"Hindi, Ashton. Hindi 'yon magagawa ni Indigo. Mabuting tao ang pamangkin mo."
Naging dahilan iyon upang mapatingin sa kanya si Ashton ngunit mabilis namang sumabat si Tadeo Miguero.
"Pero may motibo pa rin si Young Master, Lady."
Tila nagpanting ang tainga ni Amber sa narinig. Tumalim ang titig nito kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa tauhan ng kanyang mister.
"Una sa lahat, Tado, wala kang patunay na may kasalanan si Indigo. Magpakita ka muna ng ebidensya bago ka mambintang!" Hindi nito naiwasan ang pagtaas ng kanyang tinig. Tila bigla niyang naramdaman ang pagkulo ng dugo niya sa lalaki.
"Hindi ako nambibintang, Lady. Sinasabi ko lang po ang posibilidad."
Mahinahon ang bitaw ni Tadeo sa bawat salitang kanyang binitiwan ngunit hindi pa rin naiwasan ni Amber ang mapakuyom ng kamao. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki ngunit hindi pa rin ito nagpatinag.
"Lady, alam ko pong naging mabuti ang pakikitungo sa sa'yo
Hindi naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga habang nakaupo siya sa kanilang kama at nakatuon ang tingin sa floor to ceiling wall ng silid. Nakaramdam siya ng guilt nang bumalik sa alaala niya ang laman ng usapan nila ni Dark Indigo. "Iniisip mong makakaya kong patayin ang uncle ko?" Gumuhit ang pait sa kulay kayumangging mga mata nng lalaki. "It's true na kaya kong hilingin na sana mawala na lang siya pero kahit kailan, hindi ko magagawang maging kriminal, Amber!" Nangislap ang mga mata nito na tila anumang oras ay maluluha ito. "I know, hindi kami okay ni Uncle. Well, matagal na kaming hindi magkasundo. Ayos lang naman sa akin na pagbintangan ako ng iba, expected ko na iyon. Ngunit ikaw? Para akong sinaksak ng ilang ulit sa puso, Amber." Puno ng hinanakit ang tinig nito. Hindi naman naiwasan ni Amber ang makonsensiya sa tinuran nito. Umawang ang labi niya upang magsalita sana ngunit bago pa siya makaimik ay muling naglit
Tila umabot sa langit ang kabog ng dibdib ni Amber nang baybayin nila ang hardin. Nang sandaling huminto siya sa harap ng kubo ay pilit tinatagan ni Amber ang kanyang sarili. Aniya sa isip, wala na iyong atrasan. Nanginginig ang kamay niyang pumitas ng kulay dilaw na hibiscus at saka siya humarap sa kanyang mister. "Dapat mong ihanda ang sarili mo, tanders." Marahan namang tumango ang lalaki. "What's the story of this place?" Puno ng pagtatakang iginala ni Ashton Blumentrint ang paningin. Kaysarap sa mata ang luntiang paligid ngunit ramdam niya ang tensiyong nadarama ng kanyang asawa. "Pasok tayo sa loob." Hindi na hinintay ni Amber na magsalita ang lalaki. Nagpatiuna ito sa pagpasok. Wala namang imik na sumunod sa kanya si Ashton. "So, anong meron dito?" Tanong nito matapos buksan ni Amber ang ilaw ng kubo. Hinarap siya ni Amber at saka nito inipit ang bulaklak sa kanyang tainga. "Ashton." Pan
Tila nagising si Ashton sa isang panaginip. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay una niyang naisip ang kanyang kabiyak. "Amber?" Pagtawag niya sa kanyang misis kasabay ng kanyang pagbangon at paggala ng tingin sa paligid. Nang mapunta ang tingin niya ang kanyang kamay ay bumungad sa kanya ang IV fluid na nakakabit roon. Noon na niya naalala ang pagkawala ng kanyang malay. "Hijo, I'm glad you're awake now." Awtomatiko siyang napatingin sa pinagmulan ng pamilyar na tinig. Nasaksihan niya ang paglapit sa kanya ang nag-aalalang si Don Flacido. "Papa,"usal niya. "Sobra mo akong pinag-alala, Hijo." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata nito. "How are you feeling, Ashton?" Usisa naman ng kanyang kuya Florence na agad ring lumapit sa kanya. Sumunod rin sa paglapit sa kanyang kama ang isa pa nilang kapatid na si Gabriel. Ngunit sa halip
Labis na nanibago si Ashton Blumentrint sa kanyang pag-uwi. Walang Amber na sumalubong sa kanya sa malawak na sala ng kanilang bahay. Bagamat nagtataka ay kinalma pa rin niya ang sarili. Aniya, baka nasa kwarto lamang nila ang kanyang misis at nagpapahinga. "I'm home!" Deklara niya nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang paghakbang papasok. "Amber?" Tawag niya rito kasabay ng pagsilip niya sa walk in closet ngunit bigo siyang mahanap roon ang kanyang maybahay. Sunod niyang tinungo ang gallery room ngunit wala rin doon ang babae. Maging ang banyo at veranda ay 'di niya pinalampas ngunit bigo siyang makita ang hinahanap. Nagdesisyon siya tunguhin ang iba pang bahagi ng bahay. Pinuntahan niya sa kanilang silid ang kambal ngunit mahimbing naman ang tulog ng mga ito. Wala ring bakas na naroon ang kanyang misis. Matapos niyang ting
"What are you talking about, uncle?" Kunot-noong tanong ni Indigo. Marahas na binitawan ni Ashton ang kanyang pamagkin. Gayunpaman ay hindi pa rin ito bumitaw ng tingin sa kanya. "Pwede bang huwag ka nang magmaang-maangan, Indigo! Sino pa bang mag-uutos kay Dindi para kunin ang asawa ko kundi ikaw?" Napaawang naman ang labi ng binata. "What?" Hindi siya makapaniwala sa binitawang bintang sa kanya ng sarili niyang tiyuhin. "Ikaw lang naman itong gustong-gusto siyang agawin sa akin." Napailing si Indigo. "And you really think that I can force Amber to love me by abducting her?" Lalo namang tumalim ang titig si Ashton sa kanyang pamangkin. Walang takot namang sinalubong siya ng tingin ni Dark Indigo. "Hindi pa ba abduction ang ginawa mo sa kanya noon?" Napakuyom na lamang ng kamao si Indigo. Nagpatuloy naman si Ashton sa pagsasalita. "Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo noon?" Pinani
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito