Awtomatikong nagkatinginan sina Don Flacido Villacorda at Tadeo Miguero.
"Can't you remember me, Hijo?"
Marahan at tila alanganing umiling si Ashton Blumentrint sa tanong ng kanyang ama.
Kaagad namang ginagap ng Don ang kamay ng kanyang bunso.
"I am your father. I am your papa, Hijo."
Nang hindi umimik ang lalaki ay sandaling bumaling ang Don kay Tadeo.
"And this is Tadeo, your most trusted man."
Sandali namang tinapunan ng tingin ni Ashton Blumentrint ang kanyang tauhan.
"Can't you remember anything?"
Hindi umimik si Ashton Blumentrint sa halip ay lalo lamang lumalim ang gitla sa noo nito. Kitang-kita naman ni Tadeo Miguero ang paglunok ng Don bago ito muling nagsalita.
"You are Grei."
Hindi naman napigilan ni Tadeo ang napalunok sa narinig.
"You are Grei Vallejos." Walang bahid ng pag-aalinlangang turan ng Don.
Lihim na lamang na nailing si Tadeo. Aniya sa sarili, ang &nbs
"Nasa'n na ba si Tado?" Naiinip na bulalas ni Amber. Halos kalahating oras na rin kasi siyang naghihintay sa VIP room ng restaurant na sinabi ni Tadeo na meeting place nila. "Pinagtri-tripan lang yata ako ng Tado na 'yon eh." Iritado niyang bulalas. Akmang tatayo na siya upang umalis sa lugar ngunit natigilan siya nang bumukas ang pinto. Pumasok roon ang matangkad na lalaking napakagwapo ang mukha. Napakurap naman si Amber. Awtotiko rin siyang napatayo. "Grei?" Hindi niya naitago ang pagtataka. Natigilan rin si Grei sa paghakbang. Tila ba hindi nito inaasahan na makikita siya nito. "Anong ginagawa mo rito?" Pinilit niyang bigyan ito ng munting ngiti. Naaalala niyang malamig ang pakikitungo sa kanya kanina ng lalaki ngunit pinilit pa rin niyang ngitian ito. Hindi naman umimik ang ginoo. Sa halip ay tuluyan nitong isinara ang pinto at tuluyang humakbang palapit sa kanya. Kitang-ki
" Hayop ka, Tado!" Muling dumapo ang isa pang malakas na sa kabilang pisngi ng lalaki. "Patawarin mo ako, Lady." Bahagya itong yumuko na para bang hiyang-hiya. "Hindi kita kinompronta noon sa ginawa mong pagsisinungaling. Kay Ashton ko ibinunton ang lahat ng galit ko noon. At mukha namang namimihasa ka na dahil inulit mo na naman ang lokohin ako! Tarantado ka!" Nagngangalit niyang pinaghahampas sa braso si Tadeo. Lahat naman ng iyon malugod na tinanggap ng lalaki. "Sorry, Lady." Kitang-kita ang pagpapakumbaba at sinseridad sa mga mata nito ngunit hindi naman naiwasan ni Amber ang pagtaasan siya ng kilay. "Sorry? Tingin mo ba mapapatawad kita?" Umiling-iling ito. "Ginawa mo na naman akong tanga, Tado." Kitang-kita ang pamumula ng mukha ni Amber dahil sa labis na galit. Bago makaimik si Tado ay muli itong nagsalita. "Imagine? Umiiyak ko ng ilang ulit sa isang
"At hinayaan ni balae na mangyari 'to? Pa'no na lang kung nakunan 'tong anak ko?" Humalukipkip si Amaya Velez. Hindi rin nito napigilan na paningkitan ng mata ang kanyang manugang. Kulang na lamang ay mag-alburuto ito sa galit matapos sabihin sa kanila ni Amber ang nangyari. Mabuti na lamang at nariyan si Norberto na pumipigil sa kanyang misis. "Nakakapanggigil! Hindi man lang nila inisip ang kalagayan ng anak ko! Kung nandito lang si balae, pepektusan ko talaga 'yon!" Nagngangalit nitong turan. "Ma!" Kaagad namang saway ni Amber sa kanyang ina ngunit hindi naman siya inintindi ni Amaya. Ni hindi man lang siya nito binalingan. Nanatili itong nakatingin kay Ashton Blumentrint. Para bang isa itong pulis na nasa isang interogasyon. "Iyak ng iyak ang anak ko noon tapos ngayon malalaman namin na wala naman pala siyang dapat ikaiyak." Tumaas ang kilay nito. "Gusto mo hampasin kita ng dospordos para matuluyan ka na, ha?"
