Share

kabanata 3

Z POV

Papunta kami ng anak ko sa mall, simpleng damit lang ang suot ko. Naka jeans lang ako tapos tenernohan ko ng crop top na damit. Hindi rin ako mahilig sa make up Pero ang hindi maalis sa akin ay ang paborito ko.. ang red lipstick tanging yan lang talaga ang nilalagay ko sa mukha, hindi na ako gumagamit ng make up dahil wala naman akong dapat itago sa mukha ko.

"Mommy tapos na po ako" tawag sa akin ng aking anak. "Yes baby antayin mo nalang c mommy sa baba" sagot ko na agad namang sinunod ng aking anak.

Pagkababa ko ay agad ko ng tinungo ang sasakyan na nag aantay sa akin, nakita ko sa loob ang anak ko nahalatang excited at ang driver namin at ang katabi nito na yaya ng anak ko na si manang Bet. Agad na akong pumasok ng makaalis na kami.

Sa byahe natatawa nalang ako sa anak dahil kwento ito ng kwento tungkol sa school Niya sa mga friends Niya, natutuwa ako at napakaactive nito sa school lagi siyang lumalahok sa contest. Napakabata pa nito Pero proud na proud na ako sakanya.

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa mall na Pag aari ko. Nang papasok na sa mall ay agad kaming pinagbuksan ng guard.

"Mommy punta tayo doon ohhh..." sabay turo ng anak ko sa isang store na puro books ang tinitinda. Ito agad Niyang tinuro dahil pagbabasa ang hilig nito kahit nga ako nag tataka six years old palang ito Pero ito na ang hilig Niya at straight na siyang mag Basa. Mas pipiliin niyang mag Basa kesa mag laro ng mag laro, matured din ito kung mag salita at mag isip. "ma'am si Sapphire

Agad ko nang dinala ang anak ko sa book store at ginala ng ginala namin itong buong mall, sa laki nito mapapagod kami sa kakaikot dito at baka Maka kita din ako ng maari Kong ipasalobong sa mga kasamahan ko sa trabaho dahil Pag nag dadala ako ng pasalubong sa mga kasamahan ko ay pinapauna ko itong ipadala at may tatanggap lang nito doon dahil di ako nagdadala ng sasakyan sa trabaho tanging bigbike ko lang ang dinadala ko para masmabilis akong Makarating.

Rebecca POV

Hi...! I'm Rebecca Del Rio, Isa akong sikat na model, Endorser, actress at higit sa lahat ako lang naman ang nag iisang girlfriend ni Heron Reymundo. Alam Kong maraming naiingit sa akin, ikaw ba naman maging girlfriend ng Isang hunk at bilyonaryong businessman. Lahat ng babaeng nakakakita sa boyfriend ko ay halos maghubad na Pero sorry nalang sila dahil akin lang ito handa akong pumatay para lang dito.

Andito kami ni Heron sa isang sikat na mall, kakapasok lang namin Pero inaya ako agad ni heron sa book store. Habang papasok kami sa store ay pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na at sikat ako si Heron ay ganoon din, ngunit walang nagkamaling lumapit dahil kilala ng lahat si Heron ayaw Niya ng hinaharangan o naiistorbo siya dagdagan pa ng mga body guards na nakasunod sa amin.

Habang hinahanap ni Heron ang libro na gusto niya ako naman ay bala sa pagpapacute lalo na sa mga lalakeng dumadaan para ipakita sa kanila na maganda ako at wala ng hihigit pa sa ganda ko.

"Ang ganda Niya talaga Tol! Nakita mo yon, kahit walang make up Pero maganda. Minsan nalang talaga tayo makita ng babaeng maganda kahit walang make up" rinig Kong Sabi ng lalake sa gilid ko, "Di lang maganda, sobrang ganda tapos ang katawan. Shit!! Hanip ang pagka kurba pare astig tignan kahit simple lang ang suot, Pero anak Niya kaya Yong kasama Niya?" sagot din ng kasama nito. "Iwan Tol! Pero kahit may anak na basta walang asawa daig mo pa nanalo sa lotto Pag naging jowa mo yon" Sabat ulit ng naunang lalake.

Bigla naman akong na insecure sa tinutukoy ng dalawang lalakeng yon, kasi kahit nasa tabi ko lang sila Pero di nila ako pinapansin, first time Kong hindi mapansin sa babaeng yon di ko man siya nakita Pero naiinis ako sakanya.

"Heron, babe kain muna tayo gutom na ako and need ko rin uminom ng gamot" Aya ko Kay Heron kahit di naman totoo. Ayaw ko lang talaga makita ni Heron ang babaeng sinasabi ng mga lalakeng yon kanina. "Ok...ok... actually I'm done narin.... so... Let's go.." sagot ni Heron.

Z POV

"Manang hawakan mo muna si Sapphire kasi pupunta lang ako sa CR." bilin ko Kay manang Beth at pagkatapos agad din naman akong nag senyas sa mga body guards namin na maiwan sila para bantayan ang anak ko, agad naman akong pumunta sa CR. Pagkapasok ko sa CR nadaanan ko ang apat na babae na busy sa kakatapal ng make up sa mga mukha nila kaya mukhang di nila ako mapansin kaya pumasok na ako sa Isa mga cubicle doon.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na kabog ng dibdib at pangangamba sa naririnig ko mula sa mga babaeng nasa labas. "Ay..... nakita niyo ba si Papa Heron kanina, ang gwapo Niya talaga kaso kasama Niya naman ang girlfriend niya..." Sabi ng Isa sa mga babae sa labas. "Oo nga friend, Buti naka move on na siya sa nangyari sa mag ina Niya ilang years din siyang nalugmok, Pero parang nakikita ko sa mata Niya hanggang ngayon na malungkot parin siya." sagot ng kasama din nito na pinagtaka ko. "Si Heron nalugmok dahil sa pagkawala namin ng anak Niya pero Malabong nangyari yon dahil kitang-kita ko ang kataksilang ginawa Niya sa akin at paano Niya nalamang na buntis ako dahil wala akong pinagsabihan ng lahat." nagtatakang tanong ko sa aking sarili dahil sa totoo lang pinutol ko lahat ng bagay na magpapakita sa akin Kay Heron ni hindi ako nanonood ng tv kahit cellphone wala ako at binalaan ko rin ang mga taong nakapaligid sa akin na ayaw Kong makarinig ng balita mula sakanya. Lumabas ako ng CR dala parin ang katanungan tungkol sa mga narinig ko, ng bigla nalang akong tapikin ng Isa sa mga body guard ng anak ko. "ma'am... si... si Sapphire po umiiyak dahil pinapagalitan at pinapahiya ng Isang babae." hinihingal na Sabi nito. "Bakit....? Tara na puntahan na natin Pero bumalik ka ulit sa pwesto mo walang lalapit o makikialam sa Inyo hanggat di ko sinasabi" utos ko sakanya, ganyan kasi ako sa mga body guards ng anak ko pagkasama ko siya mas minamabuti ko na hindi sila naka uniforms para di makilala na body guards ko sila nagkukunwari silang di ko sila kilala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status