SHAINASimula nang hingiin ni Sir George ang cell phone number ko ay panay na ang text at tawag niya sa akin. Akala ko pa naman sa kanya ay hindi niya gusto na maging text mate ako pero 'yon ang nangyayari ngayon, eh. Kakatawag pa lang niya sa akin ngayong umaga. Niyaya niya ako mamasyal sa malapit na mall. Sinabi ko naman nga 'yon kay mama.''Ano po ba ang gagawin ko, Ma? Niyaya niya ako na mamasyal kami mamaya sa mall. Hinihintay niya po ang isasagot ko sa kanya," nakangusong sabi ko kay mama."Ikaw ang bahala kung ano ang isasagot mo. Kung pumapayag ka na mamasyal kayong dalawa sa malapit na mall ay wala namang problema 'yon sa akin, eh. Hindi kita pipigilan, anak. Mabait naman si Sir George at pabor naman sa akin na mamasyal ka para makapaglibang-libang ka naman kahit papaano. Alam ko na hindi ka pa nakakapag-move on sa lalaking 'yon na minamahal mo hanggang ngayon. Baka makatulong ang pagmo-move on mo kung kasama mo si Sir George. Mabait na bata si Sir George," sabi ni mama sa ak
JACOB "Ano pa ba ang ginagawa ng babaeng 'yan dito sa pamamahay ko, huh?" singhal ko sa pinsan ko na si Camille isang umaga. Ang tinutukoy ko ay si Isabel na hindi pa rin umaalis sa bahay ko ilang araw na. Mag-iisang linggo na nang sinabihan ko siya na umalis na sa bahay ko ngunit hindi pa umaalis. Nakikipagmatigasan pa sa akin."Jacob, wala raw siyang mapupuntahan kung aalis siya dito sa bahay mo. Maawa ka naman sa kanya, please. She's pregnant. Hindi ka ba naaawa sa kanya, huh? Gusto mo ba siya na magpagala-gala sa kalsada lalo na buntis siya, huh? Maawa ka naman sa kanya, Jacob. Wala ka bang puso, huh?" sabi ng pinsan ko na si Camille sa akin."Maawa sa kanya, huh?" Camille shook her head and said, "Oo, Jacob. Maawa ka naman sa kanya. Buntis siya. Anak mo ang pinagbubuntis niya."Napatiimbagang ako sa sinabi niyang 'yon."Maawa ang mukha n'yo! Naawa ba kayo sa akin before, huh? Hindi naman, 'di ba? Tapos ngayon sasabihan n'yo ako na maawa sa kanya! Mga walang hiya talaga kayo! Cam
SHAINAPalagi na akong pinupuntahan ni Sir George sa bahay namin. Kahit ayaw ko na pumunta siya ay wala naman akong magagawa pa. Hindi ko naman siya puwedeng pagbawalan na pumunta sa bahay namin. Baka magalit pa siya o ano sa akin. Palagi rin kaming lumalabas kapag hapon dahil niyaya nga niya ako. Hindi ko naman siya matanggihan. Nililigawan na nga niya ako kaya kahit anu-ano ang binibigay niya sa akin. Alam naman na 'yon ni mama kaya aware na siya sa aming dalawa ni Sir George. Sinabihan na pala niya ang daddy niya tungkol sa akin na gusto ko pa ngang magpatuloy sa pag-aaral ko. Ang sabi ng daddy niya ay tutulungan raw ako nito na mag-aral muli at tapusin ang pag-aaral ko. Natuwa naman ako sa nalaman ko na 'yon mula sa kanya. Makakabalik na ako sa aking pag-aaral sa susunod na pasukan sa tulong ng daddy niya. Sinabi ko naman nga si mama tungkol doon at natuwa naman nga siya. Sa wakas raw ay makakabalik na ako sa pag-aaral.Tatlong linggo na ang nakalilipas nang umuwi ako dito sa prob
JACOBPumayag na lang ako sa nais mangyari ni Camille na pinsan ko na bigyan ko na lang ng matitirahan si Isabel para umalis na ito sa pamamahay ko. Hinanapan ko siya ng apartment na matitirahan niya. Kahit papaano ay may nararamdaman naman akong awa para sa kanya. Pina-delete ko na nga sa kanya ang kopya ng sex video namin dati kaya napanatag na ang kakooban ko na wala na siyang ikakalat na sex video namin. Gagawin pa ba niya 'yon? Binigyan ko na nga siya ng apartment na matitirahan niya tapos gagawin pa niya 'yon? Napakawalang puso naman niya kung ganoon. Pasalamat na siya sa akin dahil may awa pa akong nararamdaman sa kanya kahit papaano. Nagpasalamat naman nga siya sa akin matapos kong bigyan siya ng matitirahan. Hindi na nga si Isabel nagreklamo pa. Kung magrereklamo pa siya n'yan ay baka hindi ko siya bigyan ng matitirahan niya. Wala na siya masyadong sinabi pa na kung anu-ano na hindi ko magugustuhan.Kinausap naman siya ng pinsan ko na si Camille kaya hindi naman na nga siya
