Share

Chapter 42.1

Napalunok si Amber sa narinig. Hindi niya naiwasan ang mapakurap.

"B-bakit?"

Aniya sa sarili, sa dinami-dami ng taong pwedeng maalala ni Ashton, bakit si Indigo pa na hindi nito kasundo?

"Kaninang sumakit 'yong ulo ko parang narinig ko 'yong boses mo. You mentioned a name Indigo."

Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Amber.  Naramdaman rin niya ang pagkabog ng kanyang puso. 

"Ano pang sinabi ko?" Pag-uusisa niya.

Marahang umiling si Ashton.

"Hindi ko masyadong naintindihan." 

Tila naman nakahinga ng maluwag si Amber. Sa totoo lamang ay hindi pa siya handang magkwento tungkol kay Indigo. Lalo na at para sa kanya ay awkward ang relasyon nilang tatlo.

"So, who is he?"

Muling napalunok si Amber sa narinig. Kumurap-kurap siya at pinilit ngumiti bago nagsalita. 

"Si Indigo, pamangkin mo siya."

Marahan namang napatango si Ashton bago nagsalita.

"So, he's a kid?"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status