Share

Chapter 3

Nang makarating sa gate ay binalingan ni Serenity ang binata. "Dito na ako salamat sa pagbili ng ulam at salamat sa paghatid." wika niya sa mababang tinig at nakayuko.

"A--anong hatid? Hoi! Para sabihin ko saiyo tagarito ako ano? Hwag mong sabihing tagarito karin?" takang tanong pa ni Stanley rito.

"O---Oo diyan kami sa gitna." sagot niya at napalingon ng marinig ang malaks na sigaw ng tito niya.

"Serenity! ano bat nakikipag chismisan ka pa riyan gabi na at gutom na gutom na ako hindi ka pa nakakapag luto!" sigaw nitong halata ang galit sa mukha.

Hindi na nilingon ni Serenity ang binatang kausap bagkus ay npaika ika siyang tumakbo patungo sa loob ng bahay upang magluto.

Nakaramdam naman ng awa si Stanley, para sa kanya ay masyado pang bata si Serenity bakit kailangang ito pa ang maghanda ng hapunan. Pailing iling siyang pumasok sa bahay nila.

"Napaano naman iyang tuhod mong bata ka?" tanong ng ina ni Serenity.

"Nadapa lang ito mama, huwag kapong mag alala at ayos lang ako hindi naman masakit." naluluhang sagot niya sa ina. dahil lingid sa kaalaman ng ina ay hindi lamang basta masakit ang sugat niya kung hindi masakit rin ang dibdib niya dahil napatama ito sa batong nakausbong sa kalsada. Ayaw lamang talaga ni Serenity na nag aalala ang ina kaya ayaw niyang ipahalata.

Magkakasalo silang kumain ng hapunan at gaya ng dati ay naiwan nanaman si Serenity sa lamesa upang ligpitin ang mga iyon. Matapos mag hugas ng kinainan ay nagwalis naman siya ng sahig bat naglatag ng tutulugan nilang magkakapatid. Dahil iisa ang silid ng apartment na iyon at ayaw ng tito nila na kasama sila sa kwarto kaya naman sa sala namang siya naglatag. Pinatulog niya ang mga kapatid bago nag disisyong lumabas sa terrace nila at naupo siya sa upuang semento sumandal siya dingding nitong samentado din na siyang nagsisilbing dibisyon ng mga terrace ng apartment.

Wala sa sariling tumingala siya sa kalangitan at saka tila nakipag usap sa mga bituin.

"Mabuti pa kayong mga bituin kahit madilim ay makikitang masaya sa pamamagitan ng inyong mga kislap. Sana naging isa nalamang ako sa inyo, hindi ko kasi alam kung bakit sa batang edad kong ito ay para nakong pinagdamutan ng kabataan. Mahal ko ang mama at mga kapatid ko pero napapagod rin ako ngunit bakit parang walang nakakakita nuon. Walang nagtatanong kung pagod na ako, sana balang araw malampasan ko ang lahat ng ito. Alang alang sa mga kapayid ko kakayanin ko ang lahat. Sige na mga mahal kong bituin kailangan ko pang magpahinga dahil bukas ay panibagong hamon ng buhay nanaman ang kailangan kong harapin bukas ulit ha, huwag kayong masasawa sa mga hinaing ko." pumasok siya sa bahay at isinara ang pintuan saka tumabi sa mga kapatid niya at nagpahinga.

Lingid sa kaalaman ni Serenity ay nakaupo rin sa likuran niya ang binatang tumulong sa kanya kanina at rinig na rinig nito ang mga sinabi niya.

"Nakakaawang bata naman ito akala ko ako na ang may pinaka malalang problema sa mundo mas malala pa pala siya." bulong niya sa isip at saka pumasok na muli sa bahay at natulog.

Kinabukasan ay maagang nagising si Stanley dahil sa mga tinig na nag uusap sa terrace nila.

"Tama na iyan Serenity, halika rito at inumin mo itong milo na tinimpla ko para saiyo." rinig ni Stanley ang pagtawag ng kanyang ina sa pangalan ng dalagitang tinulungan niya kagabi. Marahan siyang dumungaw sa bintana at nakita niya ang pawisang si Serenity na nagwawalis ng harapan nila.

