Share

Chapter 64

Rhian's Point of View

Pagpasok ko ng bahay ay agad kong hinanap si Zane. Tanging si Rose lamang ang nasa sala at abala ito sa panunuod.

"Rose, nasaan si Zane?" Agad kong tanong dito.

"Ate, nakarating na pala kayo. Si Zane ho ay nasa kanyang kwarto." Sagot naman ni Rose.

"Salamat." Agad kong pinuntahan ang aking anak. Si Logan naman ay nagderetso sa aming kwarto.

Kumatok muna ako sa kwarto ng aking anak bago ako pumasok. Nakita ko itong abala sa paglalaro. Kunot-noo naman akong lumapit sa aking anak.

"Zane, saan galing ang laruan na iyan?" Nagtataka kong tanong dito. Wala akong maalala na binilhan ko ito ng gano'ng laruan.

"Mommy!" Masayang saad ni Zane habang hawak-hawak nito ang isang laruan na Cozmo Robot.

"Sino ang nagbigay sa iyo niyan, Zane?" Mariin kong tanong dito.

Hindi ko tinuruan si Zane na kumuha ng hindi sa kanyang gamit at lagi kong pinapaalala sa kanya na masamang kumuha ng hindi sa kanyang gamit. Imposibleng kinuha niya iyon sa kanyang kaklase.

"Bigay po ito ni kuya R
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status