal ng kanyang ama na ikinagulat niya.

"Paano mo naman nasabi yan Pa?" tanong niya rito habang nagbabasa ng libro.

"Natutuwa ako dahil sa mga kuwento ng mama mo, naging responsableng kapatid ka raw sa mga kapatid mo at ang batang lagi mong pinaiiyak at inaasar ay tinutulungan mo para makapag aral.  Mula rin ng maging magkasundo kayo ng batang iyon naging matured kana. Gusto ko tuloy siyang pasalamatan dahil mukhang bata lamang ang magpapatino sa iyo." seryoso ngunit natatawa pa ang ama niya.

"Look Papa, naaawa talaga ako sa kanya kung naririnig mo lang gabi gabi yung mga hinaing niya habang nakatingala sa langit at umiiyak baka kahit bato ang puso mo ay matunaw eh." 

"Well I guest I need to thank her nga, dahil ang puso mong walang kasing tigas ay napalambot niya."

"Okay then you can buy her a thank you gift." sabi niya rito habang tumatawa.

"Sige sa palagay mo anong bibilhin ko sa kanya na magugustuhan niya." tyanong ng papa niya.

"A Diary, because I know she needs it. Simula kasi nung malaman niya na pinakikinggan ko siya na nakikipag usap sa mga bituin ay hindi na niya muling ginawa at least sa diary ay maisusulat niya ang saloobin niya ng hindi maririnig nino man." nakangiti niyang suhestyon sa ama niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status