Chapter 6
Pagmulat ni Brandy ng mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa paningin niya. Kanina kausap nya ito pero bakit ngayon at nakahiga sya at ito ay...?Napabalikwas sya."Rapist!" sigaw niya at napayakap sa sariling katawan.Napatayo ito mula sa gilid ng stretcher at lumipat sa upuan."Oy, oy! Sobra yan ha! Kung rapist ako sana hubad ka!" anito sa kanya.Nasuri niya ang sarili. May damit sya at wala naman masakit sa kanya. Hindi naman nga sya ni rape."Magaling ka na nga. Mataray ka na ulit." napapailing na sabi pa nito.Napaisip siya. Oo nga pala, naallergy sya. Hindi naman niya akalain na nagtanong ito sa chef kung may peanut. Ang akala niya ay pupunta ito sa banyo o kaya ay may nakitang magandang babae kaya lumapit sa waiter.Wala naman talaga syang balak kainin ang cake kasi di sya sigurado kung may peanut nga o wala pero naimbyerna sya na parang ang sadya lang nito ay ang magandang chef na yun at tinalikuran pa sya at iniwan.Buwis buhay sya. Di nya namalayan na sa kainisan niya dahil ngayon lang sya tinalikuran ng lalaking kaharap para sa ibang babae ay nakakain na pala nya ang pesteng cake at doon ibinuhos ang kainisan sa lalaking ubod ng gwapo…at hangin.Huli na ng malaman niya na kaya pala ito lumapit ay para masigurado na safe ang kakainin niya.Plus points yata yun para rito. Gentleman naman pala."Miss na maganda." untag nito sa katahimikan niya.Gusto niyang mag sorry dahil napagbintangan pa niya itong reypist pero hindi sya ang taong nagso sorry lalo sa lalaki.Tiningnan lang nya ito."May iba ka pa bang sasabihin about our deal? Baka may girlfriend ka, masabunutan ako." she averted her gaze.Di sya makatagal sa titig ng isang ito na lumalaban ng walang kurapan. Daig pa nito ang makikipagbarilan kung tumitig na parang kapag kumurap ay mauunahan kaagad ng kalaban."Aba marami." anitong pangisi ngisi lang habang nakaupo na sa silya.Tinapunan niya ito ng makamatay na tingin."Pero syempre di kita hahayaang masaktan. Girlfriend din kita eh." he said it with a smile.Her heart skipped a beat and her cheeks heated. Ewan niya kung dahil yun sa allergy pa rin o sa mga lumalabas na salita galing sa bibig nito.Delikado talaga sya sa isang ito. Mukhang hindi ito tulad ng ibang lalaki na kapag sinigawan at sinaktan na niya ay kumahog ng umalis sa harap niya. Ito lang ang may kakayahang salag salagin ang kamay niya at paandaran sya ng kung anu-ano."Stop fooling me okay. Hindi ako madadala sa mga pambobola mo!" asik niya sa lalaki na nangingiti lang.Wala ba talaga itong kaseryosohan sa buhay? Sinisigawan na, nakukuha pang tumawa. Baliw yata ang isang ito."Ano bang bayad sa trabaho ko bilang fake boyfriend mo?" sa wakas parang may bahid ng pagka seryoso ang tanong nito."Pera, malamang." aniya na tumayo na mula sa stretcher at dinampot ang bag at inayos ang sarili."Hindi pera ang gusto ko." tahasang tugon nito sabay tingin na naman sa katawan niya.Ano?! Bigla ayang kinabahan. Napatigil sya sa pag pahid ng pressed powder sa mukha niya."What?" natitilihang tanong niya sa lalaking prenteng nakaupo pa rin sa upuan."Umoo ka muna." anito na ngumisi na naman.Humaba ang nguso niya kasabay ng pag-iisang linya ng kilay."Why should I? Paano pala kung katawan ko ang gusto mo?!" naiiritang asik niya sa lalaki. Gusto na nya itong batuhin ng pulbo dangan lang may kailangan sya rito kaya di nya matuluyang saktan.Humalakhak na naman ito at umecho ‘yon sa loob ng kwarto ng ospital."Is that an