Share

CHAPTER 38

LEEXIYA'S POV

NALAMAN KO NA LANG NA wala silang anim kaya pala napakatahimik ng bahay.

Pupunta sana ako sa terrace pero nakalimutan ko nakalock pala lahat ng mga pinto, hays! As if namang alam namin 'yung daan paalis dito para ilock pa nila 'yung pinto.

"LILI GIRL!" Napatakip ako ng tainga ko dahil sa sigaw ni—Claver???

So kaming dalawa lang dito niyan? Nako! Ano na naman kayang magagawa namin kung kami magkasama?! Sinto-sinto pa naman yata 'tong isa.

"Ano?! Makatawag ka parang 10000 feet 'yung layo ko sayo, ah!"

"Lili!" Tawag niya ulit at pumunta sa harap ko na naghahabol hininga.

Anong nangyari dito? May nakita ba siyang multo? 'Wag naman sana! Nakakatakot na nga, eh! Laki pa naman nitong bahay.

"W-Wala sina kuya!" Masaya niyang sabi.

Kinunotan ko siya ng noo, "Oh, ano naman? Hindi naman bago na wala sila rito, busy sila hayaan mo na."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!"

Ngumiti siya ng malapad at winawagayway ang isang susi. Nanlaki bigla ang mata ko, teka paano niya nakuha 'yun??

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status