Share

CHAPTER 63: Ikaw Parin

-=Atilla's Point of View=-

"Panginoon sana ay mahanap na niya ang katahimikan na kailangan niya at sana ay mapatawad niya ako sa lahat." piping dasal ko, masakit sa akin na mawala ito ngunit kailangan ko na siyang ilet go.

Paano mo ba mapapakawalan ang isang tao na naging napakalaking parte ng buhay mo, isang taong naging karamay mo sa mga panahon na kailangan mo nang makakapitan, hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak sa sakit na nararamdaman ko.

Umaasa na lang ako na mahanap na niya ang katahimikan na nararapat sa kanya.

"Tara na Atilla." narinig kong tawag ng bestfriend ko na si Nicole kita ko ding apektado siya sa pinagdadaanan ko ngunit kailangan na namin siyang pakawalan.

Sabay na kaming naglakad ni Nicole patungo sa kuwartong iyon, ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad dahil kahit nagdecide na ako ay masakit pa din sa akin ang mawala ito.

Isang mahabang buntung hininga ang ginawa ko bago ko binuksan ang pinto ng kuwarto at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status