Share

Chapter 15

Pagdating ng magkaibigang Fiero at Inggo sa court ay hindi nila inaasahan na dadagsain ng tao ang lugar. Nag-dalawang isip tuloy sila kung itutuloy pa ba o hindi na lang ang pagpila dahil sa haba nito, ngunit sa huli ay mas pinili ni Inggo na magtiyagang pumila. Hindi puwedeng umuwi siya nang walang dala dahil paniguradong yari siya sa kaniyang asawa.

Sa sobrang haba ng pila ay halos hindi na nila matanaw ang mga volunteer na namimigay.

"Ayos lang makakarating din tayo sa unahan, mabilis lang naman ang abutan," sabi ni Inggo na pinakakalma ang sarili para hindi makaramdam ng pagka-bagot.

"Dapat pala alas sais pa lang ng umaga ay nakapila na tayo," ani Fiero.

Mabilis naman ang usad ng pila ngunit sa tingin niya ay aabutin pa rin ng kulang dalawang oras bago sila makarating sa pinaka unahan.

"Oo nga, ito naman kasing si Imang ang sabi sa akin ay siya ang pupunta, tapos ang siste ay ako pa rin pala ang uutusan. Dinadala lang kasi ako sa tapang ng babaeng 'yon, eh. Napakagaling manakot,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status