"Naku salamat po tita Gina nakapag kape na po ako eh." sagot nito na sige sa pagwawalis.

"Sige na at walang iinom nito." pilit ng mama ni Stanley.

"EH tita pwede ko po bang iuwi nalamang iyan ipapainom ko nalamang po sa dalawa kong kapatid." nahihiyang sabi niya rito.

"Oo naman halika, ito o iuwi mo na muna habang mainit pa." abot nito sa tasa. "Ito pang pandesal ipakain mo sa mga kapatid mo. Ikaw na bata ka talaga inuuna mo talaga ang mga kapatid mo kesa sa sarili mo." at bahagya pang ginulo ni tita Gina ang buhok ni Serenity.

Agad namang nagpasalamat si Serenity rito at nagmamadaling umuwi. Nakaalis na ang tito nila na walang iniwanang pera kaya naman wala silang pambili ng almusal o kung sasamain ay maghapon silang hindi kakain dahil aantayin pa nila ang paguwi nito sa gabi.

Samantalang sa kabilang bahay ay masaganang kumakain sina Stanley ng almusal. Hindi niya naiwasang mag usisa sa ina.

"Ma, yung batang binigyan mo ng almusal kanina bagong naupa ba diyan sa kabila?" tanong niya sa ina.

"Oo, matagal ko ng kilala ang mag iinang iyon dahil mula sa dati nilang tinitirhan sa kabilang subdibisyon ay nakaaabot sila rito pag lalako ng kakanin. Pinalayas sila sa tirahan nila dahil apat na buwan ng hindi nakakabayad naawa naman ako kaya kahit kulang ang pangbayad nila ay tinanggap mo na sila. Nangako rin naman sila na sila na ang mag lalaba at maglilinis ng paligid para sa atin kesa bumayad pa tayo sa iba eh pumayag na ako at least nakatulong ako sa kanila nakakaawa kasi talaga ang kalalagayan ng mag iina. Gaya ngayon kwento ni Serenity ay umalis ang tiyuhin niya ng walang iniwanan kahit piso kaya alam kong nag sisinungaling siya ng sinabi niyang nag almusal na siya eh." kwento ng ina niya.

"Hindi ba siya pumapasok Lunes ngayon ah?"

"Mas malimit pa ang pagliban ng batang iyon kesa pag pasok kita mo na ngang walang makain eh maipamasahe pa ba pagpasok sa paaralan. Kaya magpasalamat kayo kasi kahit minsan hindi ninyo naranasan ang hirap na dinaranas nila. Sige na tapusin mo na yang pagkain mo at mamamalengke muna ako." sabi pa nito na tuluyan ng tumayo upang maghanda sa pamamalengke.

"Tita Gina, nasan na po ang mga labahin ninyo at ng maumpisahan ko na habang maaga sayang po kasi ang sikat ng araw eh." salubong rito ng nakangiting si Serenity.

"Nasa banyo ineng, naka handa na iyon pati ang mga sabon naroon din ang pagpapaandar ng washing machine ay naituro ko na saiyo kanina kung may nakalimutan ka itanong mo nalang sa aking anak na dyan lamang sila sa loob."

"Sige po!" at pumasok na si Serenity sa kabahayan ni Tita Gina. Kumatok siya sa banyo at walang tumugon kaya naman kinuha na niya ang mga maruruming damit na lalabhan niya. Bitbit ang malaking palanggana na puno ng maruruming damit ay lumabas siya ng banyo at muntik nanaman siyang nakabangga kung hindi kito naiwas.

"HIindi ba sinabihan na kitang huwag mag bubuhat ng mabigat pa sa timbang mo kaya ka nadidisgrasya eh. Akin nga yan." At kinuha nito ang dala niyang batya at dirediretsong dinala iyon sa isang bahagi ng compound nila kung saan duon nag lalaba at nag sasampay ang lahat ng naupa sa apartment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status