offer?" tanong nito na nanunukso ang mga mata.And what? English na naman ang sinabi nito. Baka napapanood lang nito kung saan saan yun.Inirapan niya ito. "In your dreams!""Yeah! Tonight. I'll—papanaginipan ko talaga ‘yan." tahasang sabi nito na ikinapula ng mukha niya."Umayos ka nga! Naiinis na ako sayo. What do you really want and how much?!" tumayo na sya nang tuwid at naghanda sa paglabas nya ng kwarto na yun.Iniisip nya ang bill nya nga pala sa ospital paano? Ayaw nyang mag asikaso nun. Nang wala syang maisipan ay kinuha nya ang pera sa pitaka nya."Trabaho." seryosong tugon nito.Nalipat ang mga mata niya sa preskong lalaki."Seriously?" parang di sya makapaniwala na ang isang tulad nito na lalaki na nagmamaneho ng ego ay walang trabaho? O baka naman hiniram lang iyon.Pero sa hitsura nito na daig pa ang Hollywood actor ay talagang ang hirap paniwalaan na isang dakilang tambay talaga.Napakamot ito sa ulo."Langya naman oh. Kapag nagsasalita ako ng puro kalokohan sasabihin mo bolero ako. Kapag naman seryoso ako di mo pa rin mapaniwalaan. Asan ba ako?" tanong nito."Hospital." sabay pigil niya ng ngiti. Nakaisa rin sya.Nakita pa niya na hindi ito kaagad nagsalita.He smiled. "Ngumiti ka ba Ms. Maganda?"Napakurap sya. Napansin ba nito na ngumiti sya? Binago nya ang aura. Tinaas niya ang isang kilay."Ngumingiti ka pala kapag nakakaisa ka. Eh paano kung patatluhin kita baka isang taon kang nakangiti." ngumisi ito lalo at naglaro ang pilyong mga mata.Ewan niya pero kahit inosente sya ay parang makahulugan ang mga biro nito. Parang green ang nasa isip nito.Hindi na naman kasi sya bata at sa mga na pupuntahan niyang mga lugar ay sanay sya sa mga ganoong kalokohan.Minsan sa bar nakakakita sya ng naghahalikan, naghahawakan. Sa building ni Yulah naririnig nyang nakikipag sex ang mga modelo niyon kaya di na yun bago sa mga mata at tainga niya.Pero pala kapag aktwal na sya ang pinatatamaan ay di nya maiwasan na pamulahan at kabahan."You don’t care and it’s none of your busines. So, what now? Anong trabaho ang gusto mo pagkatapos ng fake boyfriend?" seryosong tanong nya.Gusto na nyang makalayas dahil naaalibadbaran na sya sa lalaki. Di nya gusto ang pakaba kaba ng dibdib nya. Parang nagkaka heart enlargement na sya."Fake husband. Pwede?" nakabungisngis na tanong na naman nito.Di na sya nakatiis ay binato na nya sa lalaki ang bag nya na kaagad naman nitong nasalo."Will you please give me some peace of mind! Magtino ka nga. Ano ba kasi?!" naiiritang tanong niya rito."Gusto kong maging bodyguard ng daddy mo." anito. "O driver. Kahit ano basta may trabaho ako na malapit sayo."She rolled her eyes and folded her arms on her chest."of all the things you can ask for, sa daddy ko pa talaga?"She shook her head. How can she ever pay this man kung sya mismong anak ay di makahuma sa ama niya? She didn't ask anything from him ever since at lalong di sya hihingi ng anuman ngayon doon lalo kung para sa lalaki lang."Eh di sige. Sayo na lang." tumaas baba na naman ang kilay nito kasabay ng isang ngiti.Pero in fairness. Ang gwapo nito kahit anong gawin nitong facial gestures.