Share

Chapter 41.1

"At hinayaan ni balae na mangyari 'to? Pa'no na lang kung nakunan 'tong anak ko?" Humalukipkip si Amaya Velez. Hindi rin nito napigilan na paningkitan ng mata ang kanyang manugang. 

Kulang na lamang ay mag-alburuto ito sa galit matapos sabihin sa kanila ni Amber ang nangyari. Mabuti na lamang at nariyan si Norberto na pumipigil sa kanyang misis.

"Nakakapanggigil! Hindi man lang nila inisip ang kalagayan ng anak ko! Kung nandito lang si balae, pepektusan ko talaga 'yon!" Nagngangalit nitong turan. 

"Ma!" Kaagad namang saway ni Amber sa kanyang ina ngunit hindi naman siya inintindi ni Amaya. 

Ni hindi man lang  siya nito binalingan. Nanatili itong nakatingin kay Ashton Blumentrint. Para bang isa itong pulis na nasa isang interogasyon.

"Iyak ng iyak ang anak ko noon tapos ngayon malalaman namin na wala naman pala siyang dapat ikaiyak." Tumaas ang kilay nito. "Gusto mo hampasin kita ng dospordos para matuluyan ka na, ha?"

amvernheart

Good day everyone, Maraming salamat po sa inyong pagbabasa ng kwentong ito. Salamat sa pag-add ng story ko sa inyong library, salamat din po sa gems at comments. Sobra ko pong na-appreaciate ang mga iyon. As way of appreciation, I am dedicating this chapter to all of you. Special dedication to Honey Cuartiron, Arlyn Blanca Besin, Jay Vacal, Cherica Caranzo and Anj Erecre. Salamat po ng marami sa inyong suporta.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status