Share

Chapter 12

SHAINA

"Hindi. Hindi ko gagawin 'yon, okay? Ayaw kong ako ang magkumpirma ng bagay na 'yan mula sa kanya. Maaaring tama ka naman sa sinabi mo sa akin na baka mapagalitan pa ako kapag ginawa 'yon. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. Mas mabuti na malaman ko 'yon sa iba kaysa sa ako pa talaga ang unang makaalam kung totoo nga 'yon," sagot ko nga sa kanilang dalawa na nakangiwi. Sabay naman silang dalawa napatango sa harapan ko.

"Magagalit talaga siya sa 'yo n'yan kapag ginawa mo 'yan kaya huwag na 'wag mong gagawin 'yon, Shaina," sabi naman ni Lisa sa akin. Napabuntong-hininga muli ako bago nagsalita sa kanilang dalawa.

"Hindi naman siguro imposible na mangyari 'yon, 'di ba?" nakangiwing sagot ko.

"Hindi naman nga, eh. Sigurado kaming dalawa ni Amy na totoo talaga 'yon. Hindi 'yon basta-basta gawa-gawa lang. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Sir Jacob? Kahit saan siya pumunta ay may nagkakagusto sa kanya. Ganyan man ang ugali niya talagang may mabibiktima siya," sagot pa ni Lisa sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status