JustineNagulat talaga ako sa biglang pag yakap sa akin ni Antonnette. Pero hinayaan ko na lang ito. Natural lang din naman na yumakap ito sa akin kasi nga naka sakay ito sa motor ko. Pero sana lang ay huwag bumaba ang kamay nito at baka may mahawakan siya bigla sa akin. Mag taka pa ito kung ano yung malambot na bagay pero malaki na nahawakan niya. Baka bigla na lang tumigas yun at tuklawin siya ng wala sa oras. Nakakahiya pa tuloy dito na naka sakay siya banda sa likod ko. Mag hapon ko na kasing suot ang damit ko na ito at medyo pinag pawisan na rin ako. Kaya nahihiya ako sa kanya na baka amoy asim na ako. Hindi naman sa nag aalala ako na baka ma turn off ito sa akin. Pero syempre ayaw ko naman isipin niya na may amoy ako no. Malinis kaya ako sa katawan ko. Kahit itanong mo pa kay Roselle na siyang nakakaalam ng lahat. Hayst again Roselle again. Kailan ko ba makakalimutan ka? Paano naman kitang makakalimutan kung nakikita kita dito sa campus araw araw. Idagdag pa na Prof kita s
JustinePag labas namin ng store ay mabilis na hinila ako ni Antonnette papunta sa may isang sulok at bigla na lang ako nitong isinandal doon. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito. Kaya napa lunok na lang ako ng wala sa oras. Bakit ba galit pa rin ang isang ito eh tapos naman na siya makipag usap doon sa manager. Maya lang ay may bigla na lang kinuha ito sa kanyang bag at alcohol pala yun. Nilagyan kaagad nito ang aking kamay ng alcohol lalo na doon sa part na hinawakan ni ate girl. "Sa susunod ay huwag kang basta basta nag papahawak na lang kung kani kanino ha. Paano na lang kung wala ako doon ha? Eh di sinamantala na niya ikaw. Bwisit talaga na malanding yun. Kung hindi lang ako nahiya sa mga tao dito ay kanina ko pa kinalbo ang pangit na buhok niya. Hayst bwisit. Kainis!!!" Tungayaw nito sa akin. Mabilis naman na hinawakan ko ang kamay nito at hinaplos haplos yun. Baka kasi sa ganitong paraan ay kumalma siya. Bigla naman itong natahimik dahil doon at bigla din namula ang
JustineParang bigla naman akong naawa sa sinabi nito na malungkot siya na mag isa lang itong kumakain. Bigla ko tuloy nakita ang sarili ko dito na mag isa din lang kumakain at namumuhay na sa buhay. Pero ito kahit paano ay may magulang na pwede pa nitong makasama kung gu gustuhin niya. Pwede siyang umiwe sa kanila kung na mi miss niya ang mga ito. Samantalang ako. Kahit anong gawin ko ay wala na. Dahil matagal na silang patay at kailanman ay hindi ko na sila makakasabay kumain kahit anong gawin ko. Hayst ayaw ko na maging malungkot kaya naman iwinaksi ko na lang sa isip ko ang bagay na yun. "Sige dito na lang ako kakain. Pero ako ang mag luluto ha. Alam ko na pagod ka at masama ang pakiramdam mo. Kaya mag pahinga ka na lang muna dyan ha." Sabi ko dito. At tuluyan na kaming pumasok sa unit niya. Pinaupo ko na lang Muna ito sa may couch at inilagay ko na rin lang sa sofa nito ang aking dalang gamit. "Ikaw ang bahala kung yan ang gusto mo " naka ngiti na sagot naman nito sa akin.
