Share

Chapter 31

Justine

Parang bigla naman akong naawa sa sinabi nito na malungkot siya na mag isa lang itong kumakain. Bigla ko tuloy nakita ang sarili ko dito na mag isa din lang kumakain at namumuhay na sa buhay.

Pero ito kahit paano ay may magulang na pwede pa nitong makasama kung gu gustuhin niya. Pwede siyang umiwe sa kanila kung na mi miss niya ang mga ito.

Samantalang ako. Kahit anong gawin ko ay wala na. Dahil matagal na silang patay at kailanman ay hindi ko na sila makakasabay kumain kahit anong gawin ko.

Hayst ayaw ko na maging malungkot kaya naman iwinaksi ko na lang sa isip ko ang bagay na yun.

"Sige dito na lang ako kakain. Pero ako ang mag luluto ha. Alam ko na pagod ka at masama ang pakiramdam mo. Kaya mag pahinga ka na lang muna dyan ha." Sabi ko dito.

At tuluyan na kaming pumasok sa unit niya. Pinaupo ko na lang Muna ito sa may couch at inilagay ko na rin lang sa sofa nito ang aking dalang gamit.

"Ikaw ang bahala kung yan ang gusto mo " naka ngiti na sagot naman nito sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status