Share

My Lawyer Ex-Boyfriend (COMPLETED)
My Lawyer Ex-Boyfriend (COMPLETED)
Author: Athan_san

Chapter 1

" Hoy, Bella, tara na rito!" pagtawag sa akin ng pinsan ko.

Naupo ako sa kaniyang tabi at pinagmasdan ang ginagawa niya. Narito kami sa likod ng gym, tumatambay habang may pagkain na nginangatngat. Wala ang dalawang kaibigan namin at tila hindi pumasok sa aming klase. Ang haba ng vacant namin, limang oras. Sana pala umuwi na lang ako pero baka magtaka na naman ang tatay ko. 

" Anong ginagawa mo, ha?" tanong ko. 

Inirapan ako ng pinsan ko. Yeah, kung nagtataka kayo kung bakit kaklase ko siya syempre nag-advance exam siya para maging kaklase ko raw ang bruha. Ayaw pa nga sanang payagan nila Tita pero nagpumilit lang. 

" Bulag ka ba? Malamang nag-e-edit ako!" masungit na sagot niya sa akin. 

Tumawa lang ako sa kaniyang isinagot. " Ako? Chill lang, basic lang kasi iyan!" pagmamayabang ko. " Maaari na akong maglakwatsa!" pag-iinggit ko sa kaniya.

" Saan naman? Sa parke?" batid ko ang sarkasmo sa boses nito. Kung hindi ko lang siya pinsan, baka nasabunutan ko na siya ng todo.

" Diyan lang, baka may magkagusto sakin sa tabi-tabi!" 

Sinamaan niya ako ng tingin. " Hindi ka pinalaki nila  Tita na maging kaladkarin lang, bruha ka!" sermon niya sa akin. 

Ngumuso lamang ako. " Hindi naman ako kaladkarin, ano! Joke lang kasi iyon."

" Tse! Huwag mo akong dramahan kung ayaw mong ibitin kita patiwarik." banta niya sa akin. 

Tumahimik na lang ako at ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang ginagawa. Patapos na rin naman siya kaya kinukulit ko talaga na gumala kami ngayon. Gusto ko lang talagang i-relax ang ulo ko dahil sa madaming pinapagawa ng professor naming panot. 

" Tara na kasi sa mall mamaya. Hmm?" pagpupumilit ko sa kaniya. 

Huminga siya nang malalim bago ako harapin at itiklop ang laptop niya. " Fine! Kapag ikaw, Bella gumawa na naman ng ikakapahamak mo, ewan ko na lang kung ipatapon ka bigla ni Tito sa Amerika." 

" Matino naman ako. Hindi ako ipapatapon ni Daddy sa Amerika at ayaw ko roon," nakasimangot na sagot ko. Spoiled brat na kung spoiled brat. Pinalaki akong ganoon at wala naman akong magagawa dahil hindi ko mabago ang sarili ko kahit na anong pilit ko.

" Maraming banta sa buhay mo, kaya iniingatan ka lang ng Daddy mo." 

Inakbayan ko siya. " Basta sa mall tayo pagkatapos ng klase natin. Kasama naman kita," nakangiting sambit ko. Nagpa-cute pa ako para lang pumayag siyang samahan ako. Her weakness.

" Oo na, Bella. Tigilan mo na ang pagpapa-cute dahil hindi ka naman cute!" iiling-iling na sambit niya. 

Bumitaw ako sa aking pagkaakbay sa kaniya at ngumisi lamang rito. " I ain't cute, I'm beyond beautiful." pagmamayabang ko at nagkunwaring rumampa sa harap niya. 

" Nagbuhat ka na naman ng sarili mong upuan," she answered full of annoyance.

I just roll my eyes on her. " Inggit ka lang," 

Hindi na ito nagsalita at naglaro na lamang ng plants vs. zombies sa kaniyang Ipad. Kinuha ko naman ang cellphone ko para buksan ang social media account ko. Ilang minuto pa ang lumipas, inayos ko ang aking sarili at nag-apply ng kaunting liptint sa aking labi. Naglagay rin ako ng kaunting face powder at ayon, fresh na ulit ako.

