Share

CHAPTER 25

HINAMPAS NAMAN NIYA ako na ikinatuwa ko. Aba! Siya pa lang 'yung babaeng gumagawa sa akin nito at saka 'yung pananaray niya! Pasalamat siya fiancé siya ng kuya ko eh!

"Si ano nasaan?" Tanong niya at inilibot ang paningin.

"Sinong ano? Walang ano rito!"

"Baliw! 'Yong kuya mo!"

Oo nga 'no? Nasaan si kuya?? Nilibot ko ang paningin ko. Tanging mga kalalakihan lang ang naglilinis at nasa tabi naman namin sina Philip. Wala si kuya.

"Umalis siya, dinala niya yata si Danica sa hospital," sagot naman ni Nathan. Napakunot naman ang noo ko.

"Dinala?? Anong nangyari kay Danica? Nabaril?" baka nag-o-oa-oa lang siya para magpapansin sa kuya ko, gawain niya 'yon, e.

"Baka...duguan kasi kanina eh," sagot ni Ivo.

"Ah, kawawa naman!"

"Mukhang bumabalik na naman si Clever sa dati, ah. Nagiging care-person na naman siya," sabi ni Philip, tama-tama! Kwento sa akin heartless 'yan ni kuya eh! Palibhasa mas guwapo ako sa kaniya.

"When it comes to Danica, nagiging malambot siya. Anong nagustuhan niya roon?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status