“We had it clear, Mister Mahangin. You talk to my dad and pretend anything para mapa oo mo sya. Tell him isa kang tambay na walang trabaho. Ewan ko kung di ka nya ipatapon." umismid sya."Lintik naman oh! Tapos pagpapanggapin mo akong tambay na boyfriend mo kung alam mo palang ayaw ng daddy mo sa walang trabaho, para lang mapagalitan ka? Ikaw yata ang babaeng pinakamay toyo sa utak. Idadamay mo pa ako." angal nito sa kanya at tinawag pa syang may toyo.Nanigas ang panga nya sa inis. The hell this man say na may toyo siya. Ano siya factory ng Silver Swan?"Hoy wala tayong pakialaman! I’ll pay you even if you set the price too high! Apply as my dad's whatsoever and it’s up to you. Bahala ka sa buhay mo at wala na akong pakialam pagkatapos ng event. Diskarte mo na yun! I only hired you for your information, Mr. Mahangin--"Sinambot kaagad nito ang sinasabi niya."Dela Merced ang apelyido ko, hindi mahangin. Gusto mo bang maging Mrs. MAHANGIN?" Seryoso ang mukha nito pero alam nya na inaasar na naman sya.Nakaakainis talaga! Napaka antipatiko nito. Kaya kaya nyang buhatin ang stretcher at ibato sa lalaking na ito? Nakakapangulubot ng balat ang presence ni Jacob Nyx. Nakakainis."Whatever!" she rolled her eyes. "As I was saying ang gusto ng daddy ko eh yung businessman o successful sa buhay eh malay ko ba kung ganun ka o tambay talaga kaya bahala ka sa buhay mo kung paano ka mag-aapply sa kanga ng trabaho."Nakatunganga ito sa kanya."But to tell you honestly, wala akong maitutulong sayo. So kung di kayo magkasundo dahil ang plano ko naman talaga ay break na tayo after that event eh di mag pm ka na lang sa account ko, so I can transfer the money to your account. Twenty five thousand? Enough?" aniya sa lalaki na walang kakurap kurap.Sumipol ito. "Laglagan pala to. Tinulungan kita di mo ako tutulungan. Call!" anito at iniabot sa kanya ang bag niya.Iniwanan niya ito ng pera. "Settle my bills. I'm going." aniya na iniwan sa kama ang pera."Wow! Senyorita?!" angal nito at hinabol sya ng tingin pero tuluy tuloy niyang binuksan ang pinto."Wait!" pigil nito ulit kaya lumingon sya."What?" walang kaemo emosyon na tanong niya.Biglang lumamlam ang mga mata nito.Gosh!"Sure you're feeling okay?" pati ang boses nito ay malambing.Nangaligkig sya. Daig pa nya ang minumulto ng mommy niya."Who cares?!" buong katarayan nyang tanong."Ako!" bulalas nito. Balik sa dating tono na antipatiko na sinundan pa ng kindat."Duhhh!" she rolled her eyes and went out of the room sexily. Daig pa niya ang hindi sinumpong ng pesteng allergy.Sa labas na nya nasapo ang dibdib na parang gustong kumawala sa ribcage niya.How can that man ever make her feel like riding in a roller coaster or rodeo? Nobody ever did. Hindi sya pwedeng tablan ng mga kalokohan nito. He's so mysterious and... too handsome to be true.Chapter Seven❤️How many times did he almost make himself get caught? Ilang beses syang nag english at kitang kita niya kung paano na ikinagulat yun ni Brandy. Wala itong pagkakaalam sa tunay niyang pagkatao at tama na nga na tambay ang alam nito para hindi siya malihis ng daan. Paano sya makakapag-apply sa daddy nito kung may maipapakita syang magandang buhay?Pero hindi. Mali. Dapat ay maging proud iyon sa kanya bilang boyfriend ni Brandy. Hindi nya susundin si Brandy sa gusto niyon na purong tambay ang kalabasan niya sa paningin ni Brando Daniel Ynarez. Kailangan niyang maging successful either as boyfriend or bodyguard. Kailangan na makaisip sya ng paraan para matupad iyon.He's lost at nararamdaman nya yun. Kapag tumitingin sya sa mga mata ng kaisa isang anak na babae ni Daniel Ynarez ay parang mas gusto nyang alamin kung ano ang ikinalulungkot nito. Alam nyang may mali sa pagkatao nito but somehow when he already found his way to enter Daniel Ynarez's world, malalaman din ny
