He's handsome, playful and mysterious. He is Onyx Stefan Arguelles, isang magaling na NBI agent na nagtatago sa pangalang Jacob Nyx Dela Merced. Nakakita siya ng pagkakataon na mapalapit sa isang kaso na matagal ng tinutukan at inaabangan, dahil sa isang nakapost sa internet na 'WANTED FAKE BOYFRIEND'. At sino ang magha hire? Ang isang napakagandang dalaga na anak ng multi millionaire business tycoon, si Brandy. Ito ang rebeldeng kaisa isang tagapagmana ng Ynarez Empire na under surveillance dahil sa iligal na transaksyon tungkol sa droga at baril. Napalapit si Nyx sa tagumpay ng kasong hinahawakan, pero napalapit din sa dalagang parang ang utak ay nasa talampakan. Hanggang sa oras ng dumispatsa. Alin ang pipiliin nya? Tawag ng tungkulin o tawag ng damdamin?
View MoreSc Six ❤️ Lumipad ang antok ni Brandy nang makita ang ilang maleta sa may tabi ng kama. Para siyang antok na antok pero bigla iyong nawala dahil kahit hindi pa man lang nakakapagproseso ang isip niya ay iisa ang salitang pumasok sa inaantok niyang isip, may aalis. May aalis dahil may maleta. Sinong aalis? Si Nyx na naman? Kauuwi lang nila noong isang araw pero bakit may nakaempake na naman na gamit sa maleta? Ano ba? Wala bang kadala dala ang asawa nya talaga? Inis na inis siya sa nakikita. Paratina lang ba siyang iiwan ni Nyx? Parati na lang ba siyang kakabahan, mag-alala kung isang araw ay balo na siya? Hidni siya papayag this time kahit magtalo pa sila. Bumangon sya at di pa man lang sya nakakabuka ng bibig para tawagin ang asawa ay pumasok na ito karga ang panganay na anak nila. Nakangiti kaagad ito, maharot pa rin kahit na matagal tagal na silang nagsasama. "What's this Nyx?" bungad kaagad niya sa asawa na napasipol lang. Biglang bumalikwas ang sikmura niya kaya tumakbo sya
Chapter Five❤️Nakatingin si Nyx sa mukha ni Brandy habang nakahiga sa stretcher. Halos tatlong oras na itong natutulog simula raw ng himatayin sa simbahan. Alam nitang natakot na naman ito ng husto sa nangyari at sa pag-iisip kung babalik pa ba sya talaga.Hindi naman sya gaanong nahirapan. Kokonti lang naman ang sakay ng mga van at kotseng hinabol niya at halos ubos na rin nga niya sa pakikipagbarilan nang dumating ang responde niya at mismong kasama pati ang ninong general nila.Natunton nila ang hide out ng mga yun di kalayuan sa talahiban na sinuotan ng mga gunmen. Caught in the act ang starlet, ang attorney at ang isang lalaki sa pagpapalano ng mga bagay.Ang mastermind sa krimen na yun ay ang mismong kapatid ng Heneral. Hindi tunay na kapatid ng lalaki kundi ampon. Pinaghalong kasakiman sa yaman at inggit ang dahilan ng lahat kaya pinatay ang anak ng ninong nila. At balak pang ubusin yata ang lahat ng lahi. Iniwan na niya ang mga kasamahan niya sa paghuli sa mga iyon at bi
Chapter Four❤️Nagkataon si Brandy paglipas ng ilang sandali na natapos ang mga gustong sabihin ni Nyx sa kanya. She was so wrong all this time. How can she ever thought of him having a mistress?"Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Hindi ako ganito dati. I'm not afraid to be alone, I'm not afraid to die, I'm not afraid of anything." halos hindi niya matingnan ang asawa. Nahihiya syang mali mali ang takbo ng isip niya.Tapos ang bait bait pa rin nito sa kanya.Totoo nga lahat ng sinabi niyang yun. Pero bakit parang simula nang mahalin sya ni Nyx lahat ng tapang nawala sa kanya, laging may takot, laging nag-aalala? Dahil ba naranasan na niya kung paano magkaroon ng karamay sa buhay kaya takot syang mag-isa ulit at mabawasan ang mga kokonting taong nagmamahal sa kanya?Siguro nga. She was alone for almost twenty four years of her life, ayaw na nyang maulit pa yun.Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niyang pinagmamasdan sya ni Nyx.Then he just chuckled. "Eh patay na patay ka
Chapter Three❤️Binayaran na ni Brandy ang detective na tumulong sa kanya. Sa loob mismo ng kotse sya nagpaturo kung paano ikakasa ang baril at ang bilin ay huwag hahawakan ang gatilyo kapag hindi ipuputok dahil baka raw aksidente na makalabit."Umuwi ka na Mr. Tarantado. Baka malaman ng asawa ko eh mapatay ka pa." aniya sa lalaki.Tumango ito. "Sige. Isa pa, Jace Mercado ang ginagamit na pangalan ng asawa mo sa hotel." pahabol nito.Jace Mercado? Bakit? Para hindi nya matunton kung sakali kaya nagpalit ng pangalan? Imposible naman na dahil may misyon. Paano magkakamisyon eh lantad na nga ang pagkatao?Gago lang?Napilitan syang tumango sa lalaki bago ito bumaba ng sasakyan. Pagka alis nito ay inihanda na rin niya ang sarili. Naduwal pa sya bago sya tuluyang makababa ng kotse. Mabuti na lang at hindi sya nahihilo. Naunahan na kasi niya ng mga vitamins noon pang nakaraang araw kaya wala syang gaanong maramdaman na pagkahilo at panghahapo. Meron, pero hindi katulad noong pagbubunt
