Share

Chapter 51

Simula ng gabing 'yon ay opisyal na ngang nanligaw si Edward kay Angela. Wala na ngang bawian pa 'yon. Sa ginawang panliligaw ni Edward kay Angela ay mas lalo pa silang dalawa napamahal sa isa't isa lalo na si Angela. Tuwing umaga ay pinagluluto siya ni Edward ng masarap na breakfast at tuwing gabi naman ay ganoon rin ang ginagawa nito. Pinagluluto siya ni Edward ng masarap na dinner. Hindi na siya pinapagawa ng kung anong gawaing bahay dahil ito na ang gumagawa sa kanya. Araw-araw naman na pinaparamdam ni Edward sa kanya na espesyal siya. Araw-araw rin ang panliligaw nito sa kanya. Palagi siyang binibigyan ng bulaklak at chocolate nito. Kinikilig naman siya sa ginagawang 'yon ni Edward sa kanya. Wala siyang masabing iba kundi mahal na mahal talaga siya nito.

"One week na akong nanliligaw sa 'yo..." sabi ni Edward sa kanya habang nakaupo sila kinagabihan sa labas ng bahay. Maliwanag na maliwanag sa labas ng bahay nila dahil sa iba't ibang ilaw na nandoon na para bang Christmas lights.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status