Share

Chapter 2

Pakagat na ang dilim ng makabalik ang mag iina sa bagong apartment na inuupahan nila.  

"Mama, maupo ka muna magsasaing lang po ako." at iniabot ni Serenity ang upuan sa ina. "Kayong dalawa naman ay magsiligo na dahil amoy suka na kayo hala na pasok sa banyo." utos niya sa dalawang nakababatang kapatid.

Satuwing may makakakita kay Serenity ay walang mag akala na siya ay mag lalabindalawang taong gulang palamang dahil isa siyang batang responsable, hindi na niya kinakailangan pang utusan dahil alam na alam na niya ang dapat gawin sa araw araw. Mahirap man ang naging buhay nila ay hindi niya nagawang magalit sa ina dahil alam niyang nuong maliliit pa sila ay mag isa itong nagtaguyod sa kanilang tatlo. Isa nga lamang ang pinagtalunan nila nito at yun ay nagng magpasya itong sumama sa step father nila. Mabait naman ito nuong una at naibibigay ang pangangailangan nila. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay tumatamad ito nagiging mainitin ang ulo palagi nalamang silang sinisigawan lalo na ng nagdalang tao ang kanyang ina halos araw araw kung pagsalitaan sila nito ng hindi maganda. Ang masama pa sa harapan ng kanilang ina ay ayos na ayos ang pakitungo nito sa kanila ngunit pagtalikod nito ay pingot sa tainga at pamamato ng ibat ibang bagay ang natatanggap nila. Ayaw ni Serenity ng nasasaktan ang mga kapatid niya kaya naman lahat ng gawaing bahay ay pinipilit niyang kayaning mag isa. Nasa ika anim na baitang pa lamang siya ngunit nanganganib na nahindi makapagpatuloy dahil napakalayo ng paaralan sa bahay nila. Kung minsan ay nilalakad niya ito inaabot ng halos isang oras bago siya makarating sa paaralan. Maunawain naman ang kanilang maestra ngunit di maiiwasan na bully-hin siya ng mga kamag aaral dahil sa kanyang suot. Wala siyang uniporme bumili lamang sila sa ukay ng isang t-shirt na kulay puti ngunit manipis na at marumi na ang pagka puti. Ang palda naman niya ay regalo ng kapit bahay nila noong kaarawan niya ng ika labing isang taon. Malayo ang kulay nito at itsura sa uniform na kailangan niya ngunit dahil walang wala ay ito ang ginagamit niya upang may maisuot lamang.

"Anong makakain diyan?" bungad ng lasing niyang step father sa kanila.

"Nagsasaing pa po ako tito, may pambili po ba kayong pang ulam?" sagot niya sa ama-in.

"Heto ang singkuwenta pesos ibili mo ng sardinas at misua sabawan mo ng marami para magkasya sa atin." at iniabot nga nito ang limampung pisong puro bariya kay Serenity.

"Sige po, bibili na po ako." sagot nito sa ama-in bago tuluyang lumabas ng bahay. Madilim na at walang ilaw ang mga poste may kalayuan ang tindahan sa kanila. Nang makalabas ng gate si Serenity ay mabilis siyang tumakbo patungo sa tindahan ngunit bago paman makarating duon ay nabunggo siya sa isang tao at parang papel na nilipad siya sa gitna ng daan. 

Batuhan ang kalsada sa loob ng subdibisyon na tinitirhan nila dahil iilan palamang ang bahayn na mga nakatayo roon kaya rin madalang ang posteng may ilaw. 

"Arrrrrayyyyy....." napaiyak siya sa sobrang sakit ng pagkakatalsik niya agad siyang naupo at sinisipat sa kaunting liwanag na nagmumula sa buwan ang kanyang tuhod. Tama nga ang hinala niya sugat iyon at hindi lamang sugat dahil isang malaking sugat talaga at nag durugo. Takot siya sandugo kaya ganoon nalamang ang panginginig ng kanyang kalamnan.

