Share

Chapter 22.1

Bago pa makaimik si Amber ay dumapo na ang malakas na suntok sa mukha ni Dark Indigo. Sa lakas ay bumagsak ang lalaki sa sahig. Hindi pa nakuntento si Ashton sa pagsuntok, marahas niyang hinatak ang damit ni Indigo. Nang maitayo niya ito ay umamba ulit ito ng suntok. Kitang-kita ang panggagalaiti sa mukha nito.

"Tama na!" Nagawang mahawakan ni Amber ang kanyang kamay kaya natigil ang padapo ng kamao nito sa mukha ng kanyang pamangkin. 

Hindi niya gusto ang ginawang paghalik sa kanya ni Dark Indigo ngunit hindi naman niya maaatim na makita itong sinasaktan ni Ashton.

"Huwag mo na siyang saktan."

Matalim naman ang titig ni Ashton Blumentrint na bumaling sa kanya. Tila dismayado rin itong umiling. Pagkatapos ay marahas nitong ipiniksi ang kanyang kamay.

"Hindi pa tayo tapos, Indigo! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong 'to!" Mariing saad ni Ashton Blumentrint kasabay ng marahas na pagtulak niya sa kanyang pamangkin. Muntikan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status