I ponytailed my long wavy hair at nagtira ng iilang maliliit na strand ng aking buhok. I took a lot of pictures in different angle. May stolen shots pa ako na si Achi ang laman niyon. Nang magsawa ako ay ipinost ko iyon sa i*******m account ko.

Nag-scroll lang ako habang nakaub-ob ang aking ulo sa lamesa. Ramdam ko ang antok kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Pero nagising ako bigla dahil nakarinig ako ng mumunting tawa sa aking tabi. 

Iminulat ko ang aking mata at nabungaran ko ang pinsan kong si Achi na tumatawa mag-isa. Kumunot ang noo ko at dumukwang sa kaniya para tignan kung ano o sino ang tinatawanan niya kaya napatingin ito sa akin na may pagtataka.

" Oh! Gising ka na pala, Bella!" gulat na saad niya.

Inirapan ko siya, " hindi pa ako gising, Achi! Putangina, ang ingay mong tumawa!" nakabusangot na asik ko sa kaniya. " Wala man lang pakundangan ang tawa mo. Alam mong natutulog ako," dagdag ko pa. Nakakainis. 

" Nakakatakot ka naman, Bella! Tsaka nakakatawa itong pinapanood ko, eh." 

" Wala akong pakialam," pabalang na sagot ko sa kaniya. 

Hininaan na lamang niya ang volume ng kaniyang selpon. Tinignan ko na lamang ang aking relo at halos ilang minuto lang ang aking itinulog. Damuho kasi ang bruha. Napaka-ingay ng bunganga. 

" Umalis na lang kaya tayo?" wala sa kawalan niyang tanong.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko pa siyang itinataas-baba ang kaniyang  kilay. Mukhang excited rin ang babaeng ito, patanggi-tanggi pa kanina, tapos ngayon mag-aaya siya. Ibang klase!

" Paano naman tayo makakatakas sa gwardiya, aber?" 

Nagkibit balikat na lamang siya sa akin bago tumayo. Nang maayos ko ang aking bag ay walang pakundangan na lang niya akong hinila paalis sa aming kinaroroonan. 

" Ano ba! Tumigil ka muna!" hingal na hingal na sigaw ko sa kaniya. Ang layo na nang tinakbo namin at pagod na ang aking mga paa. Ang haggard ko na tuloy, wala pa man din akong dalang extra damit. 

Ngumisi lamang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagtakbo hanggang makarating kami sa may gilid ng gate, hindi kalayuan sa mga gwardiya na nagbabantay.

" Weak naman ng isang De Marco!" she hissed. Tumawa pa siya nang mahina ng makitang inirapan ko siya. " Weak talaga," gatong pa niya.

" Hoy! Hindi ako weak!" sikmat ko sa kaniya. " Ano? Saan tayo dadaan?" tanong ko.

Ngumisi na naman siya. Mukha siyang asong ulol. " Mukha kang ulol," 

" At least mukha lang pero hindi pa nau-ulol!" 

Umakyat siya sa pader kaya nagtaka ako kung bakit siya umakyat roon. " Bakit ka umakyat, riyan?" 

" Kasi nga, dito tayo dadaan para hindi tayo makita ng guard. Kaya halika na at i-abot mo sa akin ang iyong kamay para hindi tayo mahuli, Ms. De Marco," sabi niya sabay lahad ng kaniyang kamay.

" Ayoko." matigas na saad ko. " Baka magka-sugat pa ako sa pag-akyat,"

Sinamaan niya ako ng tingin. " Kapag hindi ka pa umakyat, walang pupunta ng mall, Bella." hamon niya sa akin.

Nainis ako sa kaniyang hamon kaya mabilis kong inabot ang kaniyang kamay at nagpahila sa kaniya. Nang makababa kami ay eksaktong naroon na pala ang Vugatti Veyron niya. Handang-handa ang bruha. 

