Share

CHAPTER 5: The Search for the Mysterious Lady

-=Ram's Point of View=-

Ngayon ko napatunayan na kung kailan gusto mo nang tumakbo ang oras ay para naman itong nananadya na ang bagal bagal nang takbo nang orasan, ganun ganun mismo ang nararamdaman ko habang patingin tingin sa orasan na nasa pader nang opisina ko, kanina pa natapos ang office hour at nag-iisa na lang ako sa opisina kong iyon, hinihintay ko kasing mag alas nueve bago umalis dahil sigurado akong gabing gabi na magsisilabasan ang mga hinahanap ko.

Yes I already decided na hanapin ang babaeng iyon para magkaroon na din nang mga kasagutan ang tanong na tumatakbo sa isipan ko, babalik ako sa Cubao kung saan kami nagkita nang babaeng gumugulo sa isipan ko.

Finally nine pm kaya naman agad akong tumayo sa upuan ko at dumiretso sa parking lot nang building, sa sobrang late na nga ang kotse ko na lang ang nasa parking lot na pinagkibit balikat ko na lang.

Isang lugar lang ang naiisip ko kung saan maari kong makita ang misteryosang babaeng nakasama ko ilang araw na ang nakakalipas, with that in mind ay agad kong pinaharurot ang kotse ko sa EDSA.

Sa totoo lang hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung saka-sakaling mahanap ko nga siya, ang alam ko lang ay gusto ko siyang makita, hindi din nawawala sa isip ko na maaring matapos sa akin ay may ibang nakakuha sa kanya and for some reason parang biglang nagpuyos ang dibdib ko sa isipang iyon lalo na't hindi malayong mangyari iyon dahil maliban sa ilang araw na ang nakakalipas ay iyon ang trabaho niya unang beses pa lang namin nagkita, umaasa na lang ako na sobra sobra ang binayad ko at hindi na muna niya ginawang ibenta ang sarili niya.

Pagkarating sa bandang Cubao ay agad akong naghanap nang maaring puwedeng paradahan nang kotse ko ngunit kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang lugar kaya naman naisipan ko na lang na magcheck in sa SOGO at matapos iwanan ang sasakyan ay dali dali akong umakyat sa naturang tulay ngunit sa kamalas malasan ay wala pa ang mga naturang babae, I checked my watch and saw it's just past ten pm kaya naman minabuti ko na lang maghintay at bumalik sa kinuha kong kuwarto sa SOGO might as well use it.

Habang nakahiga sa kama ay parang tumatakbo pa din sa isip ko ang maganda at maamong mukha nang babaeng iyon, hugis puso ang mukha nito na may lagpas balikat na buhok, kulay brown na mga mata na parang laging nangungusap at nangangako nang kaligayan na pinalilibituan nang mahahabang pilikmata, matangos na ilong at mga labing parang nakakangako nang langit kapag natikman, the way she looks is so innocent ngunit kapag napadako na ang mata mo sa mga labi nito ay iisipin mong lagi siyang nang-aakit, I can already feel boner nang maalala ko ang namagitan sa aming dalawa ilang araw na ang nakakalipas.

Isang buntinghininga ang lumabas sa bibig ko habang patuloy na naiimagine ito at sobrang pagtataka na ang nararamdaman ko dahil ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko.

I decided to turn on the TV trying to block any images of what happened between us dahil masyado nang nasisikipan ang ibabang bahagi nang katawan ko and the fuck lang kasi naman saktong isang sex video ang pinapalabas sa TV.

"The hell with it." I muttered sabay bato sa remote control na hawak ko at dumiretso na muna ako sa banyo, removing all the clothing in my body at agad tumapat sa tubig na nangagaling sa shower sa loob, kahit paano ay nakakatulong ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko sa pagpatay sa pagnanasang nararamdaman ko hindi ko mapigilan kagalitan ang sarili ko for acting like a sex starved teenager.

I decided to close my eyes just to take a nap habang hinihintay ang oras, naisip ko kasing mga alas dose na bumalik sa naturang lugar just to make sure na makita ko sila.

Nagising ako sa alarm na nanggagaling sa phone ko and smile formed my lips when I finally saw it's twelve kaya naman agad akong bumangon nagmumuog at naghilamos, at matapos nga noon ay agad akong lumabas sa naturang motel na isang destinasyon lang ang nasa isip.

Hindi naman kalayuan ang tulay kaya agad akong nakarating at sakto dahil nakikita ko na ang babaeng nag-alok sa akin nang aksidenteng magawi ako sa lugar na ito at katulad dati kuntodo pa din ang make up na nakabalot sa buong mukha nito.

