Share

Chapter 43.1

Pinanood ni Amber kung paano iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa paligid. Kitang-kita rin ang pagtataka sa mga mata nito kung bakit siya dinala ng kanyang misis sa isang makipot na eskinita. Sa paligid ay makikita ang dikit-dikit na mga bahay. Masasalamin rin ang kahirapan sa lugar dahil sa tagpi-tagping sako, lumang tarpaulin at  plywood na dingding ng bahay. Bilang lamang sa mga bahay na naroon ang gawa sa semento at may maayos na bubong.

"What are we doing here?" Puno ng pagtatakang bumaling siya sa babae.

"Dito tayo unang nagkita. Dito tayo nagkakakilala." 

Hindi naman naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga matapos suriin ang paligid. Aniya sa sarili, mahigit sampung taon na rin ang lumipas ngunit bilang lamang sa daliri ang nagbago sa lugar. Ilan lamang sa mga bahay ang nabago ng anyo. Kung meron man siguro kapansin-pansin na pagbabago sa lugar. Iyon ay ang pagkakaroon na ng maayos na lamp post. 

"Dito tayo nagkakilala?"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status