Masaya silang nakarating sa paaralan kung saan idaraos ang pagtatapos sa sekondarya ni Serenity. Nakapagtapos siyang may gintong medalya sapagkatnsiya ang nangunguna sa kanilang klase. Mababakas ang saya sa kanyang mukha dahil kasama niya ang lalaking lihim na minamahal."Ang galing galing ng ate ninyo diba kaya yan ang manahin ninyong dalawa ha." sabi pa nito sa mga kapatid ni Serenity."Opo kuya." sabay namang tugon ng mga kapatid ni Seren.Nangmatapos ang graduation ay tumuloy sila sa isang restaurant at duon nag celebrate."Anong plano mo ngayon? Saan ka mag ka college?" tanong ni Stanley habang nag babalat ng malalaking sugpo at inilalagay sa pinggan ni Serenity."Bakit kailangan pang mag aral ni ate ng college eh pwede namang hindi na dahil mag aasawa narin naman kayong dalawa diba kuya." sabat ni Renilyn kaya naman naibuga ni Stanley ang laman ng kanyang bibig at nagmamadaling tumakbo sa cr upang ayusin ang sarili."Ano bang pinag sasasabi mo diyan Ren ha?" kunwaring galit na t
"Who's this?" tanong ni Stanley sa kabilang linya. Hindi naman umaalis si Serenity at tila ba nakikinig ng biglang may babaeng naglambitin sa leeg nito at basta na lamang ito humalik rito. Gulat na gulat naman si Serenity at bahagya pang napaurong."Oh My God! It's really you! I missed you so much finally after a long time you came back." ani Stanley na hindi mawaglit ang tingin sa kababatang si Camella. Napakaganda nito at napaka sexy hapit na hapit ang suot nitong dress na nagpalitaw sa hubog ng katawan nito. Tila naman nakalimutan na ni Stanley si Serenity at inakay na ang kababata papasok sa kanilang bahay. Tila napahiya naman sa sarili niya si Serenity kaya minabuti nalamang niyang dumiretso papasok ng bahay niya at saka dumiretso sa cr upang maghilamos ng tumunig ang cellphone niya, tiningnan niya kung sino ang natawag sa screen nito at napangiti siya ng makitang ang kaklase niyang si Amara.Agad niya itong sinagot. "Hello Amara?" bungad niya dito."Beshy tara dito dali mag pa
Kumakanta at sumasyaw na si Serenity kasama ng mga kaklase at ng mga barkada ni Drake. Para silang nasa diskuhan na sayaw dito at hiyaw duon ng bigla nalamang siyang natigilan dahil hinila siya ni Drake sa beywang niya at saka inilapit sa katawan nito saka ng sasayaw. Itinulak niya ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito at amoy na amoy na niya ang alak sa hininga nito na halos usang dangkal nalamang ang layo sa kanyang mukha."D--Drake a--ano ba bitawan mo ko!" sigaw niya na umagaw ng atensyon sa iba nilang kasamahan na nag kakasiyahan."Drake pare, lasing ka na wala namang bastusan." pigil dito ng isang kaklase ni Serenity."Eh bakit ba na ngingialam ka eh kursunada ko eto eh." sigaw ni Drake na itinulak pa ang lalaking kakalapit lamang."Eh sira ulo ka pala eh anong palagay mo kay Serenity?" pasigaw na tanong ni Amara."Eh magkano ba ang kailangan mo Serenity para mag hubad ka sa harapan ko? Eh di ba nagllantad ka ng katawan para manalo sa pageant eh di babayaran nalamang kita pa
"Aray! Ano ba bulag ka ba?" sigaw ni Stanley matapos siyang mabunggo ng isang dalagita. Napakarami nitong buhat at sa tingin niya ay masmabigat pa sa sariling timbang nito ang mga daladalahan nito."Sorry na hindi ko kasi kita ang daan, hindi mo ba nakikita na ang dami kong dala tapos sa daan kapa na ka harang." sagot naman ni Serenity na bakas sa mukha ng inis at pagod."Sa liit mo naman kasing iyan hindi ka dapat nagbubuhat ng masmabigat pa saiyo. Akin na nga ang iba at tutulungan na kita." inagaw ni Stanley ang ibang daladala ng dalagita wala naman itong angal ng kinuha niya iyon dahil narin siguro sa nabibigatan na nga ito."Tutulong nalang dami pang sermon." bulong pa nito habang iniaabot ang ibang kahon kay Stanley."Saan ba ang dala ng mga ito?" tanong nito na kunot ang noo."Diyan lang sa apartment ni Tita Gina, duon sa padalwa sa harap." sagot ni Serenity at nanguna na sa paglalakad. Malapit lamang ang apartment kaya naman saglit lamang silang naglakad. Agad na ibinaba ni St