"Babae sir?" agad na tanong nito nang tuluyan na akong makalapit sa puwesto nito at katulad nang dati ay agad itong kumapit sa braso at sobrang pagtitimpi ang ginawa ko para huwag kalagin ang mahigpit nitong braso sa akin, I can smell the cheap perfume coming from her.

"Sorry hindi ako napunta dito para kumuha nang babae, nagpunta ako dito para magtanong and don't worry magbabayad ako." I said at sinunod ko ang huling sinabi ko nang makita ko ang pagkairita sa mukha nito at nang marinig na magbabayad ako ay agad nitong kinausap ang kasama nitong bugaw din siguro at dinala ako sa kabilang side nang tulay na hindi masyadong dinadaanan nang mga tao.

"Ako nga pala si Luchie." pakilala nito sa akin sabay abot nang kamay gusto ko nga sanang sabihin "the hell I care" ngunit mabuti na lang at napigilan ko dahil one thing that I've learned in business kung may gusto kang makuhang bagay ay kailangan mong magpakumbaba.

"Hi Luchie, I'm Ram." maikli kong pakilala dito at kahit napipilitan ay tinanggap ko ang nag-aantay na kamay nito.

"So Ram anong gusto mong malaman, kung gusto mong malaman kung puwede ako oo naman for the right price." tumatawa pa ito sa sarili nitong biro at isang pilit na ngiti ang lumabas sa bibig ko at sa isip isip ko ay kahit libre no thanks na lang busog ako.

"I don't know kung naalala mo ko pero napadaan ako dito last Thursday at katulad kanina ay inalok mo din ako nang babae ngunit tumanggi ako." I said and look at her na parang nag-iisip nang malalim trying to remember that day ngunit sa kamalas malasan ko ay hindi daw ako nito maalala sa dami nang mga dumadaan sa naturang lugar ngunit kahit ganoon ay hindi ako nawalan nang pag-asa.

"Anyway may isa akong babaeng napick up at hindi ako sigurado kung ikaw ba ang naghahandle sa kanya, gorgeous lady, around five feet and seven, heart shaped face brown eyes, lagpas balikat ang buhos." at nagpatuloy ako sa pagdescribe dito at kita ko naman na talagang iniisip nito ang sinasabi ko hanggang makita ko ang recognition sa mga mata nito kaya naman tuluyan nang nabuhayan ang loob ko dahil mukhang mahahanap ko na din siya.

"Ahh tingin ko si Jocelyn ang sinasabi mo pero ang pagkakatanda ko hindi naman brown ang kulay nang mata nun kung hindi itim, pero iyon lang kasi ang naaalala kong babae kong may ganun desciption sa sinabi mo." napapapitik pa ito habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Nandito ba siya ngayon?" tanong ko at agad kong nilibot ang mga mata ko sa tulay trying to see kung nandito ang naturang babae at maari ko lang hindi napansin kanina.

"Sorry Ram ha kasi taga probinsya lang iyon at nangangailangan lang daw talaga nang pera kaya naman naisipan pumasok sa ganitong trabaho kaya naman tinulungan ko." paliwanag nito, gusto kong mapaismid sa sinabi nitong gusto nitong tulungan ang dalaga.

"So alam mo ba kung saan ko siya maaring makita o kahit na macontact?" tanong ko dito ngunit para akong nanlumo nang makita ko ang ginawa nitong pag-iling.

"Sorry talaga katulad nga nang sinabi ko kanina sayo taga probinsya daw siya, lumapit lang kasi siya sa akin nang gabing iyon, tapos nagpatulong aya ayon pero matapos makakuha nang pera ay hindi na nagpakita sa akin, ni hindi man lang nga ako binigyan nang porsyento ko." naiiling na sinabi nito at para naman gumuho ang lahat nang pag-asa ko sa narinig dahil kahit man lang probinsya nito ay walang kaalam alam ang babaeng ito, kaya naman sa inis ko ay agad akong tumayo ngunit agad akong hinawakan sa braso, stopping me from walking away.

"Uhmm Ram iyong bayad mo?" tanong nito at parang gusto kong magwala dahil wala naman talaga akong napala but a deal is a deal kaya naman naglabas ako nang sampung tag iisang libo at inabot ito sa nanglalaking mga mata na babae at matapos non ay agad akong bumalik sa motel na tinuluyan ko at matapos magcheck out ay agad kong pinaharurot ang kotse ko, asar na asar ako dahil mukhang malabo nang makita ko ang babaeng iyon ngunit mas naasar ako dahil nakakaramdaman ako nang kalungkutan na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status