Share

Chapter 36.1

Something is off. Iyon ang naramdaman ni Amber sa mga sumunod na mga oras. Pakiramdam niya ay naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Grei.

Gayunpaman ay hindi na lamang niya ito kinompronta. Aniya sa sarili, baka kasi nag-o-overthink lamang siya. Maaaring pagod lang ang lalaki kaya biglang naging matamlay ang pakikitungo nito sa kanya.

Tingin rin naman niya ay wala siyang nagawang masama. Tingin niya wala namang dahilan para magtampo o magalit ang lalaki sa kanya.

"Tatabi akong matulog sa mga bata." Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago ito kumuha ng damit pantulog sa kanyang maleta.

"Sige," maikling sagot niya. Ayaw na niyang mag-usisa pa.

At isa pa maigi na rin na doon ito matulog dahil hindi rin naman siya komportable sa ideya na makakasama niya ang lalaki sa iisang silid.

Hindi na rin siya kinibo ni Grei. Walang imik itong lumabas ng kanyang silid.

Mukha namang naging masaya ang gabi ng mga bata dahil naririnig n

amvernheart

Hello everyone. Hindi po ako magsasawang magpasalamat sa inyong suporta. Special thanks to Joven Dagang Ygloria, Sheryl Etac, Jugea Davin, Alfredo Carganillo and Eugen Armero. Love lots.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status