Chapter Eight❤️Rinig na rinig kaagad ni Brandy ang tugtog nang bumungad sya sa pintuan ng bar.Sa hindi inaasahangPagtatagpo ng mga mundoMay minsan lang na nagdugtong,Damang dama na ang ugong nitoNahawi ang mga lalaki nang pumasok siya sa loob. She's known as the most beautiful bitch sa Sasha Bar and Grill. Mapanakit siya sa taong ayaw niya na lumalapit sa kanya.Naupo kaagad sya sa isang bakanteng mesa at kaagad naman na may lumapit sa kanyang waiter dala ang alak nyang palaging iniinom. Di naman sya nagpapakalasing, just enough to make herself calm and peaceful para pag-uwi nya diretso tulog na sya.Dagdag na rin na pampaantok ang mga senti songs na tinutugtog ng live band doon kapag ganoon na medyo late na. Nagsasayawan na lang ang mga naroon na magkakayakap at ang iba nga eh naghahalikan na. She doesn't mind. For her, it’s still a decent bar after all ccx compared to the others.Panay ang tingin sa kanya ng mga kababaihan doon mula ulo hanggang paa pero wala syang
Chapter Nine❤️"Demmit! Nakipag basag ulo ka na naman?!" singhal ni Daniel kay Brandy nang pumasok sya at gising pa rin ang daddy niya.Magtutuluy tuloy na lang sana sya pero napansin pala sya nito. Halos dalawang oras lang naman syang nawala. Di nya akalain na nagbabasa pa rin ito pagbalik niya.At ngayon ay nakatingin ito sa labi niya na may sugat.Hindi sya umimik kahit namumula ito sa galit pero nag salita ito ulit."Mana ka talaga sa---" anito na kaagad na pinutol nya."Kanino daddy? Lagi mong sinasabi yan pero di mo sinasabi sakin kung kanino ako nagmana." nangangatal ang tinig nya pero nakatingin pa rin sya nang diretso sa mga mata ng ama niya na mabalasik ang anyo, at lalong nadagdagan dahil sa isinagot niya na kahit malambing ang pagkakasabi niya at mababa ang tono ng boses niya ay galit pa rin ito."Matulog ka na!" bulyaw nito sa kanya. "I don't have time for drama!"" You're so unfair daddy, just in case you don’t know that." di na rin niya napigilan ang sariling e
Chapter Ten❤️Dahil sa mapagmahal na kamay ng yaya ni Brandy ay wala na ang pamamaga ng mukha niya. Wala itong tigil sa kaaasikaso sa kanya hanggat hindi humuhupa ang pisngi niya.She made herself to be the most beautiful daughter for the party, na kahit sikat sya sa mga halos hubad nyang litrato, at least ngayon makita naman ng tao na maganda pa rin sya kahit may damit. She chose to wear a decent cocktail dress, hindi iyong masyadong bold and daring. Pero mas may bold pa ba sa dibdib niyang naka expose pa rin sa heart shape cocktail dress na pinasadya niya? It's part of her. Di nya yun maitatago at di rin naman siguro nya kasalanan na binigyan sya ng Dios ng magandang katawan.Wala silang imikang mag-ama nang sumakay sila sa kotse. Magkatabi nga sila pero parang wala naman siya roon sa paningin ng daddy niya hanggang sa magsalita ito."Bakit sa akin ka sumabay? Di ba I told you na dapat may boyfriend kang kasama?" malumanay naman ang pagkakadeliver nito pero nandoon pa rin ang
