JustineFinals na namin ngayong week na ito at naka leave na rin ako sa work ko. Dahil kailangan ko na mag focus muna sa aking study. Mabuti na nga lang at madaling paki usapan si boss at na e intindihin nito ang aking kalagayan. May mga bakanting oras naman kami at doon ay bumabawi ako ng review. Ilang araw na irn na halos hindi kami nag kikita nitong si Antonnette. Mukhang parang iniiwasan na ako nito ng hindi ko alam ang dahilan. Nahalata ko kasi yun mula ng ihatid na ito ni baliw pa pasok ng school at pauwe. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at bakit bigla na lang na nagka ganun. Hindi ko din naman ito ma confront kasi nga sa tuwing pu puntahan ko ito sa kanyang room ay naka alis na ito o kung sa lunch naman ay wala ito at sa labas daw kumain sinundo ni Baliw. Ayaw ko man mag isip ng hindi maganda sa kanila au hindi ko naman maiwasan. Pero ngayon ay hindi ko na muna ito guluhin. After ng exam ay pipilitin ko talaga na kausapin ako nito. Hindi naman pwede na basta ganyan n
Justine"Pag aari kasi namin ang mall na ito kaya kilala nila kami." Nakangiti na sabi sa akin ni Ma'am Julie. Doon lang nasagot ang aking katanungan, kaya naman pala kilalang kilala sila dito eh sa kanila naman pala ito. Hindi na rin ako kailangan na kabahan pa na baka mga sindikato ang mag asawa na iti dahil nga sa yaman nila na ito ay talagang nag sasabi sila mg totoo. Mas lalo naman na kumapit sa braso ko si Ma'am Julie. Na hinahayaan ko lang naman. "Saan mo gusto kumain iha? Pili ka lang." Naka ngiti na baling nito sa akin at hinaplos pa talaga ang aking pisngi. Medyo nailang naman ako sa kanyang ginawa. Kahit ba magaan ang loob ko sa kanila ay hindi naman ako sanay na ginaganito ako eh. Oo sabik din ako sa magulang. Kasi nga ilang taon na rin na patay ang parents ko at saka kahit buhay pa naman sila ay hindi din naman kami nakaka pag bonding ng ganito dahil ang kadalasan namin na ginagawa ay ang mag trabaho ng mag trabaho para may makain kami. Kaya nga halos hindi din kam
JustineHalos hindi naman na magkanda dala ang mga staff ng Mall sa pag bitbit ng mga pinamili namin nila Ma'am Julie at Sir Oscar. Todo na nga ang hiya ko sa mga ito at panay pa ang sabi ko sa kanila na huwag na nila akong ipag grocery pa pero para lang ako nakikipag usap sa hangin. Parang walang naririnig ang mga ito at panay lang ang lagay nila sa cart na dala ng mga staff. Parang sila na nga ang nag grocery sa akin at naka sunod na lang ako sa mga ito. Hindi ako mapag samantala na tao. Pero pakiramdam ko ay parang naging ganun na ako sa kanila ngayon. Halos gusto ko na ngang tumakas sa mga ito para lang maka layo na sa kanila. Dahil sa totoo lang ay sobra hiya na ang nararamdaman ko sa mga ito. Iniisip ko din kung paano ko ma e uuwe ang nga yun eh naka motor ako. Wala naman carrier ang motor ko tsaka kahit meron ay hindi pa rin ubra sa dami ng mga binili nila. "Justine iha. Please pag bigyan mo na kami sa bagay na ito. Pasasalamat namin ito sa iyo dahil sa ibang saya ang na e
JustineAgad na binuksan ko naman ang pinto ng apartment ko at kahit na nahihiya sa mga bisita ko ay pinapasok ko sila. Mas nakakahiya naman kung hindi ko man lang sila aalukin na pumasok at bigyan ng maiinom kahit na malamig na tubig man lang. "Tuloy po muna kayo sa aking maliit na tahanan. Pasensya na po kayo at medyo mainit po dioto ha." Sabi ko sa mga ito. "Okay lang Justine. Sanay naman kami sa init eh." Sagot naman sa akin ni Sir. Samantalang si Ma'am Julie naman ay agad na inilibot ang kanyang paningin na para bang sinisiyasat nito ang bawat angulo ng tirahan ko. Oo alam ko na medyo magulo nga ngayon dahil hindi pa ako nakakqpag linis at busy ako masyado sa trabaho ko at sa work. Sama nyo na rin sa girlfriend ko na parang may plano pa yata na e ghost ako nito. Humanda talaga ito ng matinding paliwanag sa akin dahil hindi ko basta basta ta tanggapin ang paliwanag nito na hindi naman kagandahan. Maya lang ay nag paalam saglit ako sa kanila at kukuha lang ako ng ma iinum sa