JACOBI woke up early in the morning today. Ngayon ang flight ko patungo sa probinsiya kung nasaan ang babaeng mahal ko na si Shaina. Wala naman akong maysadong dala na gamit. Paalis na ako sa bahay para tumungo sa airport nang makasalubong ko sa may sala ang pinsan ko na si Camille.''Where are you going, Jacob?" tanong niya sa akin. "Papasok ka na ba sa opisina mo?"Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. Walang emosyon ang mukha niya na nakatitig sa akin."I'm not going to my office today," seryosong sagot ko sa kanya. Kumunot ang noo niya pagkasabi ko na hindi ako papasok sa opisina ko. Tinapunan niya ako ng nagtatakang tingin bago siya nagsalita sa akin."W-what? Aren't you going to your office today, Jacob? Sigurado ka, huh? Kung hindi ka papasok sa opisina mo ay saan ka pupunta?" tanong niya sa akin na nagtataka. Kung kanina ay walang emosyon ang mukha niya ngayon ay mayroon na.I cleared my throat and sighed again. "I'll go to the province..." sabi ko sa kanya.
JACOBForty-five minutes lang ang naging flight ko patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay napabuntong-hininga kaagad ako at napasabi sa sarili ko na magkikita na talaga kaming dalawa ni Shaina na babaeng minamahal ko. May naghihintay na sa akin na sasakyan sa labas ng airport. Sumakay naman na kaagad ako patungo sa hotel kung saan ako magi-stay habang nandito ako sa probinsiya ng babaeng mahal ko. Hindi ako sigurado kung makakabalik kaagad ako sa Maynila kaya sa isang hotel muna ako magi-stay habang nandito ako. Bukas na hapon ang flight ko pabalik ng Maynila. Kung hindi ako makauwi pa bukas ay ire-reschedule ko na lang ang flight ko pabalik sa Maynila sa susunod na araw. Kailangan talaga ay maisama ko na pabalik ang babaeng mahal ko na si Shaina sa Maynila. Hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mabigo ako sa plano kong isasama ko na siya pauwi sa amin sa Maynila.Kumain muna ako ng lunch bago ako tumu
SHAINASa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay para bang kakawala na ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Jacob is here. Pinuntahan niya ako dito sa amin sa probinsiya. "Jacob... Ano'ng ginagawa mo dito sa amin?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Sir George. Nginitian niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya kung ano'ng ginagawa niya dito sa amin."Nagulat ka ba sa pagpunta ko dito sa inyo?" mahinang tanong niya sa akin. Si Jacob nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Narinig ko muli ang baritonong boses niya na nakaka-in love pakinggan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Natutuwa ako na nasa harapan ko nga si Jacob na lalaking minamahal ko hanggang ngayon.Dahan-dahan ko naman nga na tinanguan siya at nagsalita, "Oo. Nagulat ako pagkakita ko sa 'yo ngayon, Jacob. Bakit ka nandito, huh?''Huminga muna siya nang malalim bago nagsal
SHAINA Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob."Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon."Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako