Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagsasalita si Dina sa kapatid niya na si Mercy kaya ibinuka muli nito ang mga labi para magsalita sa harapan nito."Pakinggan mo kasi ang sinasabi nilang dalawa lalo na ng anak mo, Dina. Hindi naman niya nilandi o inagaw sa 'yo si Edward. Kailangan mo na tanggapin na hindi ka talaga niya mahal dahil ang anak mo na si Angela ang mahal niya. Nasaktan ka man, naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit ng ganyan ngunit isipin mo naman ang relasyon n'yong dalawa ng anak mo na si Angela. Hindi dapat kayo nagkakaganito dahil lang sa iisang lalaki. Patawarin mo na sila, Dina. Huwag mong hayaan na mawala ang anak mo na si Angela. Alam ko na mahal mo pa rin siya kahit ganoon ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi 'yon maalis-alis kahit ano'ng gawin mo dahil ina ka at anak mo siya. Kung hindi mo kayang patawarin si Edward ay okay lang. Basta mapatawad mo si Angela na anak mo at magkaayos kayong dalawa ay mabuti. Kung patatawarin mo silang dalawa ay
Dina took a very deep breath before she speaks to her sister Mercy who asked that questions. Sasagutin niya 'yon ngunit hindi lang diretso. "Kung napilitan ako, eh, desisyon ko na 'yon. Kung naiintindihan ko naman na 'yon o hindi ay desisyon ko pa rin 'yon, Mercy. Ako ang may kontrol sa sarili ko. Hindi kung sino man sa paligid ko, okay? Hindi ikaw, hindi kung sino pa d'yan. May sarili akong pag-iisip at hindi ako dapat na naniniwala sa sinasabi ng iba lalo na kung sa tingin ko ay hindi ko dapat paniwalaan," seryosong sagot ni Dina kay Mercy na kapatid nga niya na tumango-tango naman pagkasabi niya."Yeah, I know that, Dina. You have your own mind. Sana talaga ay tama ang naging desisyon mo at hindi ka napipilitan. Well, masasabi ko sa 'yo na tama ang naging desisyon mo. Magandang magkaayos kayong dalawa ng anak mo na si Angela. Anak mo pa rin siya kahit balik-baliktarin pa ang mundo. Walang magbabago, okay? Hindi dapat kayo nagkakaganitong dalawa. Imbis na mag-away kayo at magtanim
"Kung 'yon po ang sinabi niya ay wala talaga tayong magagawa. Maraming salamat sa pagsabi sa akin na hindi ko puwedeng isama bukas si Edward sa pagpunta ko sa bahay namin. Maraming salamat po!" nakangusong tugon ni Angela sa Tita Mercy niya sa kabilang linya."Walang anuman 'yon, Angela. Sinabi ko lang 'yon para malaman mo, eh. Ikaw lang talaga ang gustong patawarin ng mommy mo at hindi ang boyfriend mo na si Edward. Wala talaga tayong magagawa dahil 'yon ang desisyon niya. We need to respect it," sagot ni Mercy sa kanya. "Sasabihin ko na bukas ka pupunta sa bahay n'yo para alam nga niya, Angela.""Sige po, Tita Mercy. Maraming salamat po sa tulong mo na 'to. Maraming salamat po talaga!" pasalamat ni Angela sa Tita Mercy niya sa pagtulong nito sa kanya."Walang anuman 'yon, Angela. Ginagawa ko lang ang parte ko para magkaayos kayong dalawa sapagkat ayaw ko na nagkakaganito kayo. Kagaya nga ng sabi ko sa 'yo na hindi dapat kayong dalawa nagkakaganito dahil mag-ina kayo. Imbis na nagmam
"Mom, ano po ang niluluto mo? Ba't ang dami mo pong niluluto na pagkain? May bisita po ba kayo? Pupunta po ba ngayon si Tita Mercy?" nagtatakang tanong ni Angela sa kanyang mommy Dina habang nagluluto ito sa kusina. Abalang-abala ito.Tumigil muna sa ginagawa niya ang mommy niya para sagutin siya nito sa mga katanungan niya na 'yon. Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahan na ibinuka ang bibig para magsalita."Sa susunod pa na araw pupunta ang Tita Mercy mo dito sa bahay natin, eh," sagot ni Dina sa anak niya na si Angela na nagtataka pa rin sa kanya."Ganoon po ba? E, bakit ang dami mo pong niluluto ngayon? Wala naman pong may birthday sa atin, 'di ba? Wala rin naman po siguro kayong bisita," nakangiwing tugon ni Angela sa mommy niya na bumuntong-hininga muna bago sumagot muli sa kanya. "May bisita ako ngayon na hapon," nakangising sagot ng mommy niya sa kanya. "Sino po? Sino po ba ang bisita mo ngayon na hapon? Mga katrabaho mo po ba?" usisa pa ni Angela sa mommy niya. Umiling ang momm