Sumakay siya roon at isinuot ang helmet niya kaya sumakay na rin ako at isinuot rin ang helmet na extra. Mabilis niyang pinatakbo ang motor nito kaya napakapit ako sa kaniyang bewang. Tumatawa pa siya habang nagmamaneho at walang pakialam sa mga kotseng sinisingitan niya ng pwesto. 

Higit isang kalahating oras ang aming binaybay bago makarating sa MOA. Ipinarada nito ang kaniyang motor sa dulong bahagi ng parking lot. Maraming tao ngayon at hindi ko rin alam kung bakit. Inayos ko muna ang aking sarili bago kami pumasok sa loob. 

Mall? Ibig lamang sabihin niyan, damit na naman ang aming bibilhin. Lumibot kami sa iba't-ibang botique at may nabili na rin akong isang floral dress, shoes at bag. For sure, magagalit na naman ang aking mahal na ama dahil sa ginastos ko rito. 

" Hoy, Bella?" tawag sa akin ni Achi. 

" Ano?" hindi ko pa rin inalis ang aking tingin sa pagtitingin ng mga damit. 

Patuloy niya akong kinalabit kaya tinignan ko siya nang masama. " Ano nga iyon?!" naiinis kong tanong. 

Ngumuso siya sa ibang direksyon kaya sinundan ko iyon. Napansin ko ang tatlong lalaki na hindi kalayuan sa aming pwesto at nabigla ako nang biglang sumulyap ang lalaking naka itim na T-shirt sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. 

" T-tara na sa ibang botique, Achi." bulong ko sa aking kasama.

" Kanina ko pa sila napapansin kaso ayaw mong paawat sa iyong pagtitingin sa mga damit." she explained, " Mukhang type ka yata ng nakaitim kasi kanina pa siya sumusulyap sa iyo." sambit pa niya. 

Umiling lamang ako sa kaniya. " Baka saktan pa tayo niyan," 

Hinila ko ang laylayan ng kaniyang damit kaya nagtataka siyang tumingin sa akin. " Mukhang hindi ka naman sasaktan niyon. Ang gwapong nilalang! Baka nga schoolmate natin sila, napansin ko kanina ang hinubad na Varsity jacket ng kasama niya." paliwanag niya. 

" Baka kagaya lang, Achi." giit ko.

" I'm sure, type ka ng lalaking naka-itim. Lapitan mo na kaya?" 

Hinila ko ang hibla ng kaniyang buhok. " Gaga! Hindi ako marupok na  kagaya mo!" sikmat ko sa kaniya. 

She laughed. " Nakangiti sa iyo, pinsan!" 

Creepy! 

Sa sinabi niyang iyon ay umangat ang tingin ko doon sa pwesto ng mga lalaki at tama nga si Achi dahil nakangiti ito sa akin. Napalunok ako nang matitigan ko ng maigi ang kaniyang mukha. Shit, ang gwapo nga!

Hinila ko na lamang si Achi paalis roon dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa lalaki. May something sa kaniyang mata at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa isipin na iyon. Tumungo na lang kami sa ibang botique ngunit ramdam ko na parang may sumusunod sa amin kaya dahan-dahan akong lumingon sa aming likuran. Naroon sila at naglalakad na nagtatawanan. 

Nauna akong naglakad kaysa kay Achi. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pinansin. Umiwas rin akong tumingin sa aking likuran at dumiretso na lang sa food stall. Naupo ako roon umorder ng pagkain. I saw Achi coming in my direction. Napalunok ako nang  nakitang nakasunod ang mga lalaki kanina. 

" Ang bilis mo naman!" sabi niya sabay irap sa akin.

" Achi, nakasunod pa rin sila sa iyo." maktol ko sa kaniya. 

She just laughed and roll her eyes on me. " Tanga! Mukhang gustong magpakilala pero pilit ka namang tumatakbo."

Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim. " Mas pipiliin ko na lang ang tumakbo, Achi kaysa makipagkilala sa mga taong sumusunod sa atin." makahulugan kong sagot sa kaniya. 