JustineNiyaya ko na itong kumain. Bago pa may magawa ako dito na hindi nito magustuhan. Namumuro na ito sa akin eh. Mabuti na lang at hindi na ito nagpasaway pa at sumunod na rin sa akin pag tayo ko sa couch. Takot yata na makiliti ko ulit eh. Sure naman kasi ako na uulitin ko ulit sa kanya yun pag nang inis pa ito eh. Dito man lang ay maka ganti ako sa kanya. Ngayon ko din nalaman na malakas pala ang kiliti nito eh. Hehehe may pan laban na ako dito pag nag maldita ulit ito sa akin. Pag dating sa kitchen ay nag hugas lang saglit ito ng kamay at naupo na ito. Agad ko naman na ipinag lagay ito ng kanin sa kanyang plato at inilagay sa harap nito ang nasa mangkok na sinandok kong ulam para sa kanya. Para maka higop na rin tuloy ito ng sabaw. Nag simula na rin ako mag sandok ng para sa akin. Ewan ko lang ha kung gusto nito ng ganyang luto ng ulam. Wala akong alam sa mga luto ng pang mayayaman eh. Sabi naman niya ay hindi siya mapili at bahala na ako eh. Dahan dahan na nilingon ko
JustineHalos ilang linggo na rin ang nakalipas mag mula ng magka sundo kami ni Antonnette about sa pan piligaw ko dito kono.Sa mga nakalipas na linggo din na yon ay napatunayan ko na hindi naman pala talaga ganun ang ugali nito. Katulad ng ipinapakita nito sa campus. Ibang iba yun pag kami ang mag kasama. Napatunayan ko na mabait naman pala talaga ito at masarap kasama. Ma kwento kasi ito at ako naman ay isang dakilang taga pakinig dito. Naging daily routine na rin namin na sa garden kumain. Alternate kami sa pag luluto. Pag ako halimbawa ang nag baon ngayon kinabukasan ay siya naman. Natikman ko na rin ang mga luto nito at isa lang ang masasabi ko. Pwede ng pag tyagaan. Hindi ko na lang pinapahalata sa kanya na hindi siya masarap mag luto sa totoo lang. Hahaha Baka kasi hindi na ito ulit mag luto eh. Halata naman kasi sa kanya na nag sisimula pa lang ito mag luto eh. Kita ko nga minsan yung kamay nito na parang may mga paso pa eh. Yung iba may naka lagay ng band aid. Naaawa
AntonnetteNakakainis ang Justine na ito. Bwisit talaga kinikilig na ako eh. Tapos bigla ba naman akong sasabihan ng hindi daw ako naka inum ng gamot ko kaya nababaliw na naman ako. Tangina lang talaga. Kung hindi lang kita mahal na bwisit ka ay kanina ka pa naka tikim talaga sa akin ng sampal. Bwisit!!Inis na sumakay na ako ng elevator at iniwan ito sa condo ko. Bahala ka dyan na mag habol. Masyado mo na akong iniinis eh. Kasalanan mo din naman yan. Imbis kasi na sakyan mo na lang ang sinabi ko ay ganun pa ang rebat mo sa akin. Nang makapasok na ako ng elevator ay nakita ko naman ito na nag mamadali na tumatakbo pa punta sa akin. Pasara na kasi ang elevator eh. Inismiran ko lang naman siya ng maka abot ito na makapasok sa loob. Tahimik lang naman ito sa may bandang gilid ko at hinayaan lang naman ako. Mukhang na realize na rin nito ang ginawa niya kaya hindi na ako kinulit pa. Ganito kasi ito pag alam niya na inis na inis ako sa kanya. Parang maamo lang ito na tupa na nasa gili
JustineKitang kita ko kung gaano kasaya si Antonnette sa lakad namin ngayon. Tama lang pala ang desisyon ko na dito ko na lang siya da dalhin. Kaysa sa mga fancy na lugar na hindi din naman kaya ng budget ko. Mabuti na nga lang at hindi ito nag inarte pa eh. Tuwang tuwa din siya kasi naman ang dami namin napanalunan na mga stuff toys at hindi lang basta stuff toys yun ha. Ang lalaki pa. Pinakuha na nga nito sa kanilang family driver ang mga yun eh. Nakangiti lang naman ako na nakatingin sa kanya. Mabuti na lang talaga at medyo malaki ang tips na binigay sa akin ng costumers namin sa club kahapon. May pinang date ako sa kanya ngayon. Yap consider ko na date ito. At masaya ako na kahit singko ay hindi ko hinayaan na mag labas siya ng pera niya. Kahit na panay ang insist nito sa akin. Ako ang nag aya dito at nakakahiya naman kung always na labas na lang namin ay nag aabot ito ng pam bayad. Malaki din naman ang hiya ko sa aking sarili no at hindi din naman ako ganun mapag samantala
JustineAfter namin kumain ni Antonnette ay nag ikot ikot muna kami dito at nang makakita kami ng couple shirt ay bumili din kami nito. Go with the flow na muna ako ngayon. Sunod lang sa agos ng buhay. Total wala din naman magagalit at pareho din naman kaming single ni Antonnette eh. Kung ano na lang ang alam sa amin ng mga tao eh di yun na rin lang ang ginagawa namin dalawa. Tuloy lang naman ako sa kunwari ay panliligaw ko sa kanya. Hindi ko din naman alam kung hanggang kailan ko siya dapat ligawan. Wala pa naman kaming napag usapan kung hanggang kailan eh. Basta sunod lang ako sa gusto nito. Mabuti nga yun at nag e enjoy ako sa buhay ko ngayon eh. Hindi na lang puro trabaho at bahay ang naging buhay ko na ngayon. Hindi rin natuloy yung balak ko na mag tutor dahil ng makita ni Antonnette ang mga gusto na mag pa tutor sa akin ay mabilis nito na pina cancel ang application ko sa organization na yun. Ewan ko ba naman sa babae na ito. Ang sabi niya sa akin ay tumigil na ako mag wor