Tumungo na silang tatlo sa kusina para kumain ng meryinda na niluto ng mommy niya. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya si Angela sa nakikita niya sa harap niya. Akala niya ay may edad na rin ang boyfriend ng mommy niya ngunit nagulat na lang siya ng makita ang guwapong si Edward na mukhang ka-edad lang niya. Napakalayo ng age gap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ang boyfriend ng mommy niya. Napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa mommy niya na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Edward. Tahimik lang siya ngunit nagpo-protesta ang buong sistema niya sa nakikita niya sa harap niya.Habang kumakain sila ng meryinda panay ang sulyap ni Edward sa kanya na ipinagtataka niya. Kapag kinakausap ito ng mommy niya ay para bang napakalayo ng mga sagot. Palagi siya nitong gusto na isali sa usapan ng dalawa. Matapos nilang kumain ng meryinda ay nagpaalam na muna siya sa mommy niya na pupunta sa kuwarto niya. Pinayagan naman siya ng mommy niya.Hindi maalis-alis sa isipan
Habang kumakain sila ay sinabi ni Angela ang tungkol sa boyfriend ng mommy niya na akala niya ay ka-edad lang nito ngunit hindi naman pala. Umawang ang mga labi ni Jenna nang sabihin niya 'yon."Talaga? Guwapo ba 'to? Ano'ng hitsura niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenna sa kanya. Uminom muna ng tubig si Angela bago sumagot sa kaibigan niya."Kung hitsura ang pag-uusapan natin ay may hitsura ang boyfriend ngayon ng mommy ko na mahigit twenty years ang age gap nila. Mukhang ka-edad siguro natin 'yon, eh. Hindi ko naman inaalam ang edad ng lalaking 'yon pero sigurado ako na ka-edad lang natin siya. Guwapo ang boyfriend ng mommy ko. Hindi lang guwapo," sagot ni Angela kay Jenna na interesado na malaman ang tungkol sa guwapong boyfriend ng mommy niya."Kung hindi lang 'yon guwapo, eh, ano pa siya? Malaki ang katawan? Hot ba siya? Makalaglag panty ba?" tanong pa nito sa kanya. Mabilis naman na tumango si Angela sa kanya para kumpirmahin 'yon."Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay totoo.
Sumunod na gabi ay nagulat na lang si Angela nang maabutan niya sa loob ng bahay nila si Edward kasama ang mommy niya. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang dumating siya. Nasa sala ang dala habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Magkahawak-kamay nga ang dalawa. Napakunot-noo kaagad siya pagkakita dito ngunit naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita niya ang guwapong si Edward. Sa kanya natuon ang atensiyon ng dalawa pagkalapit niya dito. Nagmano muna si Angela sa mommy niya at ngumiti naman siya kay Edward. Hindi puwedeng wala siyang gawin. Kahit hindi niya batiin ito ay okay lang basta nginitian lang niya. Hindi na ito mag-iisip ng negatibong bagay sa kanya."Nagabihan ka ngayon ng uwi," sabi ng mommy niya na si Dina sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ng dalawa habang kausap ito. Nakatingin sa kanyang mukha si Edward kaya hindi maiwasan na makaramdam siya ng kaunting hiya dito. Kung makatingin pa naman ito sa kanya ay para bang hinuhubaran siya. Wala
"Good morning too," she greeted him in return. Edward accepted her greeting. He smiled at her again. "Kanina ka pa nandito?" tanong nga niya kay Edward na bago sumagot ito sa tanong niya ay nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga."I think mga thirty minutes na akong nandito, eh," sagot ni Edward sa kanya. Tumango-tango naman si Angela pagkasagot ni Edward sa kanya."Ah, ganoon ba? Akala ko kasi ay wala ka na, umuwi ka na," sagot ni Angela sa kanya."Hindi pa naman, eh. Maupo ka muna. Mag-usap muna tayong dalawa," nakangising sagot ni Edward sa kanya. Angela bit her lips and said, "Nag-uusap na nga tayong dalawa, 'di ba? Ano pa ba ang ibang matatawag sa ginagawa natin na 'to, huh?"She has a point naman sa sinabi niya pero ang ibig lang sabihin ni Edward ay mag-usap pa silang dalawa kaya pinapaupo niya ito sa kaharap na upuan na inuupuan niya kanina. Nakatayo pa rin naman siya. Hindi pa siya umuupo muli sa upuan na 'yon. Kaagad naman na nagsalita si Edward sa kanya para ipaliw