She shrugged her shoulder before she ordered her own food. Nagpalipas kami ng oras roon kahit na ang awkward ng atmosphere dahil ramdam ko ang bawat tingin niya sa aking gawi. I tried to relax my fucking mind pero hindi umuubra. 

Paalis na kami sa food stall ngunit biglang sumakit ang tiyan nitong pinsan kong abnormal. Malamang, sa dami ng kinain niya talagang ma-iimpacho siya. 

" Samahan na lang kita sa restroom, Achi." prisinta ko na ikinailing niya.

" Kaya ko na, Bella. Hintayin mo na lang ako roon sa exit ng mall. Basta manatili ka lang sa maraming tao para makahingi ka ng tulong kapag nasa panganib ka." she said at mabilis na umalis sa aking kinatatayuan.

Naglakad ako patungong exit ng mall. Hindi ko na lang pinansin ang mga lalaki na nakasunod sa amin kanina ni Achi. Mukhang umuwi na rin sila at sana nga dahil hindi ko makayanan ang titig ng isang kasama nila. 

Nakatayo ako sa exit ng mall. Dumikit ako sa medyo maraming tao kagaya ng sinabi ni Achi. Wala naman kakaiba sa paligid ngunit biglang nanlamig ang buong paligid nang may nagsalita sa likuran ko. 

" May hinihintay ka?" malamig ang boses na galing sa aking likuran.

Nakaramdam ako ng kaba. Tumabi ito sa akin na siyang ikinabigla ko kaya napalayo agad ako sa kaniya. 

He laughed a bit. Ang sexy naman ng tawa niya. Ani ko sa aking isipan. 

" I don't bite, lady." aniya.

Umirap ako. " Wala akong pakialam. Bakit ka ba sumusunod?"

" I just want to meet you, lady. Is it bad?" 

Ako? Gusto raw niya akong makilala? 

" A-ako?" turo ko sa sarili ko dahil baka joke niya lang iyon.

Tumango siya at ngumiti sa akin. " I'm Kashmiere Geyser." pakilala niya.

" Anong paki ko sa pangalan mo?" masungit kong bara sa kaniya.

" I just want to know your name, lady besides, we're schoolmates!" 

Schoolmate? Bakit di ko masyadong nakikita ang mukha niya?

" I'm from the College of Law and you're from the College of Arts and Sciences right?" he asked. 

Kumunot ang aking noo. " Paano mo nalaman?"

" Schoolmate tayo. Nakikita kita araw-araw kasama ng mga kaibigan mo," sagot niya.

Hindi ako umimik dahil parang napahiya pa ako roon. Ang tagal naman ni Achi! Grabe, sabi niya hintayin ko pero ang tagal naman niya sa CR. 

" What's your name, lady?" he asked again. 

Dahil naiinis na ako at ayaw rin akong tigilan nitong tao na nasa tabi ko ay sinabi ko na lang ang aking pangalan. " I'm  Bella Amore,"

Napasinghap siya kaya tumingin ako sa kaniya. Pansin kong nakatitig siya sa akin bago nagsalita. " Beautiful name. It suits you well," he said. " You're beautiful, too."

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko siya pinansin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na ito sa akin. Eksakto naman ang dating ng pinsan ko na may ngisi sa kaniyang labi.

" Ano iyon? Nawala lang ako saglit pero mukhang nagkakilala na kayo, ah." tudyo niya.

" Tse! Tara na nga at makauwi na, ang tagal mo sa CR!" naiinis kong asik sa kaniya.

Tumawa lang ito ng mahina. " Kung hindi ako nagtagal, tingin mo magkakakilala kayo nang lalaki mo?" bara niya sa akin.

Nauna na lang akong naglakad at isinantabi ang sinabi niya. Wala naman akong pakialam dahil hindi naman ako interesado sa taong iyon. Lalaki ko? Pumuti muna ang uwak bago mangyari ang bagay na iyon. Asa naman na papatulan ko ang nilalang na iyon kahit pa gwapo siya, wala akong interes.

To be continued...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bessie Cousain
In English please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status