Share

CHAPTER 30

NIYAKAP KO ANG LIBRO ng mahigpit, ilang segundo wala akong nakuhang sagot kay kuya kaya tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin na parang naaawa at nakanguso siya. Mukhang malungkot din ang mga mata niya. Napakunot ang noo ko.

"Luh? Napaano ka?? May nang-away ba sa 'yo??" Parang may nanggulat sa kaniya at bigla siyang napatalon ng bahagya. Umiling siya sa akin at nag-iwas ng tingin. Niliitin ko siya ng mata. "You're spacing out ano??"

"Hmm, yeah, by the way, are you hungry?"

Yown! Sa wakas kakain na rin kami!

"Oo naman! Tinatanong pa ba 'yan? Tara na!" Binitawan ko ang libro at hinatak siya.

Abot sa tainga ang ngiti ko habang patalon-talong hila-hila si kuya. May mga nadaanan naman kaming nag-gagandahang dilag na todo ngiti rin sa amin at todo bow.

"Naku! 'Wag na kayo yumuko, kami lang 'to! Ang guwapo sa mundo!" h

Humagikgik naman ang iba, ang iba naman ay namumula. Aba dapat lang! Sino ba namang hindi kikiligin sa mukhang 'to?

"OMG! totoo nga pala talagang may kakambal si s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status