Habang nagbabasa ang dalawang magkapatid sa loob ng kwarto nila, ay nakarinig sila sa labas na tumatakbo na tao habang umiiyak.“Si Ate Allianna ba ‘yun?” takang tanong ni Demitri sa kaniyang kapatid na nagtataka rin kung ano ang nangyare. “Hindi kaya pinilit niya sila Mon, pero hindi siya pinayagan? O kaya pinagalitan siya kaya siya umiyak?” dagdag pa ng bata.“Sa tingin ko hindi ‘yon ang dahilan,” seryosong sagot ni Daylon at bumalik ulit sa pagbabasa.“Paano mo naman nasabi?”“Hindi niya pinilit sila Mom.”“Bakit mo nga nasabi na tama ka at mali ako?” Hindi sinagot ni Daylon ang kaniyang kapatid dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusapan nila. Mas mabuti nang magbasa ng libro kaysa sa makipag-usapan sa kaniyang kapatid.Lumipas ng isang minuto nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan.“Daylon?” tawag sa kaniya ng kaniyang ama.“Come in.” Nang sabihin iyon ni Daylon ay agad namang pumasok si Benjamin. Tinignan ni Daylon ang kaniyang ama na nakaupo sa harap niya.“Gusto lang
Magkasabay na magkasabay sina Allian at Daylon na makalabas ng kanilang mga kwarto kaya nagkatinginan silang dalawa. Napatingin si Daylon sa malaking bag na buhat ni Allian kaya agad niya iyon kinuha, Hindi naman na nagsalit si Allian dahil nakuha na ni Daylon kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan na lang ang lalaki.“Mag-iingat kayo, ‘yung mga bilin ko sa’yo Daylon huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa’yo.” Hindi na sinagot ni Daylon ang kaniyang ina dahil nakasakay na ito ng kotse. Nang makasakay na rin si Allian ng kotse, ay agad na binuksan ni Daylon ang kotse at pinaandar ito.Hindi sila maliligaw dahil meroong google map ang phone ni Daylon. Medyo malapit lang din naman ang resort nila Hillaree kaya ligtas pa rin sila. Kung may mangyayare man ay handa naman siyang protektahan si Allian, pero wala naman sanang mangyare dahil gusto sana ni Daylon, ay maging masaya si Allian sa kanilang bakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan.Habang nagdadrive si Daylon, ay palagi s
“Huwag kang mahiya sa kanila dahil mababait sila. Maging komportable ka dahil nasa bakasyon tayo. Sure ako na maging masaya ang bakasyon natin dahil kasama ko si crush.” Napabuntong hininga si Allian at agad na humiga sa kama na walang nakaupo gusto niya munang matulog dahil inantok siya sa byahe kanina, pero hindi siya nakatulog.“Si Allen na naman ang nasa isip mo. Akala ko ba nagbago na ang crush mo?” rinig kong tanong ni Yvon.“Sabi mo pa sa amin napakapogi ng bagong crush mo tapos si Allen ulit? Sino ba talaga?” tanong naman ni Kisha.“Hindi ko na siya crush dahil magkaaway na kami ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ko naging crush ‘yun e. Sobrang childish niya at puro kabastosan ang nasa isip. Grabe ang pagkabastos,” sagot naman ni Hillaree. Sino ang tinutukoy nila na bagong crush ni Hillaree? Bakit hindi ko alam?“Parang nong isang araw lang poging-pogi ka sa kaniya tapos ngayon parang kinasusuklaman mo na. Ang bilis naman magbago ng nararamdaman mo,” natatawang sabi ni Yvon
Bago dumating ang mga lalaki ay naligo muna ako at nagbihis para pagkapasok nila, ay mabango ako at hindi mabaho. Nakakahiya naman kung lalapit ako sa kanila tapos mabaho ako at hindi pa ako naliligo. Kaya kailangan ko talaga ng ligo.Pagkalabas ko ng banyo, ay agad kong pinatuyo ang buhok ko.“Ano ang gagawin natin bukas?” tanong ni Yvon kay Hillaree.“Maniwala kayo sa akin, magiging masaya ang buong linggo natin dahil madami tayong gagawin. Isa sa resort namin ang may pinakamagandang ratings dahil sa malaadventure na lugar.”“Sabihin mo na lang kung ano ang gagawin natin buong linggo.”“Basta, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin dahil sa sobrang dami. Tanungin mo na lang ang mga staff o receptionist dahil nasa kanila ang list ng mga gagawin natin buong linggo.”“Nakaayos na pala?” tanong ni Kisha.“Yes, sila ang nag-ayos.”Nang matuyo ang buhok ko, ay agad akong pumunta sa balcony. Ayaw ko munang makipag-usap sa iba. Gusto kong makalanghap ng masarap na hangin.Kitang-kita