Hindi naiwasan ni Amber ang mapasimangot habang tanaw-tanaw niya mula sa 'di kalayuan si Tadeo Miguero. Nakikipaghabulan sa dalampasigan ang lalaki sa dalawang bata. Tila naman tuwang-tuwa ang kambal habang nakikipaglaro sa kanilang Tatay Tado. Natigil lamang siyang pagmasdan ang tatlo nang maramdaman niya ang pagyakap ni Ashton sa kanyang beywang. "Huwag ka nang sumimangot, okay?" Dinampian nito ng halik ang kayang balikat. Mahina namang napabuntong-hininga si Amber kasabay ng pagharap siya sa kanyang mister. Kung siya lang ang masusunod ay pauwiin niya ora mismo ang lalaking kanyang kinaiinisan. "Please understand that we need Tadeo." Puno ng sinseridad ang mga mata nito. Masuyo ring humawak ang kamay nito sa kanyang pisngi. "Let's give him a chance, please." Lalo namang nagusot ang mukha ni Amber. Aniya sa sarili, hindi pa siya handang patawarin si Tado. "We know that my life is in danger. And the c
Napalunok si Amber sa narinig. Hindi niya naiwasan ang mapakurap. "B-bakit?" Aniya sa sarili, sa dinami-dami ng taong pwedeng maalala ni Ashton, bakit si Indigo pa na hindi nito kasundo? "Kaninang sumakit 'yong ulo ko parang narinig ko 'yong boses mo. You mentioned a name Indigo." Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Amber. Naramdaman rin niya ang pagkabog ng kanyang puso. "Ano pang sinabi ko?" Pag-uusisa niya. Marahang umiling si Ashton. "Hindi ko masyadong naintindihan." Tila naman nakahinga ng maluwag si Amber. Sa totoo lamang ay hindi pa siya handang magkwento tungkol kay Indigo. Lalo na at para sa kanya ay awkward ang relasyon nilang tatlo. "So, who is he?" Muling napalunok si Amber sa narinig. Kumurap-kurap siya at pinilit ngumiti bago nagsalita. "Si Indigo, pamangkin mo siya." Marahan namang napatango si Ashton bago nagsalita. "So, he's a kid?"
Hindi inaasahan ni Ashton ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Amber. Kinabukasan, matapos silang makauwi galing sa bakasyon ay dinala siya rito ng babae. Sa pagbaba nila ng sasakyan ay tumambad sa kanya ang magarang mansion. Malalaki ang mga bintana nito at gano'n rin ang pinto. Nangingibabaw ang kulay krema at ginto na siyang dahilan upang maging elegante ito sa paningin. "Ito ang mansion ninyong mga Villacorda," saad ni Amber matapos mapansin ang panunuri ng lalaki sa paligid. Naging dahilan naman iyon upang mapunta ang tingin n Ashton sa kanyang misis. "Nahahati ang mansion sa lima. Mayroong main house at may tig-iisang bahay para sa inyong apat na magkakapatid." Bago pa makaimik si Ashton ay nakuha ng atensyon nila ang isang tinig. "Hijo, I'm glad you're back." Parehong napunta ang tingin nina Amber at Ashton sa nagsalita. Mula sa malaking pintuan ng mansion ay lumapit sa kanila ang nakatungkod na si Don Flac
Pinanood ni Amber kung paano iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa paligid. Kitang-kita rin ang pagtataka sa mga mata nito kung bakit siya dinala ng kanyang misis sa isang makipot na eskinita. Sa paligid ay makikita ang dikit-dikit na mga bahay. Masasalamin rin ang kahirapan sa lugar dahil sa tagpi-tagping sako, lumang tarpaulin at plywood na dingding ng bahay. Bilang lamang sa mga bahay na naroon ang gawa sa semento at may maayos na bubong. "What are we doing here?" Puno ng pagtatakang bumaling siya sa babae. "Dito tayo unang nagkita. Dito tayo nagkakakilala." Hindi naman naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga matapos suriin ang paligid. Aniya sa sarili, mahigit sampung taon na rin ang lumipas ngunit bilang lamang sa daliri ang nagbago sa lugar. Ilan lamang sa mga bahay ang nabago ng anyo. Kung meron man siguro kapansin-pansin na pagbabago sa lugar. Iyon ay ang pagkakaroon na ng maayos na lamp post. "Dito tayo nagkakilala?"
"Hindi, Ashton. Hindi 'yon magagawa ni Indigo. Mabuting tao ang pamangkin mo." Naging dahilan iyon upang mapatingin sa kanya si Ashton ngunit mabilis namang sumabat si Tadeo Miguero. "Pero may motibo pa rin si Young Master, Lady." Tila nagpanting ang tainga ni Amber sa narinig. Tumalim ang titig nito kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa tauhan ng kanyang mister. "Una sa lahat, Tado, wala kang patunay na may kasalanan si Indigo. Magpakita ka muna ng ebidensya bago ka mambintang!" Hindi nito naiwasan ang pagtaas ng kanyang tinig. Tila bigla niyang naramdaman ang pagkulo ng dugo niya sa lalaki. "Hindi ako nambibintang, Lady. Sinasabi ko lang po ang posibilidad." Mahinahon ang bitaw ni Tadeo sa bawat salitang kanyang binitiwan ngunit hindi pa rin naiwasan ni Amber ang mapakuyom ng kamao. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. "Lady, alam ko pong naging mabuti ang pakikitungo sa sa'yo