Chapter Eleven❤️ Napangiti si Nyx nang makita na nakapikit pa rin si Brandy kahit pinakawalan na niya ang labi ng dalaga. He gazed at her for a little while. Ngayon lang nya natitigan ang mukha nito sa malapitan. He can almost hear her heartbeat and he can sense that she's holding her breath. Baka kung di nya itinigil ang paghalik dito ay tuluyan na itong mawalan ng hangin.First kiss of a rebel? Good job Nyx."Hey... Open your eyes." aniya kaya mabilis na nagmulat ng mata si Brandy.Napatitig ito sa mga mata niya and his simple smile turned into a wide grin. Nasiyahan sya doon sa halik na iyon. It feels different.Sasapakin din ba sya nito tulad ng mga bali balitang nagkakalat na mapanakit ito sa mga nagte take advantage?"Ganda mo ah!" bati niya sa dalaga na parang nahipnotismo pa.He ran her fingers on her cheek.At nang makabawi ay pasimple syang kinurot nito sa kamay.Inalis niya ang pagkakahawak sa mukha nito at prente syang naupo sa katabi at iniabot ang pitaka nito
Chapter Twelve❤️ Hila-hila ni Nyx si Brandy hanggang makasuot sila sa isang abandonadong hospital building. Nakita siguro nitong parang hinihika na sya kaya napilitan na lang na magtago sila sa lugar na yun na di nya alam kung safe nga ba.It was one of the most talked hospital na may mumo raw. Napapanood niya sa TV ang mga paranormal experts na pumupunta roon at nagpeperform ng paranormal activities. Alam niya ay for renovation na yun kaya siguro may mangilan ngilan na ilaw na kumukurap kurap ang iba, kaya mas lalo syang natatakot.Nayakap niya ang braso ni Nyx sa nerbyos at nagsumiksik dito dahil nagsitayuan ang mga balahibo niya. Sige pa rin ang hakbang nito nang malalaki at panay ang linga sa likod. Siya ayaw nyang lumingon dahil baka multo ang makita niya."I like that." anito na nakangisi pa nang sulyapan niya.Di sya umimik. Basta natatakot sya, ano bang pakialam niya?"Puta!" mahinang mura nito sabay haklit sa kanya papunta sa gilid ng nakausling poste sa pader."A
Chapter 13❤️Parang naubos na ang lakas ni Brandy matapos nyang makababa ng kotse. Wala na. Balik na naman sya sa pagiging seryoso sa buhay.Minsan masarap din pala sa pakiramdam yung napagdadaanan niya ang mga ganoong bagay. Para siyang bata na tumatakbo kanina habang nakapaa, a thing she never had the chance to experience in her childhood days. She's a perfect example of a person na ninakawan ng pagkakataon na maging masaya. She's also wondering if there'll come a chance na maging masaya pa naman nga sya.Pero masaya sya kanina kahit parang inaasar sya ng inaasar ni mahangin. At ramdam nya iyong kasiyahan na ‘yon. Ramdam nya rin ngayon na malungkot na naman sya.Wala pa ang daddy nya. Naisip nya na mag message na lang doon na nakauwi na sya. Daddy I'm home. Are you still going to throw me somewhere? Yun ang message nya.Her phone beeped. It was her daddy. Napangiti sya. First time ba na nagreply ito sa kanya?Di nya aasahan na magre reply pa ito kasi lagi naman na hindi nit
Chapter 14❤️Natingala ni Brandy ang condo na yun na tinitirhan ng Auntie nya. Yun ang nakalagay sa address kaya yun ang pinuntahan nila somewhere in San Juan Greenhills.Nalingon niya si Nyx na kabababa lang ng kotse."Aren't you going to join me?" nakaarko ang mga kilay na tanong niya sa lalaki."Anong join? Hoy di pa ako bali para makipag group sex." sumandal ito sa kotse niya."Bwisit ka talaga. Auntie ko ang pupuntahan ko, group sex kaagad." pinameywanagan niya ang lalaki."Ikaw na. Manchichix lang ako rito. Pasok na bilis." utos nito sa kanya sabay linga linga at malamang naghahanap na ng babae.Nakaramdam sya ng matinding inis at talagang sumama lang pala ito sa kanya para mambabae. Nakisakay pa sa kotse nya para lang makapag lagalag at maglandi.Bwisit!"Magkahadhad ka sana sa panchichix mo!" inis na tinalikuran niya ang lalaki at narinig pa nya na tinawanan sya nito."uuyy! Selos lang ang babe ko!" sigaw pa nito sa kanya kaya napamartsa na sya nang tuluyan.It's