"Anak ng------" inis na inis ngunit di naituloy ni Stanley ang sasabihin niya ng maaninag sa dilim ang dalagitang tinulungan niya kanina. Umiiyak ito nakaupo sa kalsada at nakatungo sa tuhod nito. Agad n iyang nilapitan ang dalagita. "May balat kaba sa pwet? Alam mo ng madilim eh tumatakbo ka pa nakaka dalawang beses ka ng nakakabangga ah!" galit na wika niya ngunit napalitan iyon ng pag aalala ng makitang tila nanginginig ang kaharap. Agad niyang sinilip ang tuhod nito at kumikinang sa tama ng liwanag ang dugo duon kaya naman agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa niya at yumuko siya upang talian ang tuhod nitong nagdurugo. "Kaunting sugat kainaman na ang iyak mo para kang bata! sa bagay sa liit mong yang bata kapa naman talaga hahaha."

"Paano mo nagagawang pag tawanan ako gayong kita mo ng nasaktan ako dahil saiyo?" tanong ng dalagitang masamang masama ang loob sa kaharap.

"Hoi! Bata ikaw ang naka bunggo sa akin at tinulungan na nga kita ikaw pa itong galit. Bahala ka nga diyan!" bulyaw nito at lumakad papalayo.

Agad tumayo si Serenity at paika ikang hinanap sa dilim ang mga baryang nagtalsikan paghindi niya nakita iyon ay tiyak na pagagalitan siya ng ama-in at wala silang uulamin. Dalawang dipa na ang layo ni Stanley sa dalagita ng nilingon niya ito. Tila ba may hinahanap ito sa dilim, naririnig parin niya ang mahinang pag singhot nito katunayan na talagang umiiyak ito at iika ika pa. Nakaramdam ng awa ang binata kaya naman binalikan niya ito.

"Ano bang hinahanap mo?" tanong niya rito.

"Sumabog yung barya ko sa kamay pambili ko yun ng ulam namin ngayong gabi. Kapaghindi ko iyon nakita malamang na hindi lamang mura ang abutin ko saamin baka mapalo pa ako ng tito ko, kaya kailangan ko iyong makita. Lumayas ka na dyan dahil natatakpan mo ang liwanag maslalo akong matatagalan sa paghahanap eh." umiiyak na sagot ng dalagita ngunit mababakas mo ang inis sa tono ng pananalita nito.

Agad namang nakaramdam ng awa si Stanley kaya naman hinila na niya sa kamay si Serenity. "Halika rito, ibibili na lang kita malabo mo ng makita yun at gabi na." 

"Huwag na magkakautang pa ako saiyo eh wala naman akong ibbayad!" pasigaw na sagot ng dalagita habang hinihila ang kamay niyang mahigpit na kapit kapit ni Stanley.

Binitiwan siya nito at tila nauubusan na ng pasensyang inilagay ang dalawang kamay sa beywang. "Hoi bata! napaka arte mo alam mo ba yun napipikon na ako saiyo. Ikaw na ang tinutulungan ikaw pa itong mataray. Alam mo bang nakakaabala ka nagmamadali ako pero binangga mo ako at ngayong tutulungan ka na eh ayaw mo pa." gigil na sabi niya rito.

"Wala nga ako ibabayad sayo." gigil ring sagot niya rito.

"Hindi naman kita sisingilin eh alam mo bang kung maghahanap ka sa dilim na ito ay maaaring bukas kapa makauwi at lalo kang malilint*kan sa inyo pag wala kang naiuwing pang ulam. Ano sasama kaba sa akin sa tindahan o hindi?"

"S----sasama na sasama na!"

Inabutan ni Stanley ng isang daan buo si Serenity ng makarating sa tindahan. Agad namang bumili ang dalagita ng isang sardinas at dalawang misua dalhil ayun lamang kasya sa limampung piso niya. Ibinalik niya ang sukling limapung pisa sa binata. At magkasabay silang naglakad pauwi ng walang imikan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status