JustineKatatapos lang ng exam namin at ngayon nga ay pinuntahan ko na mismo itong si Antonnette sa kanilang building. Nakita ko kasi ang schedule nila ng exam kaya alam ko na hindi pa sila tapos ngayon. Nqg hi hintay na ako dito sa harap ng room nila sa may gilid banda. At tanaw ko na ito na seryoso ito sa pag sagot sa test paper niya. Parang medyo namayat ito sa halos mahigit isang linggo na hindi ko ito nakikita. Hayst ano ba kasi ang nangyayari sa kanya? Girlfriend niya ako pero hindi man lang niya ma share sa akin kung ano ba talaga ang problema. Maya lang ay nakita ko na itong tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nag pasa na ito ng test paper. Dala na rin nito ang gamit nito kaya naman tumayo na rin ako mula sa aking kina uupuan upang lapitan na ito. Baka kasi makatakas pa ito. Nang nasa labas na siya ng room at mukhang busy ito sa pag tingin ng kanyang phone ng bigla ko na lang siyang lapitan at hawakan ang braso nito. Mas maganda na hawak ko siya baka kasi makatakas pa eh
JustineMaya lang ay mabilis ko ng kinabig ito sa kanyang batok at pinag lapat ang labi namin na dalawa. Magka dikit lang naman ito habang pareho na patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mga mata namin. Napaka bigat ng dinadala namin ngayon sa dibdib. Yung alam mo na mahal nyo naman ang isat isa pero hindi na nga pwede. Nakakapang hinayanh lang dahil sa nangyari na yun ay kailanman hindi na magiging kayo nito. Yung mahal nyo naman ang isat isa at hindi naman kayo nag away or Wala naman kayo pinag awayan pero dahil nga sa pagiging hindi maingat at ang mga damuho na yun ay nagka ganito kami ni Antonnette. Hindi ko din naman ma sisi si baliw kung bakit kailangan din na pa panagutin nito si Antonnette sa nangyari sa kanila. Hindi din naman ganun kadali na mawalan ng iniingatan mo. Pero kung hindi din dahil kay Antonnette ay hindi ko lang alam kung ano na din ang nangyari dito. Baka pinag pyestahan na siya ng mga lalaki na yun na may masamang balak sa kanila. Pasalamat na rin ako kasi n
JustineNang makarating kami sa parking lot ay excited na sumakay ito sa motor ko. "Hindi naman halata na miss na miss mo ang sumakay dyan ah." Natatawa na sita ko dito. "Naman, at alam ko na miss mo din ang yakap ko habang naka sakay ako dito. Kaya wag kang ano dyan. Give and take lang ito no." Natatawa din na sagot nito sa akin. "Hahaha oo na lang. Pero sayo halatang halata naman kasi masyado." Hindi pa rin tumitigil na pam bu buska ko dito. "Tumigil kana dyan ha. ako pa rin ang Queen bee dito at hindi ako mangingimi sa sampalin kita dyan pag nainis ako sayo." Pananakot naman nito sa akin. Nag react naman ako na parang takot na takot sa sinabi nito sa akin."Bwisit ka talaga Justine. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sayo eh sa totoo lang di ka naman kagandahan talaga eh. Mukha ka pa ngang palaging puyat na bruha." Sagot nito sa akin. Sus nilait pa ako eh kung hindi ko lang alam na crush na crush kaya ako nito. Huwag nga siya dyan. "Ngayon ginaganyan mo na ako porket fri
JustineNatatawa ako na itinuloy ko na muna ang pagkain ko ng balot. Sayang kasi eh. Kung alam ko lang na itatapon nito yung hawak niyang balit ay di sana nasambot ko man lang yin. sayang din kasi eh. Kakainin ko na lang sana yun eh. Nakatingin lang ito sa akin habang parang nandidiri na kinakain ko yung buong sisiw. Hanggang sa matapos akong kumain. Halos inumin ko naman na yung suka ng balot dahil nga mas nasa sarapan akong kumain kapag halos naliligo na siya sa suka na maraming sili. Mahilig pa naman ako sa maaanghang na pagkain kaya baliwala lang ang maanghang na suka sa akin. "Ano ba mga kinakain mo na yan Justine para kang hindi babae eh. Sa lahat ng mga pinakain mo sa akin na kakaibang pagkain ay dito ka lang nag fail. Pati nga pala doon sa mabaho na parang bulok doon sa apartment mo nung pinatulog mo kami doon. The rest ay pasado lahat sa akin. Ito talaga ang hindi ko kayang kainin. sa totoo lang. Kahit na magka pilitan pa tayong dalawa dito." Sabi nito s a akin. "Oo na hi