Habang nakatingin si Allian kila Daylon at Kiari ay bigla siyang nakaramdaman ng kirot sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga mata ay nagsisimula nang mamasa dahil sa kaniyang luha na hindi niya mapigilang ilabas. Sa dami nilang pinagsamahan ni Daylon, hindi siya makapaniwala na sobra siyang masasaktan sa nakikita niya ngayon. Hindi niya rin maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya nagiging ganito. Kung bakit naluluha na lang siya bigla at nanlulumo ang mga binti. Ito na ata ang palatandaan na kailangan niya nang itigil ang kahihibangan na ginagawa niya. Hindi naman masamang sumuko hindi ba? Wala namang sinabi na kailangan ipagpilitan ang gusto para makuha ang iyong inaasam. Sa kalagitnaan ng basketball court doon umamin ang lalaking si Daylon na pinakamamahal niya sa babaeng pinakamamahal nito. Siya dapat ang nasa hindi si Kiara. Siya dapat ang luluhudan ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang minamahal ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang nagpapasaya kay Daylon hindi a
Pagkatapos kong maghugas, ay lumabas na ako sa kusina."Ate! Tara maglaro tayo! Namiss ka naming kalaro e," masayang mga saad ng mga bata. Gustong-gusto kasi nila ako kalaro. Hinawakan nila ang mga braso ko at hinila papunta sa kanila. Naglalaro kasi sila ng taya-tayaan. Kung sino ang mahawakan ng taya, ay siya ang taya tapos siya naman ang maghahabol. Ang paborito nilang laro, ay ang tagu-aguan. Lalo na kapag gabi dahil hindi nila basta-basta mahanap ang mga nagtatago kaya lugi ang taya.habang naglalaro kami, ay biglang may tumawag sa akin."May bisita po kayo nasa visitor's room po sila ngayon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi sa akin ng babae. Sila? So ibig sabihin ba nito madami ang bumisita sa akin ngayon? Sino naman? Nakita ko ang aking Tiya kasama ang kaniyang anak na babae nakaupo sa dulo ng visitor's room. Nang makita nila ako ay ngumisi ang aking Tiya at nagsign na lumapit ako sa kaniya.Ilang taon na rin silang hindi bumibisita sa akin at sa tuwing bumibisita sila, ay
Third Person’s POV “Demitri!” tawag ni Mialyn sa kaniyang anak na bunso. “Ano ba ‘yun, Mom? Nakailang tawag ka na po sa akin. Pwede mo naman pong tawagin si Kuya hindi lang po puro ako.” “Huwag ka na ngang magreklamo. Samahan mo kaming manood ng balita rito.” “Para saan?” Inis na umupo si Demirtri sa pang-isahang sofa at nakasimangot na tinignan ang kanilang TV. “Ano naman ang gagawin ko sa balita na ‘yan, Mom? Imbis na nag-aaral ako e,” dagdag pa nito. “Ano naman ngayon? E ‘d dito mo gawin ‘yang pag-aaral na sinasabi mo. Pwede mo naman ‘yun gawin dito.” “Ano ba naman ‘yan.” “Gusto ka lang makita ng Nanay mo, Demitri. Kaya gawin mo na lang ang gusto niya. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka rito. Huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka naman ng maayos dahil hindi naman kami maingay manood ng Nanay mo.” Napabuntong hininga na lang si Demitri dahil sa sinabi ng kaniyang Ama. Inis siyang pumunta sa kwarto niya, pero bago siya bumalik sa sala ay pinasok niya muna ang kwarto ng kaniyang
“Attorney, bakit kailangan mo pa kaming papuntahin sa inyo kung pwede mo naman sabihin sa amin kung nasaan si Allianna?” seryosong saad ni Benjamin Quinter nang makaupo silang dalawa ng kaniyang asawa sa harap ng attorney.“Sa totoo lang, Mr. and Mrs. Quinter. Iyon po dapat ang gagawin ko, pero hindi ko po maintindihan kung bakit po nandoon si Allianna.”“Nasaan ba siya?” kinakabahang tanong ni Mialyn. Kinakabahan siya na parang anak niya ay nawawala at gusto niya na itong makita.“Napagdesisyonan po ng korte na idala sa bahay ampunan si Ms. Allianna.” Kumunot ang noo ng mag-asawa.“Anong ibig mong sabihin, Attorney? Hindi ba merong kapatid ang nanay ni Allianna? Paano siya napunta sa bahay ampunan? Hindi pwede ‘yun saka meron din siyang mga Ninong at Ninang.”“Iyan po ang ating problema, Mrs. Quinter. Wala pong may gustong kumuha kay Allianna dahil na rin sa teenager na ang bata kaya hindi niya na raw po kailangan ng magulang na magpapalaki sa kaniya. Saka walang kung sino man ang na