SC twoApat na araw na pero wala pa rin si Nyx. Nag-aalala na si Brandy at hindi na naman makontak ang asawa niya. Ganoon na ganoon din nung napunta ito sa U.S. Ang huling message niyang natanggap kay Nyx ay,Babe, di muna ako makakatawag at text. Please change your number. Please do okay. I love you so much.That was two days ago at ibang number ang gamit ng asawa niya. Di nya malaman kung maniniwala ba sya o hindi pero mukhang si Nyx nga iyon dahil unattended na ang totoong number nito. Alam niyang may mali na naman at baka malalaglagan sya kapag may nangyaring masama sa asawa niya.Ilang araw na nyang pinabubuntutan ang asawa niya. Simula pag-alis nito ay may hired investigator na sya na sumusunod kay Nyx. Duda sya sa sinasabi nito na maghahatid lang ng papers sa Alaminos Pangasinan. Mukhang may misyon na naman ang asawa niya na ayaw sabihin sa kanya.Tiningnan niya ang anak na naglalaro sa loob ng crib. They can't lose Nyx. Lalo pa ngayon na may baby na ulit sila.Napatingin
SC One❤Pamilyar kaagad kay Brandy ang pakiramdam ng pagkahilo at may kaunting dugo sa sanitary napkin niya. She's pregnant again, alam niya.Okay na rin naman kasi isang taon na mahigit si Sidney, isa pa eh hindi naman sya nahihirapan sa pag-aalaga dahil nandyan ang yaya niyang nagpalaki sa kanya. They're living with their Daddy na palagi namang wala at naglalagalag kung saan saang panig ng mundo.Sasabihin ba niya kaagad kay Nyx? Hindi na muna siguro. Baka kulit kulitin na naman syang magpa check up at kulang na lang eh itira sya sa ospital o sa clinic ng OB o kaya ay wag na naman syang papagkilusin. OA kasi ang asawa niya."O si Commander na maganda!" nakangising bati ni Zion sa kanya nang pumasok sya sa opisina ng mga ito.Nabago lang ang tawag sa kanyang Miss pero ang maganda, naroon pa rin. Si kumander na syang maganda ngayon. Maganda pa rin naman talaga sya kahit na may anak na sya. Still the same figure noong model sya. Why she can't be while She enrolled in a fitness cl
Chapter 47❤️Let there be forever. Let there be love, no hatred Just forgiveness because there's truly a happiness, Once you find it inside your heart.Author -Natapos din ang preparasyon ng dalawang linggo. Halos di na namalayan ni Brandy na lumipas yun ng ganoon kabilis. Siguro dahil nandyan si Nyx mahangin sa tabi niya parati. Araw at gabi itong nariyan kahit sungitan niya eh hindi umiimik. Nakukuha pa syang pagtawanan. Pero pagkatapos eh nakakaramdam naman sya ng kunsensya pero sadyang di niya mapigil ang sarili niya. Inis na inis sya sa pagmumukha nito at kapag wala naman eh gusto niyang makita. At minsan naman gusto niya nariyan lang sa harap niya.Buti nga ngayon nakikiayon ang emosyon niya sa malaking event na ito sa buhay niya.Nasaan ba sya? Nasa kotse sakay ng kanyang bridal car. Ang daddy niya nakabuntot kasi ayaw niyang pasakayin sa kotse niya. Nabubwisit na naman sya dahil wala na itong balbas. Sabi niya ahitin kasi ang pangit. Nang ahitin naman, mas lalong di bag
Chapter 46 ❤️Nyx filed a leave of absence immediately. Hindi na niya pwedeng patagalin ang kasal nila ni Brandy. Hindi na dapat na umabot ng three months ang tyan nito. Two weeks preparation is long enough, that's his thought anyways.Una na niyang inasikaso ang papers nila, ang simbahan na pagkakasalan nila. Reception is just on the Ynarez's function hall.Invitations? Yeah! Tinaningan niya ng tatlong araw ang gagawa ng invitations, of course double the price. At ngayon kasama niya ang kapatid niya na basta na lang niya hinila sa bahay nito papaalis para samahan sila sa wedding designer nito noong ikasal kay HJ. Magaling kasi kaya gusto niya ay yun din ang magtahi para kay Brandy.Bago sya pumindot sa buzzer ng unit ni Brandy ay pinaalalahanan na muna niya si Emerald."Wag mong tatarayan kapag tinarayan ka ha, baby sis. Matapang yun ngayon." paalala niya sa kapatid na nasa tabi niya habang naghihintay silang mapagbuksan ni Brandy ng pinto sa condo unit nito.Umarko ang kilay
Chapter 45❤️Parang gusto pa ni Nyx na panginigan ng kamay nang hawakan niya ang door knob sa office ni Alex. He decided to let Brandy see an OB to know what lies beneath that fatigue, fainting and sudden stop of her period. Naisip nyang mas mabuti na expert sa women's diseases and women care ang magiging duktor nito kesa sa isang basic physician. If the OB won't see anything, then he'll bring her to another doctor who has a different area of concentration.Alex smiled at him. He personally knows her. She's the loving wife of Santi, his sister's brother in law. They're like a real family."Sit down Nyx. You look so frightened." she even chuckled sweetly.Ewan niya kung bakit di sya mapaupo. Ninenerbyos sya baka may sakit na si Brandy sa matris o kung saan.Tinginan pa sya nito ulit nang hindi sya umupo talaga."Relax. She's totally fine." anito pa.That's the time his butt finds a seat."I'll explain okay?" Alex creased her forehead that's why he nodded kahit na parang nag-ii
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.