Share

My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)
My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)
Author: vhans

Uno

Halos tumakbo ako pagbaba ng sasakyan, dahil ilang minuto na lang ay mala-late na ako, pagtingin niya ay ang daming nag aabang na tao sa harap ng elevator, "Shit" sabi ko imbes na mag elevator siya mas pinili niyang maghagdan nasa fifth floor lang naman ang office niya.

Pagdating niya ng floor hingal na hingal ito naupo sa table niya, "O Florence, hingal na hingal ka" lapit ng isa sa mga kaopisina ko at nagpupunas pa ako ng pawis.

"Malalate na kasi ako, hindi pwede maunahan ako ni Boss sungit, patay ako dun" sabi ko sa katrabaho, natawa naman ito, dahil alam nila kung gaano kasungit ito. Nag ayos lang ng kaunti si Florence, dahil ilang minuto na lang nandito na ang boss niya.

Dating siyang Executive Secretary ng mommy ni Aries, si Agnes Agoncillo, pero nun nagretired na ito napunta ako kay Aries Agoncillo.

Mag tatatlong buwan na akong nagtatrabaho dito, pero feeling ko tatlongpung taon ang nagdagdag sa edad ko, puputi ng maaga ang buhok dahil dito.

"Girl nandyan na si Grumpy Monster sis" sabi ng kaibigan kong si Anne dumaan lang ito sa pwesto ko, grumpy monster ang tawag namin dalawa dito. Maya maya nakita ko na papalapit ito magkasalubong na naman ang kilay nito, agad naman akong tumayo at sumunod dito ng pumasok sa loob ng opisina niya, naupo ito sa swivel chair niya nakatayo lang ako sa harap niya.  

Napagmasdan ko na naman ito, di mo naman talaga magpapakaila na napakagwapo nito. ang ganda ng almond shape eye ang tangos ng ilong, kissable lips, he have a fair skin tone, maganda ang katawan he looks like an aplha male, pero apakasungit jusme. 

"Where's is my coffee?" tanong nito sa akin, at tumingin, nakakakaba ang mga tinginan nitong lalaking ito, agad naman ang nagtimpla ng kape niya at nilapag ang coffee sa table niya.

"You have a meeting with the managers at 10 a.m sir" sabi ko dito nakatingin ako sa tablet na hawak ko nandun ang schedule niya sa araw na yun, tumango lang ito habang nakatingin sa laptop niya at humigop na kape.

"Okay, you may go, I call you if I need you" sabi nito, tumango lang ako at nagmamadaling lumabas ng office nun grumpy monster.

Napabuntong hininga lang ako, nun naretired si Ma'am Agnes dapat magreresign na din ako pero sinabi nito na magiging executive secretary ng anak niyang panaganay. Meron limang anak sila Ma'am Agnes at Sir Lucas, na si Aries Luke Agoncillo, Aiden Louis Agoncillo, Austin Lance Agoncillo, Axel Lawrence Agoncillo and the youngest is the only girl Aria Lucille Agoncillo. Ang mga Agoncillo ang nagmamay ari  ng mga kilalang hotel and restaurant, may mga resort, iilang supermarket at malls ang pamilya Agoncillo. 

Pero di niya alam na nuknukan ng sungit itong bagong boss ko, unlike Ma'am Agnes na palangiti at mabait, kabaliktaran ito ng ina, nakilala ko din si Sir Lucas mabait din ito ewan ko ba pinaglihi ata ito sa sama ng loob.

Nagising lang ako ng tawagin niya ako, nakatayo na pala ito sa harap ko at asual nakakunot noo ito, Y-yes sir" sabi ko dito, at napatayong bigla.

"Magbebreakfast ako sa labas"  sabi nito, tumango lang ako sa kanya. What are you waiting for?" tanong nito sa akin. 

"P-po?" tanong ko dito, humarap ito at namewang pa sa harap ko. " Magbebreakfast ako, you're my secretary right, do I need to spell it out" masungit na sabi nito sa akin. 

"Y-yes sir" sagot ko dito agad naman ako nag ayos ng gamit at binitbit ko yung tablet at lahat ng kakailanganin ng boss kong masungit, agad akong sumunod dito, nadaanan ko si Anne at tumingin ako dito at kunwari'y umiiyak, napailing na lang ako.

Pagdating namin sa harap ng elevator agad kong pinindot yung button down, tinext ko din si Mang Marlon na driver niya na maghintay sa labas dahil kakain sa labas yung monster este yung boss namin.

Pababa kami bumukas ang elevator sa fourth floor It's Sir Aiden pumasok din ito sa elevator, "Good morning bro" bati nito sa kuya tumango lang ito at kunwari'y  sinuntok ang braso ng kapatid.

"Hi Miss Florence, good morning" bati nito sa akin at ngumiti, "Hi Sir Aiden, good morning too" nahihiyang bati ko dito, at tipid na ngumiti, napatingin naman ako kay Aries pero nakatingin lang ito ng straight, tss.

"Where are you going?" tanong nito sa akin, "Magbebreakfast po si  Sir Aries" sagot ko dito, nahihiya kong sagot dito, nakikipagkwentuhan naman talaga si Sir Aiden sa lahat, unlike this grumpy monster ilag tuloy lahat ng employees sa kanya, nakakatakot kasi ito.

"Where?" tanong nito sa sa kuya, "Where are you going kuya?" tanong nito sa kuya niya, napatingin ako dito, di ko alam kung san nga ito kakain ng breakfast. "it's unusual that your not eating breakfast, di ka umaalis ng bahay ng di kumakain" dagdag pa nito.

"Galing akong condo" tipid na sagot nito sa kapatid, at tinginan ito.

"You're scary bro" sabi nito at tatawa tawa, pero mukha naman di natakot sa kapatid ng titigan ito ng masama, "You're scary stop that kind of face, you might scare Florence, kuya" sagot nito ngumiti at tumingin sakin, ang gwapo po sabi ng isang parte ng isip ko.

Bumukas ang elevator, agad naman lumabas ito, sumunod naman ako agad dito, tumango lang ako kay Sir Aiden, kumaway lang ito sa amin, nakita ko na nag aabang na si Kuya Marlon sa tapat ng kotse nito.

Pinagbuksan ng guard ni Sir Aries, umupo naman ako sa passenger seat at nasa likod ito, sinabi nito kung saan kami kakain sa favorite restaurant kami pumunta, agad naman kaming sinalubong ng isang magandang babae mukha din itong mayaman, lumapit ito sa amin at humalik sa pisngi ni Sir Aries.

Napatingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay, "G-good morning ma'am" sabi ko dito at tipid na ngumiti, "Who are you?" tanong nito sa akin, napalunok naman ako ng tanungin ako nito, she's glaring at me.

"She's my personal secretary" tipid na sagot ni Sir Aries, at tinignan ang dalaga, ngumiti naman ito at kumapit sa braso ni Sir Aries, napabuntong hininga lang ako.

"Mukhang girlpren ni bossing yun no" tanong nito sa akin, "Yeah, sa tingin ko nga po" sagot ko dito, umaga pa lang pagod na ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status