Pakagat na ang dilim ng makabalik ang mag iina sa bagong apartment na inuupahan nila. "Mama, maupo ka muna magsasaing lang po ako." at iniabot ni Serenity ang upuan sa ina. "Kayong dalawa naman ay magsiligo na dahil amoy suka na kayo hala na pasok sa banyo." utos niya sa dalawang nakababatang kapatid.Satuwing may makakakita kay Serenity ay walang mag akala na siya ay mag lalabindalawang taong gulang palamang dahil isa siyang batang responsable, hindi na niya kinakailangan pang utusan dahil alam na alam na niya ang dapat gawin sa araw araw. Mahirap man ang naging buhay nila ay hindi niya nagawang magalit sa ina dahil alam niyang nuong maliliit pa sila ay mag isa itong nagtaguyod sa kanilang tatlo. Isa nga lamang ang pinagtalunan nila nito at yun ay nagng magpasya itong sumama sa step father nila. Mabait naman ito nuong una at naibibigay ang pangangailangan nila. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay tumatamad ito nagiging mainitin ang ulo palagi nalamang silang sinisigawan lalo na ng nagd
Nang makarating sa gate ay binalingan ni Serenity ang binata. "Dito na ako salamat sa pagbili ng ulam at salamat sa paghatid." wika niya sa mababang tinig at nakayuko. "A--anong hatid? Hoi! Para sabihin ko saiyo tagarito ako ano? Hwag mong sabihing tagarito karin?" takang tanong pa ni Stanley rito. "O---Oo diyan kami sa gitna." sagot niya at napalingon ng marinig ang malaks na sigaw ng tito niya. "Serenity! ano bat nakikipag chismisan ka pa riyan gabi na at gutom na gutom na ako hindi ka pa nakakapag luto!" sigaw nitong halata ang galit sa mukha. Hindi na nilingon ni Serenity ang binatang kausap bagkus ay npaika ika siyang tumakbo patungo sa loob ng bahay upang magluto. Nakaramdam naman ng awa si Stanley, para sa kanya ay masyado pang bata si Serenity bakit kailangang ito pa ang maghanda ng hapunan. Pailing iling siyang pumasok sa bahay nila. "Napaano naman iyang tuhod mong bata ka?" tanong ng ina ni Serenity. "Nadapa lang ito mama, huwag kapong mag alala at ayos lang ako hindi
Malalaki ang hakbang na sumunod agad si Serenity sa binatang may dala ng mga labahin niya."Bakit mo ba ako laging sinisermunan tapos sa huli tutulong kadin naman." mataray na tanong niya rito."Alam mo bata naaawa lang ako saiyo kaya kita tinulungan kita mo pilay ka pa.""Hindi bata ang pangalan ko at hindi na ako bata ha malaki na ako!." "Stanley" at inilahad nito ang kamay matapos ibaba ang batya sa lapag.Tinitigan naman ito ni Serenity parang nagtatanong ang kanyang mga mata at madali naman iyong naintindihan ng kaharap."Stanley ang pangalan ko, ikaw anong pangalan mo?" "Serenity, siguro ikaw yung kuya nung cute na lalaki teka ano nga bang pangalan noon" tila nag iisip na napatingin sa itaas na wika ni Serenity."Kapatid na bunso yun si Simon, cute na iyon para saiyo? Eh ano pa ako gwapo?" natatawang tanong niyansa dalagita na tila naman masusuka ang itsura habang nakatingin sa kanya."Alam mo kuya, umuwi ka na at ng maumpisahan ko na iyang labahin hindi ka pa ata nag aalmusal
"Sige lang magsalita ka at huwag mong isipin na narito ako." dagdag pa ni Stanley.Nahihiya man si Serenity pero mayroong bahagi sa dibdib niya ang nakaramdam ng tuwa dahil sa kauna unahang pagkakataon may isang taong handang makinig sa kanyang hinanaing. Muli siyang tumingala sa langit at hinayaan ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya."Nahihirapan na kasi ako, pero ayokong ipakita kay mama at sa mga kapatid ko. Ayaw kong makita nila na mahina ako dahil alam kong sa akin lamang sila umaasa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa edad kong ito ay kailangan kong pagdaanan ang hirap ng buhay. Bakit yung ibang kasing edad ko ay malayang nakapag lalaro at nakapag aaral ng walang hirap samantalang ako eto nalilito kung bakit ganito ang sitwasyon ng buhay namin." patuloy siyang nagsalita habang si Stanley ay nakikinig lamang sa tabihan niya. "Alam mo bang ilang beses ko ng hiniling na sana mamatay nalang ako, nang saganuong paraan ay hindi ko na maranasan ang hirap na pinag dadaanan namin.